BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Undas.


So hindi ako nagse-celebrate ng Halloween kahit noong bata pa ako. Hindi uso sa amin yan kahit patay na ang mga lolo at lola at ilang mga kamag-anak at kaibigan ko. Hindi man lang naging malinaw sa aking kabataan na ang halloween ay ipinagdiriwang pala katulad ng ilang mga holidays sa atin dito sa Pinas. Basta ang alam ko, araw yan ng mga patay at nakakatakot lumabas ng bahay kapag November 1 at 2 dahil marami daw nagkalat na masasamang kaluluwa sa paligid. Hindi ko rin alam noon na tayong mga Pinoy ay may sariling bersyon din pala ng Trick or Treat at ginagawa iyon ng mga bata na parang nangangaroling lang. Sa maikling kwento, ang halloween para sa akin ay isang ordinaryong araw lamang. Ganun kami pinalaki sa bahay.

Pero noong bata pa ako, takot na takot akong lumapit sa kandilang sinisindihan ni Mama sa tapat ng bahay namin. Sabi kasi niya, nandon daw sa ilaw ng kandila ang kaluluwa ng mga lolo at lola ko kaya kapag pinakailaman ko daw yun, magagalit ang kaluluwa nila. Kaya ayun takot na takot akong lumapit sa kandila. Pero alam ko, sinabi lang nila iyon para hindi ako maglaro ng apoy. May history na kasi ako ng kalikutan ng kamay at muntik ko nang masunog yung bahay namin noon.

Naalala ko, paborito naming abangan magkakapatid tuwing November ang Halloween Special ng Magandang Gabi Bayan ni Noli De Castro. Pagsapit ng alas sais, maglalatag na kami ng comforter sa sofa, bubuksan ang erkon at bintilador saka magkukulumbut sa kumot habang pinapanood ang mga kwentong katatakutan ni Kabayan. Syempre, paniwalang-paniwala naman kami noon. Kung minsan nga ay napapanaginipan ko pa yung white lady at yung kapre eh. Pero tuwang-tuwa naman ako panoorin sila. At lalong tuwang-tuwa ako kapag nakikita kong takot na takot at umiiyak ang dalawa kong kapatid. May pagka-maldito kasi ako noon. Tapos papatayin ko pa ang ilaw, magtatalukbong ng kumot at sisindihan ang flashlight sa mukha ko saka lalakihan ko ang boses ko ng pabulong na “Kakainin kita, hala kaaaa, bwahahaha”. Ayun, babatukan ako ni Mama pagkatapos. Sira ang diskarte ko.

Sa malamang, naabutan ninyo ang WANSAPANATAYM noong bata kayo. Katulad nyo, paborito ko rin yan noon at walang araw akong pinalampas na hindi ko pinapanood yan. Mayroong isang Halloween episode ang WANSAPANATAYM na hindi ko talaga makakalimutan. Ang title yata non eh “Ang Hinagpis Ni Kulas” na pinagbibidahan ni Emman Abeledo. Ito ay kwento ng isang batang maagang namayapa na hindi makatawid sa liwanag dahil ayaw niyang iwan ang kanyang Nanay at ang kanyang mga kaibigan. Naghihinagpis siya dahil wala nang dumadalaw sa puntod niya. Nakalimutan na siya ng kanyang mga kapamilya at kaibigan.

 

Naging LSS ko ang kantang ito sa Hinagpis ni Kulas, kung natatandaan mo, sige sabayan mo ako sa pagkanta:

 

“Binigyan ako ng isang mamera,

ibibili ko ng isang kandila

ibibili ko ng posporo,

isa… dalawa… talo…

pag sinindihan ko

‘di ko malilimutan

ang ala-ala ng aking kaibigan…”

 

Wala lang, naalala ko lang. Mema-blog lang. Ngayong Halloween kasi wala namang nagbago. Parang isang ordinaryong araw lang din. May pasok ako sa trabaho, natulog ako buong maghapon at kumain ng Kare-kare at Biko na niluto ni Mama.

 

Siguro one time, ta-try ko rin mamulot ng kandila sa sementeryo at mag-overnight sa puntod ng mga lolo at lola ko. Try lang naman. Wala na naman pipigil sa akin ngayon, malaki na ako. Wala naman masama kung susubukan ko ito. Dati kasi kahit gusto ko gawin lahat ng iyon kasama ang mga kalaro ko, never akong pinayagan nina Mama at Papa. Kaya ayun, I missed that part of my childhood, which is just fine with me, wala namang kaso yun. Nakakapanghinayang lang.

 

Nakakatakot isipin na lahat tayo ay iisa lang ang kahahantungan pagdating ng araw. Lahat tayo  ay mamamatay. Gugunitain at ipagdiriwang din ng lahat ang ating kamatayan tuwing sasapit ang November 1 at 2. Isa itong napakagandang bahagi ng ating kultura. Lahat naman siguro tayo gustong maalala ng ating mga kapamilya at kaibigan diba? Para sa akin, kahit ipagtirik lang ako ng isang kandila okay na basta maalala lang ako.

 

Ngayon pa nga lang pinaghahandaan ko na ang aking kamatayan. Sa totoo lang, [at dito ko lang ibabahagi dahil konti lang naman ang nagbabasa nito] dalawang taon na ang nakararaan, bumili ako ng isang Memorial Plan. Natatakot akong isipin pero alam ko darating din ang araw at mawawala ang mga pinakamamahal ko sa buhay, pati na rin ako. Hindi ko na ididitalye pero siguro, sa madaling salita, mas okey na yung pag dumating yung araw na iyon, may maayos kaming paglilibingan. Yun bang hindi iskwater at huhukayin ang bangkay namin after 5 years para bigyang daan yung iba namang namatay. Ayoko ng ganun ang jologs!

 

Ayoko din sa public cemetery. Ang baho dun at ang dumi, eeeew! Baka kapag bumaha anurin pa kami kung saan. Yun lang naman! Basta ang mahalaga diyan, habang humihinga ka pa, ayusin na natin ang ating huling paghahantungan. Parang bahay at lupa din yan, binabayaran monthly sa maliit na halagang kaya mo and before you know it, bayad ka na. Ililibing ka na lang.


 

Magko-quote na lang ako ng isang magandang quote [redundant?].

“What you are is God’s gift to you. What you have become is your gift to God”. So bago tayo mamatay, gawin nating makabuluhan ang ating buhay para kapag humarap tayo kay God, bonggang-bonggang with open arms Niya tayong sasalubungin.

 

Happy Halloween!

2010/11/01 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

16 Comments »

  1. wahehehe… masubok nga din yang trip mo… happy Halloween tol…

    Comment by Kikomaxxx | 2010/11/01 | Reply

    • Hey Kiko, heypee heyloween!!! Sige mamulot tayo ng kandila at bilugin ito hanggang maging kasing laki ng globo sa MOA. LOL..

      Comment by iprovoked | 2010/11/01 | Reply

  2. naalala ko na naman ang MGB, pagkatapos kong manood, di na ko makatulog sa takot. wahahahaha

    Comment by bino | 2010/11/01 | Reply

    • haha, walang kupas yun, pati yung re-enactment nila madadala mo sa pananigip. pero bakit kapag pinapanood ko ngayon yung MGB sa Youtube, natatawa na ako imbes na matakot. haha.. Iba talaga kapag bata.. Happy halloween kaibigan! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/01 | Reply

  3. Hanepakshyet, naalala mo pa si Emman Abeleda ahaha…

    Comment by glentot | 2010/11/01 | Reply

    • haha, iniisip ko nga kung ano na nangyari sa kanya ngayon eh.. sana nasa mabuti syang kalagayan! haha.. [close?] LOL. Happy Halloween, kaibigan! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/01 | Reply

  4. LOL!!! wahhh naalala ko yang episode na yan!!!! nyahahhahaa!

    you just reminded me na kailangan ko na rin bumili haha.. pero sa ossuary ako, gusto ko bumalik sa abo…🙂

    Comment by roanne | 2010/11/02 | Reply

    • Gusto ko din sana nyan kaso magastos eh.. haha.. pero pwede naman pag-ipunan matagal pa naman siguro ako madededo.. LOL. :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/02 | Reply

  5. salamat sa pagdalaw sa bahay ko ha!!

    gusto ko din nyang memorial plan na yan..makakapili ka na ba ng kabaong mo dyan? hihihi…gustong gusto ko din ang MGB non..kahit matatakutin ako eh talagang pinapanood ko yun at parang di kompleto pag di nakapanood,hihihi ulit!!

    Comment by p0kw4ng | 2010/11/02 | Reply

    • waah, dinalaw ako ni ate powkie! it’s a pleasure to see you here ate! Salamat sa pagdalaw! [parang multo lang]. haha.. Alam ko po pwede ka ding pumili ng kabaong eh.. depende sa estimated size ng katawan mo bago tayo mamatay! LOL.. haha.. Happy Halloween ate! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/02 | Reply

  6. LoL Nakakarelate ako on those things you mentioned…😄 I remembered watching horror stories on MGB. HAHA! Then I would scare my brother kasi takot na takot sya pag nagwwatch kami ng ganun.😄

    I was watching wansapanataym too pero I can’t recall na the episode you mentioned. Medyo tagal na din kasi eh… T.T

    Comment by rich | 2010/11/03 | Reply

    • Hi Rich, kapag 90’s talaga ang kabataan mo sobrang saya. At marami pang ibang masarap alalahanin bukod sa MGB. haha.. Nice to see you here, naks! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/03 | Reply

  7. Man, really want to know how can you be that smart, lol…great read, thanks.

    Comment by PriceDelg | 2010/11/19 | Reply

  8. guys meron ba kayung naitatagong video nun..ung hinagpis ni kulas..like ko rin kc un kaso wala n me makitang video nun

    Comment by bobby | 2011/05/13 | Reply

  9. guys meron ba kayung naitatagong video nun..ung hinagpis ni kulas..like ko rin kc un kaso wala n me makitang video nun

    sana merong maglgay nito kahit sa f.b mapanuod ulit….

    Comment by bobby | 2011/05/13 | Reply

  10. Its not wansapanataym its hiraya manawari. Dun sya pinalabas =)

    Comment by Jake hizon | 2016/09/29 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: