BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

papa.


Naalala mo noong bata pa ako, madalas mo akong sunduin ng sinturon sa kabilang baryo dahil madalas kitang takasan sa tanghali kapag pinapatulog mo ako para lang makipaglaro ng text at pogs?

Nakikita pa lang kitang papalapit, naginginig na ako sa takot, lalo na kapag pinupulupot mo na sa kamay mo yung sinturon, badya na handang-handa na ang mga kamay mong ihampas sa puwitan ko ang mahabang sinturon na iyon.

Bibitbitin mo ako pauwi ng bahay at saka pagsasabihan habang ako naman iyak ng iyak, masama ang loob dahil pinalo mo ako.

Hanggang isang araw, inulit ko na naman iyon, tinakasan kita upang magkipaglaro naman ng outan-outan at moro-moro.

Nasaksihan ko kung papaanong noong araw na iyon, yung kalaro ko ay nabundol ng isang rumaragasang sasakyan. Takot na takot ako non. Namatay siya, si Samantha.

Nakita kita sa kabilang kanto, alam ko papatawid kana upang sunduin ako. Hinahanap ko yung sinturon, wala kang dala. Lumapit ka sa akin, niyakap mo ako, at saka binuhat pabalik sa bahay.

Di mo man sabihin, alam ko, natakot ka. Dahil akala mo, ako yung nasagasaan. Nakita kita, totoo, umiyak ka, kahit ayaw mo ipakita.

Doon ko unang natutunan at nalaman kung bakit ba sobrang higpit mo sa akin, sa aming magkakapatid. Iniingatan mo lang kami, sa lahat ng bagay na posibleng makasakit sa amin.

At sa maraming ulit na pagkakataon, naramdaman ko iyon mula sa iyo. Ang isang hindi matatawarang pagmamahal ninyo ni Mama, kahit malaki na ako, kami.

Sana palagi ka na lang nandiyan, Papa.

Happy Birthday, inuman tayo mamaya!

2010/10/18 - Posted by | Uncategorized

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: