BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Boondoc.


Mahilig ako sa bundok. Paborito kong libangan ang bundok. Ang sarap magpapawis kapag umaakyat ka ng bundok kaya paborito ko ring pampapayat ang pag-akyat sa mga bundok. Super-effective dahil papayat ka agad pagkatapos mong umakyat ng bundok. Mahal ko ang bundok. Pakiramdam ko kasi ako si HEIDI kapag nasa tuktok ako ng bundok. LOL.

At ako yan noong isa pa akong Ermitanyo.

Ako yan noong isa pa akong Ermitanyo. Ito ang kauna-unahang bundok na naakyat ko. Ang Bundok ng Pico De Loro sa Maragondon, Cavite.

Ito ang pinaka-sukdulan bago marating ang unang summit ng Pico De Loro.

Noong una, natatakot akong umakyat dahil sa paniniwala kong maraming ahas at iba pang mga wild animals sa bundok na maaaring pumatay sa akin. Marami din ang nagsabi sa akin na may mga gumagala-gala daw na mga NPA sa mga kabundukan na maaaring magbigay sa amin ng fame lalo na kapag humarap na sila sa media para manghingi ng ransom. Natatakot din ako noon na baka masampolan ako ng Malaria at Dengue at maging sanhi pa yon ng maaga kong pamamaalam dito sa mundong ibabaw. Ayaw ko namang mamatay ng dahil lang sa dengue o sa mga NPA at wild animals. Ang gusto ko mamatay ako sa pang mayamang sakit like Leukemia, Colon Cancer, Heart Attack at iba pa. Joke lang.

Ako naman yan noong matutuong mag-text ang Ermitanyo. Ito naman ay sa Bundok ng Batulao sa Nasugbu, Batangas.

Sa Bundok ng Batulao kasama ang GE Mountaineers Club

Basta natutunan ko na lang mahalin ang kabundukan at sa tuwing may pagkakataon akong umakyat ng bundok, hindi ko iyon pinalalampas. Kung hindi mo pa nasusubukan, dapat subukan mo na dahil iba ang pakiramdam kapag naabot mo ang summit pagkatapos ng isang mahabang paglalakbay sa kagubatan.

Marami akong natutunan sa pag-akyat ko sa mga bundok na ‘yan.

1. Natutunan ko kung papaano kakainin ang kanin na malata dahil hindi naluto ng maayos.

2. Natutunan kong masarap din palang hindi maligo ng isang buong araw lalo na kapag walang water source sa campsite nyo.

3. Natutunan kong i-appreciate ang mga bagay na meron ako dahil alam ko ang pakiramdam kapag nawala na ito sa akin at hindi ko agad ito makukuha dahil nasa tuktok ako ng bundok, katulad ng kama ko, unan, moisturizer, lotion, facial wash at ang bath tub namin.

At marami pang mga bagay na marerealize mo lang kapag nasa taas ka na at nakikita mo ang skyline ng buong metro manila at ng iba pang syudad malapit sa bundok na inakyat mo. Saraaaap!

Nang mag-jumpshot kami sa Manabu Peak sa Batangas din yata ito.

Manabu Peak with Thomson Reuters Extreme Adventure Team

Pero sabi nga ni Miley Cyrus:

“…it ain’t about how fast I get there, ain’t about what’s waiting on the other side. It’s the climb…”

At naniniwala ako dyan! Ang proseso ng pag-akyat ang pinakamahalaga. Dahil marami kang madaraanang obstacles. May mga madali lang akyatin, may mga daang sobrang mabato, maputik, mabaho, madulas, masukal, at matubig, pero sa kabila non, kapag nalampasan mo na ang mga iyon, mas ma-aappreciate mo ang pagod, hirap at pagpapawis, kahit pa mapautot ka na sa pagpipilit maakyat ang mga stiff assaults.

 

at ako yan maniwala kayo, hindi ako pupunta ng party. ganyan lang talaga outfit ko kapag namumundok, naka-jeans para sosyal!

at isa yan sa mga paborito ko. Ang pagsakay sa itaas ng jeepney papauntang jump-off area. wala lang. mas kita kasi ang view sa itaas ng jeep, mas mapapadali rin ang buhay mo.

 

 

Kaya sobrang nagustuhan ko ang pag-akyat ng bundok. Mabuti na lang at nagpasikat si Miley Cyrus ng kanta para sa mga frustrated mountaineers na kagaya ko. Kapag napapagod na ako at pakiramdam ko hindi ko na kaya, lagi kong kinakanta yung song nyaaa…

“…I can almost see it, that dream I’m dreaming but there’s a voice inside my head saying, you’ll never reach it. Every step I’m taking, every move I’m making, lost without direction… there’s always gonna be another mountain. I’m always gonna wanna make it move. Always gonna be an uphill battle, sometime I’m gonna have to lose…”

At bago ko pa man makabisado ang kantang yan ay uulit-ulitin ko yan ng paulit-ulit hanggang hindi ko nararating ang summit. Sobrang inspirational ng kantang yan. At sobrang literal ng lyrics nyan para sa akin. haha.

But anyway, naghahanda na ako para sa susunod ko na namang pakikipagsapalaran sa kabundukan. Next stop: Tarak Ridge in Mariveles, Bataan.

 

Ang Tarak Ridge sa Mariveles, Bataan

Wish me luck. Sa Sabado na ito at ito ay isang major, major climb daw. Sana, sa bawat paghakbang ay isang bagong karanasan at kaalaman. Sana sa bawat pagkakadulas ay pagbangon mula sa putikan. Ang bundok ay biyaya ng kalikasan, ligaya sa puso ng isang nangungulilang nilalang. [Biglang tumula?]

2010/11/04 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

4 Comments »

  1. ang saya ng adventure nyo.. i added you to my bloglist.. drop by my simple blog..hehe.. leave the link on the website box.. thanks..

    Comment by rus | 2010/11/07 | Reply

  2. give me now

    Comment by john | 2010/11/19 | Reply

  3. hahaha! I love your blog!

    Comment by Titachut | 2010/11/20 | Reply

    • thanks Tita Ester!

      Comment by iprovoked | 2010/11/21 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: