BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Kilig.


Medyo sensitibo ang kwento ko ngayon kaya mas minabuti kong dito sa loob ng kwarto ko ito gawin imbes na sa opisina, habang nagpapapak ng paborito kong powdered milk na hinaluan ng milo at konting asukal dahil diet ako. Pangalawang baso ko na ito at malapit ko nang maubos pero hindi ko pa rin alam kung papaano ko ito uumpisahan. Nahihiya kasi ako. Medyo naiilang ako sa mga ganitong kwento dahil ayokong pag-usapan ako. Ako na artista! Ako na! Sana lang hindi mapadpad dito ang mga friends ko para hindi nila mabasa. Hahaha.

Eto na nga. Sumakay ako ng bus papauwi ng Cavite galing ng opisina. At katulad ng ginagawa ko araw-araw, naupo ako sa bandang dulo ng bus para hindi ako maistorbo kapag pumalaot na ako sa dagat ng aking mga panaginip habang nasa biyahe. Kinuha ko ang shades ko at isinalpak sa mukha ko. Pinagtugtog ng malakas ang aking MP3 player sa saliw ng musika ni Ryan Cayabyab – Limang Dipang Tao. At hinintay ko munang singilin ako ng kundoktor bago ako matulog. Halos 2 hours din ang biyahe ko kaya babawiin ko na lang ang tulog ko sa bus.

Wala pang ilang minuto kong ipinipikit ang aking mga mata ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Napalingon ako at nainis dahil sobrang luwang naman sa ibang upuan pero sa tabi ko pa siya nagsumiksik. At dahil sa maraming beses na akong muntik mabiktima ng mga mandurukot, siyempre alert alert na kaagad ako at niyakap ko ang bag ko at sinigurong mahihirapan ang sinuman na dumukot sa kahit saang parte ng bulsa nito. Balik ako sa pagpalaot sa pagtulog.

Hindi mapakali ang lalaking katabi ko. Galaw ng galaw sa upuan kaya hindi ako makapag-concentrate sa pagtulog ko. Nairita ako ng sobra. Nilingon ko siya. Potah, ang pugi ni kuya. Hindi naman siya yung tipo na mukhang gagawa ng masama. Napakadisente, malinis tignan, medyo kalbo siya, matangkad, at wag ka… mabango si kuya. Kung titignang mabuti siguro mga 20-25 years old na siya. Pero siyempre, sabi nga ni Ara Mina, “we can never can tell”, kaya todo ingat pa rin ako. Mahirap na maisahan.

Sinisiksik ako ni kuya. Lingon siya ng lingon sa akin tapos pagnilingon ko siya bigla siyang mag-aantok-antukan sabay check ng kanyang cellphone. Nakikita ko mula sa aking peripheral view sa tuwing lilingon siya sa akin. Alam mu yun? Sobrang nakaka-conscious. Gusto mo magpahinga pero may isang taong tingin ng tingin sa’yo. Di mo alam kung ano ang kailangan niya. Sabi ko huhulihin ko ang tingin niya. Isa na lang talaga! Isang-isa na lang!

Lumingon ulit siya sa akin. Potah huli ka! Bigla ko siyang nilingon at nagkatitigan kami. Napasimangot ako at napataas ang kilay. Kahit gusto ko mang tanungin siya ng “Anung tinitingin-tingin mo dyan?!”, hindi ko nagawa dahil ngumiti siya. Nakatitig siyang ngumiti sa akin. Napangiti na lang din ako. Sabay balik sa pagkakasandal ko sa upuan para umidlip.

“Taga-saan ka?” biglang may boses na lang basta-basta. hindi nagpapaalam.

Napatingin ako at napangiti. Sasagutin ko ba ang tanong niya o susungitan ko ang lalaking ito? Siyempre dahil mabait ako, hindi ako sumagot. Nginuso ko na lang yung lugar. Yun bang nguso na nagtuturo na “doon pa, malayo pa.”

“Ah sa Dasma? o Tagaytay?” Tanung ulit siya.

Gusto ko mang ngumuso ulit pero ang hirap pala. Kaya napilitan na lang akong magsalita.

“Diyan lang sa Imus lang.” sagot ko.

“san ka sa Imus? taga Imus lang din ako. sa may Bayan Luma.” Ang sabi ni kuya habang nakangiti pa rin. Napansin ko agad ang maputi niyang ngipin. Ang gara!

Hindi na ako sumagot. Ngumiti na lang ako. Pero ang Bayan Luma kung saan siya nakatira ay isang isang tambling lang naman mula sa bahay namin. Bakit ko naman sasabihin, aber?! haha.

Hindi na siya nagtanong pa.

Ilang saglit pa ay malapit na akong bumaba ng bus. Naghanda na ako. Nagpunas ng mukha, kinusot-kusot ang mata, naghikab-hikab at nag-unat-unat. Tatayo sana ako para lumipat ng upuan para madaling makababa ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napa-upo ulit ako at sobrang kinabahan. Napatigagal ako. Maya-maya pa, hinawakan niya ang bewang ko. Nilingon ko siya. Nakangiti siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong iyon, hindi ko siya pinigilan o itinaboy. Hinayaan ko siyang hawakan ako. Waaaaaaaaaaa! Hindi ko alam kung bakit pero putaaaaaaaaa, hinayaan ko siyang hawakan ang kamay at bewang ko. Tangina parang babae lang. hahahaha.

“Sabay na tayong bumaba!” Sabi ni kuya. “Adrian pala!”  Sabay abot ng kamay niya para makipag-hand shake. Inabot ko naman ang kamay niya pero hindi ko na sinabi ang pangalan ko.

Pinara niya ang bus at nauna siyang tumayo para bumaba. Sumunod ako. Pagkababa ng bus ay agad siyang umakbay sa akin. Naalala ko tuloy yung akbay nung bestfriend ko nung High School. Ganun kabigat ang kamay niya at feeling close si kuya habang nagkukwento ng mga bagay na hindi ko naman tinatanung at wala naman akong pakialam.

“Gusto mo kumain muna sa Jabee?” Tanong ni Adrian.

“sobrang pagod ako sa trabaho dud, gusto ko na matulog at magpahinga.” sagot ko naman.

“treat ko!” sabat niya.

“Sige pero saglit lang ahh” siyempre payag agad, libre daw eh. gutom na gutom na din naman ako. hahaha. At sa kalaunan ay natutunan ko na rin makipag-biru-biruan sa kanya.

Ang dami niyang kwento. Lahat na yata ng pwedeng pag-usapan sa buhay niya eh ikinuwento nya sa akin. Samantalang ako ay naging isang masigasig na audience nya. Natapos kaming kumain at nagpasya nang umuwi. Siyempre pareho pa rin kami ng sasakyang tricycle dahil magkalapit lang ang aming bahay kaya magkasabay kaming sumakay. Hindi pa naputol ang kwento niya hanggang sa kailangan na naming magpaalam sa isa’t-isa. Bago siya bumaba ay iniabot niya sa akin ang call card niya. Text ko daw siya.

At dun nagtapos ang aming lovestory kwento.

Hindi ako bukas sa ganitong mga pangyayari sa buhay ko. Hangga’t maaari ay hindi ko ine-entertain ang ganitong mga eksena dahil hindi ko pa kaya. Ayoko muna. Pero sa totoo, nag-enjoy akong kausap si Adrian. Nag-enjoy ako sa moment na iyon sa bus, sa jabee at sa tricycle. Ayokong maniwala pero alam ko hindi ito isang bagay na pwede ko na lang takasan. Darating at darating din ang araw at kailangan ko itong harapin. Sana na-ge-gets nyo ang gusto kong sabihin dahil ayokong sabihin dito yung point ko.

Ngayon naman, isang malaking pala-isipan sa akin kung ano ba susunod kong gagawin? Itetext ko ba siya o tatawagan? Hindi ko alam. Bahala na siguro. Bahala na si Batman!

Basta ang alam ko, kinilig ako.

2010/11/18 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

27 Comments »

  1. bahala na ba ako ka mo? nyahahaha… weee.. sabi ni mommy never talk to strangers pero pagtreat niya… itext mo na baka maulit yung panglilibre.. wahehehhe…

    Comment by Kikomaxxx | 2010/11/18 | Reply

    • hahaha..kewl ako jan sa panlilibre… gooo na..

      Comment by rus | 2010/11/18 | Reply

      • hahahaha, waah. kinakabahan nga ako eh.. tignan natin. gusto ko din naman siya makasabay ulit. para makakain ulit ng free sa jabee. lol

        Comment by iprovoked | 2010/11/18 | Reply

  2. hahahaha, ewan ko. bahala na talaga! wag lang sana kami magkasabay ulit sa bus.. LOL.

    Comment by iprovoked | 2010/11/18 | Reply

    • pag nagkasabay kau ulet…haha.. destiny na lumalapit sau..

      Comment by rus | 2010/11/18 | Reply

      • waaaaah! Destiny talaga? May ganun? Malamang magkakasabay kami ulit, baka magkita pa kami sa mga malls sa cavite musta naman ,magkabit bahay lang kaMI halos! Hahahaha

        Comment by iprovoked | 2010/11/18 | Reply

        • un pala naman eh..hahaha.. nakakatuwa talaga ang mga ganyang pangyayari.. destiny kung destiny… neighs lang pala kau.. haha

          Comment by rus | 2010/11/18 | Reply

  3. hmmm pwedeng maging isang simula ng mahabang kwento,hihihihi!! Go kung ano ang nasa puso mo..di na pinag iisipan pa ang libre,hihihihi

    Comment by p0kw4ng | 2010/11/18 | Reply

    • ewan ko ate powkie! kilig lang ang kaya ko sa ngayon, baka mamaya kung anopa gusto nya at bumigay ako bigla! Hahahaha, joke lang!

      Comment by iprovoked | 2010/11/18 | Reply

  4. wow.. hahaha.. ngayon ko lang to nasilip, nice love story.. go, tawagan mo na.. hahaha..

    Comment by rus | 2010/11/18 | Reply

    • pinag-iisipan kong mabuti yan Rus! Hahaha,

      Comment by iprovoked | 2010/11/18 | Reply

      • goo na.. malamang nghihintay din un, kaw ba naman mg.abot ng calling card hello? haha..

        Comment by rus | 2010/11/18 | Reply

  5. just follow your heart.

    the last line rocks! hehe

    Comment by ahmer | 2010/11/18 | Reply

    • \m/

      Comment by rus | 2010/11/19 | Reply

  6. thanks ahmer! i’ll do that! rock on!!! :]

    Comment by iprovoked | 2010/11/18 | Reply

  7. diba you’re with someone?

    Comment by gillboard | 2010/11/18 | Reply

    • I am with someone and I love HER. But this one’s another thing Gilbert! HE is another thing! Haha :[

      Comment by iprovoked | 2010/11/18 | Reply

      • ayayay! hahaha… ikaw ha..tsk..hehe

        Comment by rus | 2010/11/19 | Reply

  8. aba! text na. baka mapalibre ulit. haha akala ko sa mga bus na panaic ka sumasakay. haha😛

    Comment by ced | 2010/11/19 | Reply

  9. Minsan pa-Naic kapag ang tagal ng bus. haha baba ng binakayan! weee. di muna ako text, saka na. pagiisipan kong mabuti. ewan, haha, pakipot effect. LOL

    Comment by iprovoked | 2010/11/19 | Reply

  10. ala! nakakatakot naman yung ganun. pero basta libre, alisin mo nalang ang takot mo. nwei, magaling kang magsulat. nadadala ako.

    Comment by ester | 2010/11/19 | Reply

    • Hello Ester, haha. di naman siya nakakatakot, actually, ang cute nya. LOL. Salamat po sa pagbisita. Have a great day! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/19 | Reply

  11. Hmm. Seryosong advice, don’t talk to strangers! Hehe ang una kong naisip eh baka isa sya sa mga manggagantso na may hypnotism tapos bigla nyang sasabihin “Pwede akin na lang ang cellphone mo?” tapos hindi mo alam kung bakit pero sinunod mo sya, and before you knew it wala na sya and end of love story na hehehe… Ingat ingat lang…

    Comment by glentot | 2010/11/19 | Reply

    • mas gugustuhin ko sigurong ganyan na lang ang maging ending ng story ko, mas madaling tanggapin na naisahan ako ng isang manggagantso kesa mahulog ako at umibig, LOL. Haha. Ewan, there’s something in this person na iisipin mong masarap ang buhay, nakakakiliti. I haven’t reached him yet, im planning to, this weekend. Yeah, wish me luck! Thanks sa advice, I’ll keep that in mind, Glentot! :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/19 | Reply

  12. kilig nga!
    .
    .
    me like.

    Comment by eriktenedero | 2010/11/29 | Reply

  13. Salamat Sir Erik, iwan k naman ng link mo para mkpasyal ako sa page mo. Salamat! :]

    Comment by iprovoked | 2010/11/30 | Reply

  14. musta na kuya… natext mo na???

    Comment by Flippie | 2010/12/25 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: