BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Poot.


Ok sige, sisimulan ko ang post kong ito nang may poot sa puso. Sobrang naiinis ako ngayon at dahil sobrang naiinis ako ngayon sa isang tao dyan, magmumura na lang ako, pagbigyan nyo na ako… PUUUUUUUUUTANG INAAAAA!!! PUUUUUUUUUTANG INAAAAA!!! PUUUUUUUUUTANG INAAAAA TALAGAAAAAAAAAAAAA!!!

Nakakainiiiiiiiis!

Alam mo ba yung pakiramdam na gustong-gusto mong isigaw ang sama ng loob mo pero dahil alam mong panandalian lang naman ang poot kong ito at mawawala na rin mamaya, mas pipiliin ko na lang isulat ito dito sa blog ko. I just feel so helpless, wala akong magawa. Isang maliit na nilalang lang ako kumpara sa kanya at kahit anomang gawin ko, hanggang dito lang ang pwede dahil pag inilabas ko ito sa pagmumukha nya, maaari ko siyang masaktan at basagin ang mukha!

Pero dahil nga sa may pinag-aralan naman ako at gumradweyt sa isang magandang iskwelahan at nakatapos ng bachelor’s at master’s degree, hindi na lang ako magsasalita at idadaan ko na lang sa ganito. Salamat na lang sa WordPress at sa Facebook dahil kung wala ang mga ito, malamang matagal na akong naidemanda ng physical injury resulting to murder [ayan talagang resulting to murder talaga para feel na feel kung gaano ko sya gustong saktan ng bonggang-bongga!]

Eh paano ba naman ginagamitan nya ako ng powers nya. As in super power tripping to the max at wala akong kalaban-laban dahil isa lang akong ordinaryong mamamayan ng aking maliit na mundo. Kahit pa siguro mayaman ako ay hindi ko mapapantayan ang panggagago nya sa akin. Sobrang taas pa naman ng respeto ko sa kanya at pakiramdam ko dati lahat na lang ng ginagawa niya ay tama.

Pero hindi nagtagal, PUUUUUUUUUTANG INAAAAA, parang nagising ako sa katotohanang hindi ako dapat ginagago at pinagmumukhang tanga ng isang taong hindi ko naman kaanu-ano. Nang isang taong akala mo kung sino umasta at manlait pero hindi naman nakatapos nn pag-aaral. Saan ka ba nag-aral ha? Yan ba ang turo don? Ano ba kapit ng pamilya mo at kung magsalita ka dyan akala mo ikaw ang nagpapalamon sa akin? PUUUUUUUUUTANG INAAAAA KA!!!

Alam mong hindi kita lalabanan. Unang-una hindi ako pumapatol sa matanda, at pangalawa, hindi ako kasingsama mo! Kung marunong kang mag-blog, dapat ganito na lang din ang ginagawa mo hindi yung harap-harapan eh nagpapahiya ka ng tao. Anong klase ka?! Gago!

Pasalamat ka at hindi ako pisikal na tao dahil pag nagkataon, basag-basag ang mukha mo sakin tarantado ka! Kumukulo talaga dugo ko sa’yo. Don’t push me, for cryin out loud!

Waaaaaaaaaaaaah!!!

__________________________________

Hinga-hinga, breathe-breathe!

__________________________________

Hayst! Ayan medyo ok na ako. [ang bilis lang ng shifting ng emotions?]

Thanks! 😐

2010/10/28 Posted by | Uncategorized | 1 Comment

Una.


Kung bibigyan mo siya ng dahilan para ngumiti, saka mo lamang masisilayan ang kanyang mapuputing mga ngipin. Kung bibigyan mo siya ng dahilan para tumawa, saka lamang siya hahalakhak, saka mo lamang makikita na marunong din naman pala siyang humagalpak. Kung bibigyan mo siya ng pagkakataon na magsalita, saka mo lamang maiintindihan ang kanyang buhay, ang kanyang mga dalamhati, pati na rin ang kanyang mga pangarap.

Ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya.

Noong una’y hindi ako makasakay sa mga trip niya. Marami kasi siyang mga plano sa buhay. At para sa katulad kong paisa-isa lamang kung gumawa ng plano, hindi ko maintindihan kung papaano ako gagalaw kapag kasama ko siya. Parang kay sikip ng mundo naming dalawa para sa akin. Hindi ko alam kung papaano siyang nakakagalaw na tila sa kanya lamang ang mundo. Iyon ang isang bagay na sobrang hinangaan ko sa kanya.

Sa paglaon, nakasakay naman ako sa biyahe niya. Naging maganda ang aming samahan. Naging mabuti kaming magkaibigan. Natutunan kong maintindihan ang bawat niyang galaw. Kung ano ba ang ibig sabihin ng kanyang mga ngiti o nang kanyang mga pagsimangot. Kung ano ang halaga ng kanyang pagtitig sa akin at kung ano ang gagawin ko sa tuwing masama ang timpla ng kanyang pasensya.

Minahal ko siya.

Kung susumahin ang mga pagkakataong nabigo ako sa paghahanap ng isang pag-ibig, hindi ko na siguro ito mabibilang. Maraming beses na siguro. Maraming-marami. At kailanman siguro’y hindi ako mapapagod kahit na ilang ulit akong pagsabihan ni Nanay na “hindi hinahanap ang pag-ibig anak, kusang dumarating ‘yan”. Hindi ako naniniwala diyan. Hindi kasi ako sanay na maghintay. Araw-araw ay hinahanap ko ito. Walang palya. Kung masasaktan, edi masakit. Kung papalarin, edi swerte. Ganun lang naman iyon, diba? Simple.

Nang dahil sa mga kakaibang trip niya sa buhay, marami akong natutunan. Mga bagay na akala ko noon ay imposible at hindi ko kayang gawin. Napakahirap ipaliwanag pero nakuha niya ang loob ko ng buong-buo. Hindi ko alam na masarap palang sumigaw sa itaas ng bundok at ilabas kung ano ang nararamdaman ng puso mo. Hindi ko alam na sobrang gaan pala sa pakiramdam kung maliligo ka sa ulan sa umaga habang binabagyo tayo ni Juan, at magtampisaw sa tubig baha kasabay ang mga batang kalye. At sobrang kabaliwan na siguro, pero nagawa kong tumawa ng tumawa ng tumawa sa loob ng jeep habang ang mga pasahero ay nakatingin lamang sa aming dalawa at nagtataka kung ano o sino ang pinagtatawanan namin. Sobrang nag-enjoy ako sa mga trip naming iyon na hindi ko maipagpapalit sa kahit ano.

Natulungan nya akong maniwala sa sarili ko na kaya ko. Nakakain ako ng mga pagkain na hindi ko inakalang makakain ko katulad ng langgam, uod, palaka at ahas. Nagawa niyang patayuin ako sa loob ng sinehan habang inaawit ang lupang hinirang. Hindi ko rin akalaing mapaglalakad niya ako sa loob ng mall habang nanlilimahid ang kamay at mukha dahil sa ice cream ng hindi nahihiya. Nagawa niyang paglaruin akong muli ng sipa at luksong baka at muli’t muli’y bumalik sa alaala ng aking kabataan. Sa kanya ko lahat naranasan iyon.

Hindi ko alam kung papaanong sa tuwing ngumingiti siya ay gumagaan ang pakiramdam ko kahit sobrang pagod ako sa pagta-trabaho sa gabi. Nagagawa ko nang kumuha ng lakas para sa buong maghapon naming paglalakad. Ngayon masasabi kong sinuwerte na ako sa paghahanap. Natagpuan ko siya. O marahil, natagpuan niya ako at napawi na ang lahat ng pangamba ko sa buhay. Masaya akong kasama sya at pakinggan ang kwento niya kahit paulit-ulit.

Hindi ako nahihiya kahit pa tumalsik ang laway ko kapag nagsasalita, o kahit na mapautot ako habang humahalakhak.

Mahal ko siya at para sa kanya ang araw na ito. Salamat at dumating ka sa buhay ko, Mahal.

2010/10/27 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 4 Comments

Payslip.


While harking back into my old stuff, I saw my well-kept things that were given to me by my high school and college friends and some love letters I wrote [and was never delivered] and was written for me during my puppy love years. You know those things, I’m sure.

 

It’s funny because I hardly scan my old things for I don’t really have time to look at them one by one. But this time, I managed to examine each one of them, and it made me go back to my old, happy, blithe, worry-free days. How I love to bring back the memories of my good ‘ol days!

 

While reading those letters, I saw this one little brown envelope I’ve been keeping since forever. It was my very first pay slip. I got it when I was working as a student assistant at a library in our community college. I can still recall, it was from 9:00am-1:00pm, just before my classes starts. And yes, my first salary was a whopping P675.00 and that would be my allowance for I think, two weeks or so.

 

I remember I was not the type of student who would really care if I have money in my pocket. Money was never my problem because I can go to school without it. I used to bring my own food in school and I don’t really spend if it’s not necessary. I am so kuripot, I admit. It went on until I finished my Bachelor’s and Master’s Icekembular’s Degree.

 

But now that I have a real job and sure I’m earning way more than P675.00… I am still the same, haha. Kuripot pa rin ako and my friends already have learned to accept that fact. They know I won’t spend my money as much as I can. That’s why when they ask me to go out with them and I say “NO”, they won’t ask me again. They know I’d say the same thing.

 

I can’t explain exactly why I am like this but it gives me this awesome feeling when I get to save at least – if possible – 50% of what I’m earning. I don’t care if I don’t have the latest of the coolest stuff in the market. Wa aku pake. Maybe it’s psychological. I don’t know.

 

All I know is that I don’t want to be poor, ever again. :]

2010/10/26 Posted by | Uncategorized | 11 Comments

Dura.


Sobrang naiirita ako kapag may nakikita akong mga taong sobrang hilig dumura kung saan-saan. Unang-una, nakakadiri. Pangalawa, hindi dapat ganon. Ang pagdura ay katulad lamang ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar, o ang pagihi at pag-dumi sa tamang palikuran. Dapat sa tamang lugar ka rin dumudura. Eeew!

Sobrang active pa naman ng pornographic photograpic memory ko. Kapag nakakita ako ng isang bagay, madaling tumatatak iyon sa aking isipan at nagiging sobrang linaw nito sa aking ala-ala. Kaya kapag may nakikita akong taong dumudura at sa kamalasan ay nakita ko rin yung kulay green na plema nila habang dumudura, anak ng pucha buong araw kong maaalala yun lalo na kapag kumakain ako. Bigla na lang akong masusuka at hindi na kakain. Daarrn. Ang arte ko no? Ewan ko ganun talaga. Kaya nakakainis yung mga taong sobrang hilig dumura sa di tamang lugar. Mga bastos talaga at walang modo.

Speaking of dura, mayroon akong isang nakakadiri at nakakatakot na karanasan tungkol dyan. Tinawag ko ang mga taong hinayupak na iyon na “DURA GANG”. Sila yung mga kadalasang nambibiktima sa bus ng mga pasaherong tanga at mali-mali na mukhang mayaman. Love na love nila yun lalo na kung mahilig kang matulog sa byahe. Mabuti na lang at medyo alerto ako sa mga ganyang modus operandi.

Isang araw sumakay ako ng bus. Papauwi na ako ng Cavite noon. Doon ako sa may bandang unahan sumakay, sa may window side para dramatic ang effect ng byahe ko while looking at the sea along the coastal road [english talaga]. Syempre sanay na ako na may nakasalpak na earphones sa tenga ko habang nag-eemote sa mga kanta ni Usher at ni Ne-yo. Siguro naging hudyat na rin yun ng mga mandurukot na iyon para pagkaupong-pagkaupo ko sa bus ay tabihan ako ng isang lalaking mukhang construction worker ang itsura at may dalang bag na malaki.

Tinignan ko yung mama. Unang tingin pa lang alam ko nang masamang tao sya. Sorry sa sobrang pagka-judgemental ko. Payo kasi ng nanay ko sa akin, tuwing sasakay ako ng bus o jeep o taxi o tren, lahat ng taong kasabay ko ay ituring ko daw na mandurukot. Ganda ng payo nya no? Which is really effective para sa akin. Sobra. Kaya tuwing babyahe ako, sobrang alerto ko sa mga ganyang modus operandi. Ingat na ingat ako sa bawat kilos ko at sa mga gamit ko. Hindi rin ako natutulog sa byahe at lahat ng makakatabi ko, sa likod, sa harap, sa gilid, lahat pinakikiramdaman ko. Lalo na nga yung mga taong kamukha nitong mamang tumabi sa akin sa bus. Mukha talaga syang masamang tao.

Pagkaupo niya sa tabi ko, syempre napatingin ako sa kanya, sabay natulog sya. Napansin ko agad yung kanang kamay nya na nakahawak sa bag niya, samantalang ang kabila ay nakapatong sa hita nya na natatabunan ng bag nyang malaki. Naramdaman ko na yung kamay nya na sinusubukang dumukot sa bulsa ko kung saan nakalagay yung cellphone ko. Ang ginawa ko, kinuha ko yung phone ko at inilipat sa kabilang bulsa. Patay malisya muna ako.

Maya-maya, may isang mama na kumalabit sa likod ko. Tinuturo nya yung likod ko. “Sir, may dura po sa jacket nyo”. Nagulat ako. Hinawakan ko yung likod na balikat ko at pucha may nakapa akong malagkit na plema. Sa katangahan ko naman, inamoy ko pa. Pucha talaga sobrang baho. Ang ginawa ko, binuksan ko yung bag ko at kinuha yung alcohol ko. Nilagyan ko ng alcohol yung likod ng jacket ko. “Sir wag mo na galawin, mabaho, lagyan mo pa ng alcohol” sabi nung mama. Syempre, umiral na ang pagka-alerto ko. Alam kong nililito lang ako nung mama para madukutan nya yung bag ko kung saan naman nakalagay yung digicam ko.

Tumayo ako. “Excuse me lang po, lilipat lang ako.” sabi ko sa mama. Aba ang pucha ayaw magpadaan. Tumayo lang sya mula sa kinauupuan nya pero hindi sya umaalis. Pagtingin ko yung kamay nya nasa bag ko na. “Putang Inaaaaaaaaa, modus operandi ‘to noh? Mga hayop kayo ako pa bibiktimahin nyo? Padaan ako gago ka!” sigaw ko. Syempre dapat gumawa na ako ng eskandalo para mataranta yung dalawang mama na iyon. Umalis yung mamang katabi ko sa pwesto nya at lumipat ako ng upuan.

Syempre hindi pa natapos doon yun. Nagdadakdak pa ako sa likod na upuan ng bus. “Tangina ang dami talagang magnanakaw sa mundo, hindi magtrabaho ng mga ayos. Lumaban kayo ng patas sa buhay magtrabaho kayo mga de puta!…”. Nakatingin lang yung mamang katabi ko kanina. May binubulong-bulong. Alam kong hindi magtatagal may gagawin syang masama kaya walang anu-ano ay pumara ako ng bus. “Mama, para na ho sa tabi lang, may mandurukot dito pakibantayan na lang. Yun ho, saka yung isang yun…”, sabay turo sa dalawang mama. Bumaba ako ng bus.

Mabuti na lang at pagkababa ko ay nakasakay agad ako sa kasunod na bus. Pagkaupo ko ay agad akong sumilip sa bintana. Nakita ko yung dalawang hinayupak na muntik nang sakyan yung bus na nasakyan ko. Mabuti na lang nakaalis na agad. Syempre, eksena na naman ako nung makita ko yung mga demonyo sa labas ng bus. “Fuck you [with the hand gesture, syempre]”. Ligtas ako samakatuwid. Walang nakuha sa akin. Mabuti na lang.

Maraming pagkakataon na akong muntik madukutan at mabiktima ng mga mandurukot na yan. Salamat na lang at hindi sila nagtatagumpay pa. At huwag naman sana akong maisahan. Ayoko talagang maging biktima nila. Magtrabaho sila ng patas. Mga walang hiya talaga.

Ang aral, laging maging alerto. Mag-ingat sa mga nakakatabi sa bus kahit gaano pa sila kaganda, ka-gwapo o ka-inosente tignan. You’ll never know…

Ang dura, bow!

2010/10/25 Posted by | Uncategorized | 9 Comments

Tanga.


Papaano ko nga ba sisimulan ang una kong entry sa bagong blogsite kong ito. Ilang ulit ko na ring inuulit-ulit ang pagta-type pero hanggang sa mga sandaling tina-type ko ang mga letrang ito ay hindi ko pa rin maisip ang dapat kong isulat.

Mabuti na lamang at kahit papaano ay madaldal ang aking utak at marami nang nasasabi kahit na wala namang kwenta. Parang ngayon, hinahayaan ko lang na basahin mo ang tina-type ko kahit wala namang patutunguhan. Umaasa akong bago ka man lang mapagod sa pagbabasa ay may maisip na akong magandang topic.

Naaasar na nga ako eh. Nahihiya na rin ako sa iyo dahil alam ko inaasahan mong may mapapala ka sa pagbisita mo sa blogsite kong ito pero heto ka, nakatunganga lang at nagbabasa parin. Alam kong iniisip mo nang iwanan na ang blogsite ko at huwag nang bisitahin pa kahit kailan dahil pinagmumukha lang kitang tanga.

Pero sana maisip mo na ito ang aking paraan para magkaroon ng sense ang aking blogsite. Since ang title naman nito ay “Mga Kwentong Katangahan”, mas mabuti nang mauna kang magmukhang tanga kakabasa ng walang kwenta bago kita kwentuhan ng mga katangahan k0 sa buhay.

At Ngayon naisip mo nang pinagmumukha lang talaga kitang tanga. Tatapusin ko na ang entry kong ito dahil sa malas ko, wala talaga akong maisip na isulat. Gusto ko lang maramdaman mo kung ano ang pakiramdam ng isang tanga. Masarap ba? Nakakaasar diba?

Pero ako sanay na! Sanay na pinagmumukhang tanga kaya balewala na sa akin yan. Kaya pangako ko, sa susunod na entry ko, madami kang matututunan sa mga katangahan ko. Pero ngayon, ikaw muna mag-share ng feeling. Ano ba naramdaman mo? nairita ka ba? Malamang diba? Para ka kasing tanga, basa pa ng basa!

2010/10/25 Posted by | Uncategorized | Leave a comment

%d bloggers like this: