BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Emotions.


Eto ang mga nararamdaman ko ngayon.

1. Masaya ako dahil may nagmamahal sa akin ngayon. Uy!

2. Naiinis ako dahil naipit na naman ako sa traffic ng mahigit dalawang oras. Sobrang naiirita ako dahil wala akong makitang logic sa pinaiiral nilang “BUHOS” sa Cavite. Isang katangahan para sa akin yang “buhos” na yan! Gusto kong pagbabarilin isa-isa ang lahat ng mga traffic enforcers na yan na nag-imbento ng buhos para iparating sa kanila ang paghihimagsik ng aking damdamin sa kabobohan nilang lahat!

(ANO NGA BA ANG BUHOS? Ito ay isang proseso kung saan ginagawang one way ang isang kalsada para bigyang daan ang mga sasakyan papasok ng Cavite. Tumatagal ito ng tatlumpung minuto o isang oras depende sa trip ng mga traffic enforcers na yan! Sa aking kaso, tatlong kalye ang nadadaanan ko na mayroong buhos: Imus Bayan – SM Bacoor – St. Dominic Talaba, Bacoor, Cavite. Sa makatuwid, mahigit kumulang isa’t kalahating oras ang inaabot ng biyahe ko mula sa amin, bukod pa ang traffic na makakasalamuha ko sa Baclaran, MRT-Taft, Mantrade at Pasay Road sa Makati.)

Yan ang pinanghihimutok ng butsi ko! Kung pwede lang sa office na lang matulog para hindi na ako umuwi ng bahay gagawin ko! Sana magbago ang sistemang iyan sa Cavite, nananawagan ako sa mga namumuno sa batas trapiko na sibakin sa pwesto ang mga buhos people na yan. Wala silang kwenta! Hindi nila maunawaan na mas magiging maayos ang takbo ng trapiko kung susundin nila ang normal na pagta-trapik, one road at a time!

3. Manhid na ako sa mga patutsada sa akin ng isang tao diyan. Hindi pa rin nawawala ang respeto ko sa kanya dahil mas mataas sya sa akin pero yun na lang ang namamagitang relasyon namin sa isa’t-isa. Magsama-sama sila ng mga alipores niya! Hindi na ako natutuwa sa kanila. Pakiramdam ko, tuwing kasama ko sila, ang baba baba ko. Ang tataas ng tingin nila sa sarili nila. Mga perpekto silang tao. Mga walang bahid ng kasalanan.

At dahil sa hindi mababa ang tingin ko sa sarili ko, lalayo na lang ako sa kanila. Yun ang pinakamabuti kong gawin para maiwasan na rin ang conflict. Ayokong maubos ang napakahaba kong pasensya dahil kapag nangyari yun, baka isa-isa ko silang bilhin at gawing mga alipin ko! Mga ipokrito!

4. Excited na akong ipalabas ang Saw 3D. Sana ipalabas na yan dahil gusto ko talaga syang mapanood sa 3D – IMAX! Wala lang. haha. :]

5. Gusto kong kumain ng Garaham Cake ngayon.

6. Ang dami kong iniisip pero hindi ko alam kung anu-ano yung mga iniisip ko. Baka ako lang ang nagpapagulo sa buhay ko. Parang gusto kong magkulong mag-isa sa madilim at malamig na kwarto ko habang nagpapatugtog ng mga kanta nina James Morrison, Gavin De Graw, Jack Johnson, Daniel Bedidngfield at Nina. Papalitan ko pa pala ng bumbilyang pula yung ilaw ko sa kwarto, pundido na kasi eh. Saka yung surround system ko sira yung isang speaker, kailangan nang palitan.

7. Mabuti na lang at maagang nagpa-sweldo ngayon. Tamang-tama, gusto kong bilhin yung sapatos na nakita ko sa MOA. Maganda yung sapatos na yun dahil pag sinuot mo yun, tatangkad ka ng 2-3 inches. Yun yung sapatos na pang-lalaki na nasa loob yung heels kaya hindi halata. Basta maganda siya. 5’6 lang kasi ako, gusto ko pang tumangkad ng mga 2-3 inches kaya napakagaling ng nakaimbento nun. Ayaw kasi tumalab sa akin ng Cherifer eh.

8. Habang nagta-type ako nito ay ka-chat ko yung best friend ko. Tinatanong niya sa akin kung sino ba daw yung tinutukoy ko sa status ko sa FB. Siyempre alam niya na yun. Naisip ko lang, nakakahanga talaga ang umimbento ng Facebook na si Mark Elliot “Zuck” Zuckerberg. Wala lang. Biruin mo, naging bahagi ang FB ng aking pang-araw-araw na buhay. Isang post mo lang ng isang walang ka-kwenta-kwentang bagay, o nang kahit anong walang kabuluhang tsismis, ayun at magsisiksikan ang comments nila para maki-intriga. Which I find really fun and interesting. Cyber gossip. Eh mahilig pa naman ako makisagap ng tsismis. Good job, Mark! :]

9. At dahil totoong may mga bagay nga na hindi na kailangang bigkasin ng labi at mas mabuti pang i-blog na lang, natutuwa ako dahil kahit papaano, medyo nabawasan na ang bigat sa dibdib ko. Salamat talaga at nauso ang blogging. Hindi na ako masyadong nalulungkot dahil natuto na akong maging “insensitive” kahit papaano. Nakakatulong pala iyon para hindi ka masyadong maapektuhan ng mga negative vibes sa paligid mo. Lalong lalo na ang ka-ipokritohan ng mga kaluluwang nagkalat sa mundong ito. I feel a lot better now. I’m excited about the weekend.

10. Wala na akong nararamdaman masyado. Ok na ako. Siguro babalik na lang ako sa number 1 dun sa taas, yun talaga ang nararamdaman ko ngayon, pinahaba ko lang para complicated! Char! hahahaha.

2010/11/11 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

15 Comments »

  1. hahaha… at binasa ko pa lahat balik lang pala number 1… weee ang kulet lang … nyahahaha

    Comment by Kikomaxxx | 2010/11/11 | Reply

  2. hahaha, para humaba lang ang blog.. lol.. thanks Kiko for visiting here! Luv you! hahahaha.. may labyu talaga!? :]

    Comment by iprovoked | 2010/11/11 | Reply

  3. bakit di ka na lang magrent sa malapit sa makati nang di ka nahahassle? ang haba pala ng byahe mo. baka mas makatipid ka pa.🙂

    Comment by gillboard | 2010/11/11 | Reply

    • yah, i tried few times na, pero hindi ko talaga feel ang mag rent. lagi rin ako umuuwi, mas gusto ko sa bahay talaga where I have all the things I need. Kaya ko naman tiisin, naglalabas lang ako ng hinanakit. haha. I really love my room, our house and be with mah mama at papa and sibs.. hehe.. :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/11 | Reply

  4. thanks sa pagbisita sa site ko kuya. HILLO din po. hahaha. salamat din sa pag add mo saken sa blogroll mo. yeah!

    Comment by ester | 2010/11/12 | Reply

  5. walang anuman ester! :]

    Comment by iprovoked | 2010/11/12 | Reply

  6. ganyang-ganyan din ang mga hinaing ko nung mga panahong sa dasma pa ko nakatira.. at nagmamanila ako.. alam mo ung tipong 5 or 5:30 ka na umalis ng bahay para di ka ma-late sa 7:30 appointment mo tas makakalabas kayo ng baclaran ng 7am… hahahayssssss wag mo ng isama ung kabwisitan mo pagdating ng rush hour sa hapon.. na ang trapik hindi pa man dumadating ng toll gate eh ang haba na pabalik ng cavite..

    Comment by YanaH | 2010/11/12 | Reply

    • I agree, grabe ang Cavite. Diyan kilala ang cavite sa buong bansa! trapik! hahaha, but I still love Cavite. dun pa rin ako uuwi, kahit ang sara-sarap pagbabatuhin ng mga traffic enforcers dun! grrrr.

      Comment by iprovoked | 2010/11/12 | Reply

  7. in any case, bisaya ka ba? or naiimpluwensyahan ka lang sa char ni melay? kasi super uso yang term na CHAR dito sa davao.🙂

    Comment by ester | 2010/11/12 | Reply

    • hindi po ako bisaya, meron lang akong kaibigan dito na sobrang fan ng melason, araw-araw ko naririnig yang char! kaya ayan, nahawa na ako! hahaha

      Comment by iprovoked | 2010/11/12 | Reply

  8. Naku ang dami mong emotions, multitasking!

    Comment by glentot | 2010/11/12 | Reply

    • hahaha, syempre pa! LOL

      Comment by iprovoked | 2010/11/14 | Reply

  9. nice one! lols

    Comment by rus | 2010/11/14 | Reply

    • salamat rus! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/14 | Reply

  10. Napaisip ako sa bumbilyang pula hehehhehe Saka ang cute ng name ng love love mo Samsung… ako din pala gagaya😛

    Comment by Klet Makulet | 2010/11/16 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: