BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Rommel.


Nabalitaan ko patay na sya. Actually nabasa ko lang sa Facebook. Sobrang nagulat ako. Hindi ako nakatulog noong araw na iyon. Nanlamig ako. Nanlumo. Kasama ko lang siya kahapon.

Hindi ko sya kaanu-ano. Hindi ko rin matadaan kung papaano kami nagkakilala. Basta isang araw, nakasalubong ko sya sa isang mall habang nagwi-window shopping. Nilapitan ko sya. “Hey, Ikaw si Rommel diba?” sabi ko. “Oo, ako nga, bakit?” sabi nya. “Ah wala, Friends ata tayo sa Facebook, ako dun si Bienthoughts” sabi ko. “Ahh, ikaw ba yun? Yung mahilig magpost ng kung anu-ano sa Youtube?” sabi niya. “Haha, ako nga” sabi ko.

Pagkatapos ay naghiwalay na kami. “Nice to meet you”, sabi nya. “Nice to meet you too” sabi ko.

At nagpaikot-ikot akong muli sa mall, naghahanap ng mabibiling damit at bagong cellphone. Nagutom ako sa kalalakad at nagpasyang kumain sa Kenny Rogers. Pumila, Umorder, Naghanap ng mauupuan, hanggang makita ko syang nakaupo at kumakain din. Nilapitan ko sya at sa kanya na sumabay. “Pasabay na lang ako, wala din ako kasama eh” sabi ko. “Sige lang, upo!” sabi nya.

Tahimik kaming kumain. Hindi ko naubos ang inorder ko, ang dami kasi. “Akin na lang yang mashed potato mo” sabi nya. “Sure, sige, sakit na ng tiyan ko, busog na busog na ako” sabi ko. Kinain nya iyon, inubos, walang itinira. Pati ang iced tea ko ay hiningi nya, ininom at inubos.

“Kamukha mo si Echo” sabi nya. “Ha? Sinong Echo?” Sabi ko. “Basta” sabi niya. Pero alam kong si Jericho Rosales ang tinutukoy nya. Hindi ko alam maaasar ako o matutuwa sa sinabi nya dahil alam ko namang hindi ko kamukha si Echo. Baka si Bamboo pwede pa [madami na din kasi nagsasabi nyan, kaya sa bandang huli, naniwala na rin akong kamukha ko nga si Bamboo. At hindi ko itinuturing na compliment iyan, ok? haha]

Natapos na kaming kumain. Hindi pa sya gumagalaw sa kinauupuan niya. Parang may hinihintay pa siyang dumating. Hindi na ako nakatiis at nagmamadali na akong nagpaalam sa kanya. “Rommel, aalis na ako, nood pa kasi akong sine baka ma-late ako” sabi ko. “ah ganun ba? Sige, sige, ingat. Salamat.” sabi niya. Tumayo ako at umalis na. Naglakad patungo sa 4th floor ng mall para bumili ng ticket. Walang anu-ano’y biglang may tumapik sa likod ko. “Bro, pwedeng sama muna ako? Hindi dumating yung kapatid ko, kanina pa ako naghihintay dito” sabi niya. Hindi ko alam kung ano isasagot ko noong mga sandaling iyon. Hindi kasi ako sanay na may kasama kapag nagmo-mall. Mas gusto kong maglakad at mag-ikot mag-isa, doon ako mas komportable. Pero dahil hindi ako nakahanap agad ng dahilan para tumanggi, napa-tango na lang ako. “Ok” sabi ko.

Hindi muna ako bumili ng ticket para sa sine at nag-iikot muna kami sa mall. Umaasa akong mapapagod din sya at magpapaalam na para umuwi. Pero nagkamali ako. Matatag din ang kanyang mga paa. Akala ko magrereklamo sya sa paulit-ulit kong pagpunta sa pare-parehong store para tumingin ng halos pare-pareho din namang mga items. Ngunit nandun pa rin sya, kabuntot ko, tahimik, hindi nagsasalita maliban sa “meron ako nyan, yan ang gamit ko”, “mahal yan pero sulit”, at isang matibay ng pagtango kapag tinatanong ko siya kung “bagay ba?”.  Pakiramdam ko mas una yata akong bibigay sa pagod. Nakahanap ako ng katapat ko.

Nagyaya akong magkape. Pambihirang nilalang ito. Ang tatag! Nagkape kami. Nagsimula siyang magsalita. “Salamat ha?” sabi niya. “Ok lang yun, wala din naman ako kasama. Napagod ka ba kakalakad?” sabi ko. “Hindi naman, sa totoo nganag-enjoy ako eh. Ngayon ko lang nalibot ang mall na ito sa dinami-raming beses ko nang pumupunta dito” sabi niya. “Ah, ganun ba? [ngisi]” sabi ko.

“Actually, wala naman talaga akong hinihintay. Wala lang akong magawa kaya gumala muna ako. Buti nakita kita.” Sabi niya. “Ah, ganun ba? [kahit sobrang naiirita na ako makipag-usap sa kanya, ngiti lang ako]. “Bakit naman wala ka magawa? Wala ka bang trabaho” sabi ko. “Meron, off ko ngayon. Kakauwi ko nga lang nung nagkita tayo kanina eh. Masyado kasi ako na-stress sa trabaho eh, gusto ko na nga mag-resign, kaso pag-uwi ko naman sa bahay probelma pa rin. Eh di magta-trabaho na lang ako. Pera lang naman ang kailangan dun eh. Yun lang naman ang kailangan nila sa akin. Pero mahal na mahal ko sila, lalo na si Mama. Kung pwede nga lang hindi na magtrabaho at sa bahay na lang eh. Kaso hindi pwede, ang dami-dami kong responsibilidad. May sakit pa si Tatay. haay!” sabi niya.

Napatulala na lang ako. Why the hell do you have to tell me that? I don’t freakin care, man! I’ve got my own shits too going on and I don’t think I can handle another one, especially coming from the person I hardly even know. Back off! Napa-english tuloy ako at the back of my mind. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya nung mga oras na iyon. Pero dahil sa sobrang polite ko, at dahil na rin sa pagiging likas na mabait ko, mas pinili kong ngumiti na lang at makisimpatya.

“Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano ko i-eexplain sa’yo yung kondisyon ko, pero sobrang depressed ako. Marami akong takot sa buhay. Marami akong mga bagay na sobrang nangangamba ako. Takot akong mapahiya. Takot akong mawala ang pamilya ko. Takot akong itakwil ng mga kaibigan ko. Takot akong magkasakit. Takot akong tumawid at masagasaan. Takot akong madukutan sa bus. Takot ako sa halos lahat ng bagay. Takot akong mamatay. Ayun! Pero ewan ko kung bakit ko ‘to sinasabi sa’yo. Hindi naman kita kilala, pakiramdam ko lang, mas ok kung hindi ko kilala ang mapagsasabihan ko nitong mga ito, at least alam kong hindi mo ako susumbatan. Kahit alam kong hindi ka nakikinig” sabi niya.

Napatunganga na lang ako. Nakikinig naman ako. Narinig ko lahat ng sinabi nya.  Hindi lang talaga ako yung tipo ng tao na mahilig sa ganitong mga ka-dramahan sa buhay. Hindi ako madaling na-depress o ma-stress. Madami akong alam na paraan para umiwas sa mga sakit ng ulo na iyan. Pero itong si Rommel, kahit na mukha naman syang matalino at happy-go-lucky, mayroong mga titig sa mga mata niya na nagsasabing malungkot talaga ang buhay niya. Pero ayaw kong kagatin at magpadala sa mga drama niya. Hindi ko talaga kaya. Sobrang iba ang approach ko sa mga ganitong problema kumpara sa ginagawa niyang pagtanggap dito.

Siguro sa pagsusulat ko lang kaya magdrama, pero hindi ko ito kaya sa totoong buhay. I’d rather go partying than go emotional over things I know will eventually eat me alive. And so, hearing Rommel’s stories made me a lil bit irritated, if “a lil bit” is not an understatement. I always believe that people who actually deal with life too seriously are the ones who die soon. And I don’t wanna die yet.

Napa-english na naman ako. Putah!

Hindi na ako nakapanood ng sine dahil ginabi na kami sa pag-uusap. Nasira ang plano ko sa weekend ko. Imbes na gigimik ako pagkatapos manood ng sine, ayun at dumiretso na akong umuwi. Nagpaalam na rin si Rommel. Napagod na rin sa wakas. Sabay kaming lumabas ng mall. Nagtataka ako kung bakit sumasabay pa rin siya sa akin. “san ka ba sasakay? sabi niya. “Papunta akong Imus eh, ikaw ba?” sabi ko. “Dasma ako, sabay na tayo” sabi niya. At dahil wala na naman akong nahanap na dahilan para tumanggi, napatango na lang muli ako. Sabay kami sa jeep. Magkatabi. Nakangiti siya sa buong oras na magkasama kami sa jeep. Naiilang ako pero nginitian ko na rin siya.

Pumara na ako para bumaba. “una na ako Mel, ingat ka!” sabi ko. Sige, ingat din salamat, Bienthoughts” sabi biya, sabay ang paghawak nya sa buhok ko at bahagyang ginulo ito.  Napatango ako at napangiti sabay baba ng jeep.

Matagal pa bago ako natauhan. Nakatunganga lang ako sa tapat ng 7-11. Napaisip ako. Bakit ba ang sungit-sungit ko kay Rommel? Mabait naman yung tao. At inaamin ko, nag-enjoy naman akong kasama siya. Hindi ko alam kung bakit yung haplos na yun sa buhok ko bago ako bumaba ng jeep ay nagbigay sa akin ng kakaibang goosebumps. Kinilabutan ako.

Blangko ang kukote ko pauwi ng bahay.

Buong gabi ko siyang iniisip. Yung mga ikinuwento nya sa akin tungkol sa pamilya nya, sa buhay nya at ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Noon lang na-absorb ng utak ko ang mga kadramahan niya. Naawa ako sa kanya. Humanga sa katatagan niya sa pagharap nya sa mga problema. Humanga sa iba’t-ibang mga pamamaraan niya sa pagharap sa mga problema. Noon ko lang naunawaan na hindi karuwagan ang pagiging totoo sa nararamdaman mo. Sa halip, iyon ang tunay na katapangan.

At dahil sa kaiisip ko sa kanya buong gabi, pagkagising ko kinabukasan ay agad kong binuksan ang aking laptop para mag-Facebook at kumustahin siya. Walang recent activities sa wall nya. Nag-iwan na lang ako ng message sa kanya upang mangamusta. “Hello Rommel, kumusta?” sabi ko. Umalis ako ng bahay noong araw na iyon para umattend ng isang birthday party. Nagsaya ako doon ng sobra. Medyo nalasing ako. Gabi na nang makauwi. At tulad ng nakagawian ko na bago matulog, nag-log in ako sa Facebook. Nag-check ng mga notifications at mga pictures na naka-tag ako. Habang busy sa pagba-browse, nakita ko yung comment ng isang common friend namin ni Rommel sa wall nya.

“Kuya Rommel, sayang hindi na natin natapos yung binabalak nating project. Ikaw kasi eh, umalis ka kaagad…” sabi nung common friend namin.

Akala ko naman simpleng message lang. Pero nung ipinagpatuloy ko ang pagbabasa…

“…pero ok lang, at least kasama mo na si God ngayon. Rest in peace kuya…”

Nanlamig ang buo kong katawan. Gusto kong sumigaw sa sobrang pagkabigla ko. Pinagpawisan ako ng matindi. Nawala ang tama ng alak sa katawan ko at sobrang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang wala na si Rommel. Binisita ko ang wall nya sa Facebook at doon ko nalamang hindi ako nagkamali sa nabasa ko. Puno ng mga mensahe ng pamamaalam ang kanyang Facebook wall. Lumutang ako sa kawalan, dumilim ang paligid ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hanggang doon na lang talaga siguro ang buhay niya. Nagpapasalamat na lang ako dahil ako ang napagsabihan nya ng mga problema nya bago sya mamaalam. Aminin ko man o hindi, alam ko namang hindi ko maitatanggi na kahit papaano, nakukunsensya ako sa mga ginawa ko sa kanya habang nagmo-mall kami. Pero madami akong natutunan sa kanya sa loob ng iilang oras na iyon.

Salamat, Mel. Rest in peace!

2010/10/22 - Posted by | Uncategorized

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: