BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Sumpa.Pacquiao


may sumpa raw ang iyong tagumpay, Manny

at hindi lang ang pagkatalo ng iyong kalaban

ang aking inaabangan

at sinusubaybayan

pati na rin ang pagkawala ng buhay

ng isa na namang bituin

sa tuwing ika’y magwawagi

 

si Ernie Baron

Si Marky Cielo

si Nida Blanca

si Palito

si Johnny Delgado

ang anak ni Cesar Montano

lahat sila namatay ilang araw o linggo

matapos ang iyong panalo

paano mo maipapaliwanag ito?

 

sa bawat mong galaw at suntok

sa bawat pagpupunyaging maisahan ang kalaban

sa bawat saglit na ika’y madaplisan

napapatili ang aking puso

 

isa kang mahirap

dati kang isang kahig

kung minsan walang tuka

ngunit nangarap ka

at sinuntok ang sinumang

nagtangkang humarang sa iyong mga adhika

 

ngayon nama’y tignan mo ang iyong ina

si Dionisia

at ang iyong asawa

si Jinky

magkamukha na sila

tinatamasa ang iyong kasikatan

ang iyong kayamanan

mga mapapalad

 

kung totoo mang ang lahat ay may kapalit

panalo ka Manny, panalo ka!

napapasigaw ako sa bawat sapak mo

sa mukha ng iyong kalaban

umaasang ang iyong bawat banat

ay mag-uuwi ng karangalan

sa minamahal kong bayan

 

saludo ako sa’yo Manny

sa iyong bituing nagniningning

sa nanay mong yumaman na rin

sa asawa mong modelo na ni Belo

at sa iyong Ingles na pang-gago

saludo ako sa’yo.

 

kung nakipagkasundo ka man sa demonyo

upang makamit mo ang lahat ng ito

kung ang bawat tagumpay mo’y isang kaluluwa ang mawawala

panalo ka Manny, panalo ka!

aabangan ko

sa bawat panalong laban mo

ang susunod na bituin

na mamatay at maglalaho sa dilim

 

hindi kita sinisisi, Manny

marahil, lahat ng ito ay pagkakataon lamang

ngunit naghahanap ang aking puso

ng kasagutan

sa sumpang ito, Manny

ikaw ang panalo

panalo ka, Manny!

saludo ang sambayanang Pilipino

sa iyo…

sa iyo…

sa sumpa mo!

 

2010/11/15 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

15 Comments »

  1. ayan… ang galing o.. nagawan pa talaga ng tula si manny… weeeeeeeeee….. saludo na ako sayo sabay saludo kay manny…

    Comment by Kiko Maximillos | 2010/11/15 | Reply

  2. hahahaha, salamat Sir Kiko! Saludo rin ako sa iyo! :] Ang gusto ko lang naman sabihin, sana mamalato si Manny! haha.. Yaman yaman na nya eh.. :]

    Comment by iprovoked | 2010/11/15 | Reply

    • nyahaha oo nga.. ipamudmud nalang kaya niya napanalumnan niya…

      Comment by Kikomaxxx | 2010/11/16 | Reply

      • Ang dami nang nag-aabang ng balato ni Manny, noong nanalo sya, imbes na COngratulations ang sabihin nila, Merry Christmas daw! Alam na! hahaha

        Comment by iprovoked | 2010/11/16 | Reply

  3. knock on wood, baka naman sumabog ang bulusan?

    scary.

    Comment by gillboard | 2010/11/15 | Reply

  4. huwag naman sana,.. I still believe na nagkataon lang ang lahat ng ito. nakakatakot lang kasi nga sunod-sunod.. :[

    Comment by iprovoked | 2010/11/15 | Reply

  5. wow. i never thought of it this way. this is an entirely different perspective on the wins of Manny. thanks for sharing. very creative post.

    thanks also for passing by my blog🙂

    Comment by aajao | 2010/11/15 | Reply

    • Thank u sir! thanks 4 dropping by, ill see u soon at ur page! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/16 | Reply

  6. Nice, although katok sa kahoy, sana this time walang mangyari sa mga tao.

    Comment by Will | 2010/11/16 | Reply

    • yup, katok on wood na lang tayo, wag naman sana. I still believe Manny did a great job and it has nothing to do with any curse or whatsoever! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/16 | Reply

  7. Naks naman. Pumo-poetry. Haha. Napansin ko din to. Di nga lang pagakamatay eh. Pati natural disaster, yung landslide, bagyo plus S, tsaka yung patayan nangyari weeks after his victory. Sabi din sa napanood ko sa TV na chinese shit eh ganun din nakita nila. O well, lets just be happy na nanalo siya and pray na walang mangyari.

    TGIF: Thank God I’ma Filipino.🙂

    Comment by Yow | 2010/11/16 | Reply

    • Indeed, TGIF! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/16 | Reply

  8. Ngayon ko lang nalaman yun ah 9na may nadedeads bawat panalo ni Manny). Sana nga walang ma-deads at sana nga nagkakataon lang. Katakot naman yun!

    Comment by Klet Makulet | 2010/11/16 | Reply

    • Now you know! [ala manny pakyaw]. lol. wala lang ‘to, naisip ko lang. I’m still wishing for the best! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/16 | Reply

  9. […] Manny Pacquiao, para pa rin sa iyo ang tula kong ito. […]

    Pingback by Sumpa.Pacquiao.Part.2 « Bienthoughts Muy Bienthoughts | 2010/11/16 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: