BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Maglilinis Ako Ng Bahay / The Hell I Care.


Ang dami-dami kong links sa blogroll ko at kanina, isa-isa ko ulit silang binisita – at ako’y natulala, karamihan sa kanila ay inaamag na, at ang sumalubong sa akin ay mga langaw mula sa isang napabayaang tinapay. Sana ay magbalik na sila kaagad dahil na-mi-miss ko na ang kanilang mga likha.

Pero sa pag-usad ng panahon ay nakatagpo ako ng mga bagong kakilala – mga aktibong manunulat na may mga kakaibang uri ng ideyang nagpapakibot sa aking utak kapag nagbabasa ako. At upang bigyang daan ang kanilang pahina, kailangan kong maglinis ng aking bahay at pasintabi po muna sa mga kaibigan nating ito at ilalagay ko muna kayo sa baul at minsan-minsan ay dadalawin ko naman kapag may pagkakataon. Don’t worry, magbalik lang kayo, palagi akong nandito para tumangkilik dahil in the first place, kaya nga kayo nakalagay sa blogroll ko, eh dahil I read your posts, but since yun nga, you’re all kinda inactive, prolly busy with your life outside the blogosperyo, enjoy lang muna. Okay? I’ll see you soon!

At bukod sa paglilinis ng aking bahay sa mundo ng internet, sa tingin ko nauuso na ito ngayon, yun nga lang, hindi tulad ko na nagbibigay ng notice (or memo) bago mag-delete, napansin ko lang na ang dami-daming nag-unfriend sa akin sa Facebook. Hindi ko alam ang reason, pero hindi ko na papahirapan ang sarili kong mag-isip dahil alam ko naman wala akong ginawang masama.

Pero sige, magbibigay ako ng ilang mga bagay na naiisip kong dahilan kung bakit nila ako dinelete, hmmmm:

1. Naiirita sila sa maya’t-mayang pag-update ko sa status ko.

2. Mas madalas sa hindi, hindi sila pabor sa mga comments ko about Noynoy Aquino and his alipores.

3. Hindi nila type ang madalas kong pagpo-post ng mga links about Congresswoman Gloria Macapag-Arroyo.

4. Hindi nila type ang madalas kong pagpapalit ng profile pic.

5. Na-iintimidate sila sa dami ng mga friends ko sa Facebook.

6. Mas lalo silang naiintimidate kapag sangkatutak ang “like” ko sa mga pics, status, at comments nila.

7. Siguro, nagkamali lang sila sa pag-add sa akin, o nagkamali lang sa pag-confirm ng request ko.

8. Dahil suplado ako sa chat, hindi talaga ako nagrereply.

9. Hindi sila pabor sa akin as a blogger, as a person, as a Facebook user, whatever.

10. Or dahil may hidden grudges at personal na galit lang talaga sila sa akin.

 

Wala na akong maisip na ibang dahilan. Basta alam ko wala talaga akong ginagawa to annoy them or something at kung meron man, obviously, I did not mean it. Well, they could have told me, ayt?! Ang nakakainis lang, sila yung mga friends na naging close ko hindi lang sa Facebook, maging sa tunay na buhay, actually, some of them were my classmates way back. Yung iba, people I’ve discussed cool things with. Some of them I even helped with their financial, emotional, love, even sexual problems. Haha. And I don’t understand – I’m still giving them the benefit of the doubt – it could be a technical error, who knows?

I think nagiging mabait na tao na ako ngayon haha. Dati kasi – “the hell I care” ang motto ko sa buhay, and hell yeah! The hell I care. But the fact that I have share good times with these people, it kinda made me think just a little bit, what the hell did I do, man?

Anyway, forget it. Naghanap lang talaga ako ng dahilan para makapagsulat. Hindi naman talaga ako affected. LOL. Not that I think highly of myself, it’s just that, hey, I know exactly what I’m missing and you don’t! So, gaya nga ng lagi kong sinasabi, if I can quote myself:May sarili akong mundo. Ikaw ang lumapit dahil hinding-hindi ako bibitiw dito. Maaari kang maglabas-masok sa mundo ko, unlimited access. Hindi ako madaling maapektuhan ng emo-emo. Dumating ka, umalis ka, mag-stay ka – fine. No big deal. Mabubuhay ako kasama ang mga taong gusto ako at hindi sa mga taong ayaw sa akin.”

And so goodbye – at least germ-free na ang bahay ko.

 

(I’d like to thank pala kuya Bulakbolero for that wonderful post, I appreciate it. I’m glad na nahipuan nahawakan kita in a small way! haha. Happy Anniversary po!)

About these ads

2011/04/13 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

5 Comments »

  1. Ui. walang anuman pareng bien. nahipuan talaga ko dun sa linya mo kaya ko inilathala.

    ngaps, baka hindi ka talaga nila in-unfriend (uso na pala ang term na to), baka naman katulad ko lang sila na nagdeactivate na sila ng facebook, kaya biglang nabawasan ang tropa mo sa list. madami reasons, sabi mo nga pero… wala lang yon. ang mga tunay na kaibigan, kahit inde kayo friend sa facebook, magkikita at magkikita pa din kayo. maguusap, magkakamustahan at higit sa lahat nasa alaala kahit kelan. \m/

    keep on rockin ser. bat di tuloy ang G2 mo?

    Comment by bulakbolero | 2011/04/14 | Reply

    • Sana nga po ganun lang yun. Of course a true friend shall never leave, wherever they go, they stay with us. Yung G2 pala ayun cancelled, medyo kulang sa training eh. Instead, we’ll go to Mt. Pulag na lang, hopefully makasama ako.. hehe. Nice to see you here again! :D

      Comment by bienthoughts | 2011/04/14 | Reply

  2. Ako ba yung nilalangaw? Haha. Nakakahiya naman. Sorry na. Haha.
    Akala ko kung anung paglilinis ng bahay ito. Ako din medyo snob sa facebook. Tamad akong makipaginteract eh. Kaya pag may nagdelete as friend sa akin, di ko mapapansin unless someone told me.

    Comment by Yow | 2011/04/14 | Reply

    • hahaha, hindi pa naman nilalangaw yung sayo Yow, ang mga itnago ko sa baul yung tipong mga 2 years nang di nagpo-post, haha. Wag ka naman sana umabot ng 2 years bago ulit magpost please! Im looking forward to your next post, Yow! :D

      Comment by bienthoughts | 2011/04/14 | Reply

  3. Woohoo… may kilala akong ganyan sa facebook hahahaha…

    Comment by Ron Mistica | 2011/04/14 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 445 other followers

%d bloggers like this: