BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Pagod.


At dahil sa ang buong akala ko na ang bundok ng Tarak sa Barangay Alas Asin, Mariveles, Bataan ay katulad lamang ng ilang mga bundok na naakyat ko na noon, ayun, hindi ko ito napaghandaang mabuti. Hindi ako tumakbo o nag-jogging man lang bago umakyat. Hindi rin ako nagbawas ng yosi ko at lalong hindi ako uminom ng mga supplements ko.

Eh malay ko bang sandamakmak na hirap ang aabutin ko sa pag-akyat ng bundok na yan. Yung inaakala kong 3-4 hours na trekking ay umabot ng 10 hours. Oo, sampung oras akong nangangalakyat sa bundok hanggang abutin ako ng gabi sa kagubatan. Madilim at walang masisilungan. Malamok at napakaraming alitaptap sa paligid. Nakakatakot.

Pero… pero, pero… Sulit! Sulit na sulit ang tanawin pag dating sa tuktok. Nawala lahat ng pagod at paghihirap ko. Salamat kay inang kalikasan sa biyayang iyon. Napakaganda! Akala ko ay katapusan ko na dahil wala pa akong tulog buong araw pero gustong-gusto kong umakyat ng bundok na iyon. Pero kinaya ko, kinaya ko, mga katoto! haha.

Narito ang ilang mga larawang gusto kong i-share kung sino man ang mapapadaan dito.

 

 

“]

Narito ang tuktok ng Tarak Ridge - hanapin nyo na lang ako dyan! :

 

 

Ganito kakapal ang ulap sa itaas sa madaling araw...

 

 

Bangin ang dapat na tahakin marating lamang ang ninanais na summit.

 

 

“]

Ang pinakapaboriton kong bahagi - ang paglangoy sa Papaya River - napakalamig ng tubig, malinis at pwedeng inumin. That is life! :

 

 

Ang katibayang napagpunyagian ko ang Tarak! Daig ko pa ang nakaakyat ng Mount Everest! haha

 

At sa kabila ng pagod at hirap, excited na ulit ako sa susunod na akyat – Bundok ng Ugo/Ugu. At pangako, paghahandaan ko na iyon. Tatakbo na ulit ako, promise! Mas mataas daw at mas madugo ang Mt. Ugo/Ugu eh. Kailangan naka-kondisyon ang aking katawan at isipan. Haha. kakaririn ko na ang mga bundok na yan. Go lang!

Kaw try mo din, kung gusto mo sumama sa amin, welcome na welcome ang lahat! :]

To learn more about Tarak Ridge, you may visit: http://www.pinoymountaineer.com/2007/08/tarak-ridge-1130.html

2010/11/08 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

6 Comments »

  1. wow.. mukhang enjoy na enjoy ah.
    nakkainggit ahihihi

    napadaan lang..

    Comment by YanaH | 2010/11/08 | Reply

    • Hey Yanah! Sana ka minsan! haha.. Salamat sa pagdaan kaibigan! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/08 | Reply

  2. sarap naman nung swimming tsaka yung ulap. always wanted to know how it feels like to touch the clouds.

    Comment by gillboard | 2010/11/08 | Reply

  3. Hello Gilbert, I’ll tell you how it feels like… it’s freezing cold, it’s wet and it’s more like you’re dreaming but the biting cold will punch you in the head telling you you’re awake! haha.. :]

    Comment by iprovoked | 2010/11/08 | Reply

  4. Wow pwede inumin hmm curious ako bakit papaya river

    Comment by glentot | 2010/11/08 | Reply

    • Glentot, napakagandang tanong nyan. Wala akong nakitang kahit anong pwedeng maging dahilan kung bakit naging papaya river ang tawag dun sa ilog. ireresearch ko yan.. hehe

      Comment by iprovoked | 2010/11/09 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: