BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Dura.


Sobrang naiirita ako kapag may nakikita akong mga taong sobrang hilig dumura kung saan-saan. Unang-una, nakakadiri. Pangalawa, hindi dapat ganon. Ang pagdura ay katulad lamang ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar, o ang pagihi at pag-dumi sa tamang palikuran. Dapat sa tamang lugar ka rin dumudura. Eeew!

Sobrang active pa naman ng pornographic photograpic memory ko. Kapag nakakita ako ng isang bagay, madaling tumatatak iyon sa aking isipan at nagiging sobrang linaw nito sa aking ala-ala. Kaya kapag may nakikita akong taong dumudura at sa kamalasan ay nakita ko rin yung kulay green na plema nila habang dumudura, anak ng pucha buong araw kong maaalala yun lalo na kapag kumakain ako. Bigla na lang akong masusuka at hindi na kakain. Daarrn. Ang arte ko no? Ewan ko ganun talaga. Kaya nakakainis yung mga taong sobrang hilig dumura sa di tamang lugar. Mga bastos talaga at walang modo.

Speaking of dura, mayroon akong isang nakakadiri at nakakatakot na karanasan tungkol dyan. Tinawag ko ang mga taong hinayupak na iyon na “DURA GANG”. Sila yung mga kadalasang nambibiktima sa bus ng mga pasaherong tanga at mali-mali na mukhang mayaman. Love na love nila yun lalo na kung mahilig kang matulog sa byahe. Mabuti na lang at medyo alerto ako sa mga ganyang modus operandi.

Isang araw sumakay ako ng bus. Papauwi na ako ng Cavite noon. Doon ako sa may bandang unahan sumakay, sa may window side para dramatic ang effect ng byahe ko while looking at the sea along the coastal road [english talaga]. Syempre sanay na ako na may nakasalpak na earphones sa tenga ko habang nag-eemote sa mga kanta ni Usher at ni Ne-yo. Siguro naging hudyat na rin yun ng mga mandurukot na iyon para pagkaupong-pagkaupo ko sa bus ay tabihan ako ng isang lalaking mukhang construction worker ang itsura at may dalang bag na malaki.

Tinignan ko yung mama. Unang tingin pa lang alam ko nang masamang tao sya. Sorry sa sobrang pagka-judgemental ko. Payo kasi ng nanay ko sa akin, tuwing sasakay ako ng bus o jeep o taxi o tren, lahat ng taong kasabay ko ay ituring ko daw na mandurukot. Ganda ng payo nya no? Which is really effective para sa akin. Sobra. Kaya tuwing babyahe ako, sobrang alerto ko sa mga ganyang modus operandi. Ingat na ingat ako sa bawat kilos ko at sa mga gamit ko. Hindi rin ako natutulog sa byahe at lahat ng makakatabi ko, sa likod, sa harap, sa gilid, lahat pinakikiramdaman ko. Lalo na nga yung mga taong kamukha nitong mamang tumabi sa akin sa bus. Mukha talaga syang masamang tao.

Pagkaupo niya sa tabi ko, syempre napatingin ako sa kanya, sabay natulog sya. Napansin ko agad yung kanang kamay nya na nakahawak sa bag niya, samantalang ang kabila ay nakapatong sa hita nya na natatabunan ng bag nyang malaki. Naramdaman ko na yung kamay nya na sinusubukang dumukot sa bulsa ko kung saan nakalagay yung cellphone ko. Ang ginawa ko, kinuha ko yung phone ko at inilipat sa kabilang bulsa. Patay malisya muna ako.

Maya-maya, may isang mama na kumalabit sa likod ko. Tinuturo nya yung likod ko. “Sir, may dura po sa jacket nyo”. Nagulat ako. Hinawakan ko yung likod na balikat ko at pucha may nakapa akong malagkit na plema. Sa katangahan ko naman, inamoy ko pa. Pucha talaga sobrang baho. Ang ginawa ko, binuksan ko yung bag ko at kinuha yung alcohol ko. Nilagyan ko ng alcohol yung likod ng jacket ko. “Sir wag mo na galawin, mabaho, lagyan mo pa ng alcohol” sabi nung mama. Syempre, umiral na ang pagka-alerto ko. Alam kong nililito lang ako nung mama para madukutan nya yung bag ko kung saan naman nakalagay yung digicam ko.

Tumayo ako. “Excuse me lang po, lilipat lang ako.” sabi ko sa mama. Aba ang pucha ayaw magpadaan. Tumayo lang sya mula sa kinauupuan nya pero hindi sya umaalis. Pagtingin ko yung kamay nya nasa bag ko na. “Putang Inaaaaaaaaa, modus operandi ‘to noh? Mga hayop kayo ako pa bibiktimahin nyo? Padaan ako gago ka!” sigaw ko. Syempre dapat gumawa na ako ng eskandalo para mataranta yung dalawang mama na iyon. Umalis yung mamang katabi ko sa pwesto nya at lumipat ako ng upuan.

Syempre hindi pa natapos doon yun. Nagdadakdak pa ako sa likod na upuan ng bus. “Tangina ang dami talagang magnanakaw sa mundo, hindi magtrabaho ng mga ayos. Lumaban kayo ng patas sa buhay magtrabaho kayo mga de puta!…”. Nakatingin lang yung mamang katabi ko kanina. May binubulong-bulong. Alam kong hindi magtatagal may gagawin syang masama kaya walang anu-ano ay pumara ako ng bus. “Mama, para na ho sa tabi lang, may mandurukot dito pakibantayan na lang. Yun ho, saka yung isang yun…”, sabay turo sa dalawang mama. Bumaba ako ng bus.

Mabuti na lang at pagkababa ko ay nakasakay agad ako sa kasunod na bus. Pagkaupo ko ay agad akong sumilip sa bintana. Nakita ko yung dalawang hinayupak na muntik nang sakyan yung bus na nasakyan ko. Mabuti na lang nakaalis na agad. Syempre, eksena na naman ako nung makita ko yung mga demonyo sa labas ng bus. “Fuck you [with the hand gesture, syempre]”. Ligtas ako samakatuwid. Walang nakuha sa akin. Mabuti na lang.

Maraming pagkakataon na akong muntik madukutan at mabiktima ng mga mandurukot na yan. Salamat na lang at hindi sila nagtatagumpay pa. At huwag naman sana akong maisahan. Ayoko talagang maging biktima nila. Magtrabaho sila ng patas. Mga walang hiya talaga.

Ang aral, laging maging alerto. Mag-ingat sa mga nakakatabi sa bus kahit gaano pa sila kaganda, ka-gwapo o ka-inosente tignan. You’ll never know…

Ang dura, bow!

2010/10/25 - Posted by | Uncategorized

9 Comments »

  1. Hay mga putanginang yan talaga. Mga modus operandi, ako minsan nanakawan na rin sa bus. Mahabang kwento, pero to cut it short, niligtas ako ng awiting “Milkshake.”

    Nga pala, yung number 39 tungkol sa latest post ko, hindi sya 3 + 9 = 12. Ang meaning ng 39 ay 13 x 3.

    Comment by glentot | 2010/10/25 | Reply

    • Teka, dapat ikwento mo yang tungkol sa milkshake na yan, anung song ba yan, kailangan ko din nyan.. haha..

      Sorry mali ata interpretation ko sa counter number 39 na yun, haha. Sana lang hindi na ma-triple pa yung kamalasan ni kuya, kawawa naman. mukhang may suicidal tendency sya. ahahah

      Comment by iprovoked | 2010/10/25 | Reply

  2. mukhang magkababayan tayo? hehehehe

    dura/dahak yan ang pinakayaw kong specimen sa laboratory dati. kadiri nga! hahahaha

    at magingat sa mandurukot.

    natawa ko sa “nambibiktima sa bus ng mga pasaherong tanga at mali-mali na mukhang mayaman. ” hulaan ko bat ka naganun? mayamannnnnn. hehehe:P

    Comment by ced | 2010/10/25 | Reply

    • hahahaha, muntik lang akong mabiktima, medyo mukhang mayaman lang ako, pero yung part na tanga at mali-mali, yung ang totoo. hahaha

      Comment by iprovoked | 2010/10/25 | Reply

  3. Una sa lahat, salamat sa pagdaan…

    ikalawa, hanep sa intro..

    ikatlo… mga syetness talaga yang mga devil na yan (naks kunwari conio bulate hehehe) ewww na rin for the dura on your jacket (pingatawanan ang pag-eenglish kuno hehehe)

    Ako din tinuturing ko na masasamang tao lahat nang tumabi sa akin. kahit cute pa sya heheheheheh

    Comment by klet makulet | 2010/10/26 | Reply

    • hahaha, salamat din sa pagbisita klert na makulet, tatambayan kita palagi. at tama yan, kahit gano pa ka-cute wag magpapadala, depende na lang kung iba hanap nya. lol.. see you around. :]

      Comment by iprovoked | 2010/10/26 | Reply

  4. Same here. Ayoko talaga ng mga taong dumudura kung saan saan! Walang mga disiplina.

    Mas walang disiplina rin yung mga kriminal na yan.

    Comment by Will | 2010/10/26 | Reply

    • Ewan ko ba kung bakit maraming taong ganyan sa mundo. Hindi marunong makipaglaro ng patas sa buhay. Kaya lagi na lang tayong maging alert. Digital na ang karma ngayon. hehe.. Salamat sa pagbisita. :]

      Comment by iprovoked | 2010/10/26 | Reply

  5. naku d2 sa comshop maraming ganyan ^^ mga players kong mga nakatapos daw ng highschool mga wala naman disiplina kain tulog lang hehe

    Comment by michael | 2012/07/24 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: