BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Blackboard.


Hindi kami mayaman. Sa katunayan, may ilang taon din kaming tumira sa isang squatter’s area sa Mandaluyong bago kami makabili ng bahay sa Cavite. Lumaki akong salat sa karangyaan (pang-MMK, Dear Charo!, LOL) at mga materyal na bagay. Lahat ng bagay noon para sa pamilya ko ay sinusukat at tinitimbang para umakma sa budget ng aming buong mag-anak. Hindi kami nahumaling sa mga magagarang bagay dahil noon pa lang, ipinamulat na sa amin ng aming mga magulang na maging kuntento sa kung ano ang meron at magtiis sa kung ano ang wala. Nakapag-ulam na ako ng toyo. asin, mantika, at syempre ang paborito kong ketchup! Noong bata pa ako, walang rekla-reklamo, lamon lang kung lamon kung ano ang nasa mesa. Wala din namang choice.

Anyway, hindi naman yan ang punto ng kwento ko ngayon. Napadaan lang sa isip ko kaya isinama ko na rin. Actually, tungkol ito sa house chart ng nanay ko sa bahay namin para sa mga household chores na kailangan naming gawin magkakapatid.

Madalas kaming mag-away ng mga kapatid ko dahil sa mga gawaing bahay. Kung sino ba dapat ang maghuhgas ng plato, kung sino na ba dapat ang magwawalis ng sala, ang maglilinis ng mga kwarto, maglalaba ng mga underwears at  kung sino na ba ang naka-schedule maglinis sa harapan ng gate namin. Halos araw-araw ay pinagaawayan namin yan mga mga kapatid ko. At hindi lang basta away na sigawan kundi may pisikalan! At syempre dahil sa ako ang pinakamatanda, kapag wala si Mama sa bahay, ako lagi ang panalo. Lagi akong nakakatakas sa mga gawaing bahay lalo na nung nag-high school ako. Nagagawa ko nang dahilan ang mga projects at assignments ko para makatakas sa mga tinataguan kong gawain. Masarap talagang maging panganay.

Noong hindi na matiis ng nanay ko ang mga bangayan naming magkakapatid tungkol sa mga household chores, naisipan niyang bumili ng maliit na blackboard. Yung may alphabets sa gilid at may maliit na orasan sa bandang dulo. At mula noon ay nilagyan nya ng schedule ang mga gawaing bahay namin. Umaga ako maghuhugas ng plato after ng breakfast, Tangahali yung kapatid ko namang babae at sa gabi naman yung bunsong lalaki. Kasama na rin sa chart na yun ang schedule para sa paglilinis ng banyo, ng sala at ng bakuran. Kaya wala nang makapagreklamo sa amin dahil documented na ang aming trabaho sa bahay. Medyo nakakalusot lang ako kapag kailangan kong pumasok ng maaga sa school para gumawa ng project. Kaya naman kapag nakakalusot eh inaaraw-araw kong pumasok ng maaga sa school. Pero madalas naman akong nabubuking kaya hindi rin ako nakakalusot.

Sa lahat pa naman ng mga gawaing bahay, yang lintik na mga plato na yan ang pinaka-kinamumuhian kong gawin. Basta I hate washing the dishes. Really, really, really freakin hate it. Ganun ko sya ka-hate subra!!!

Natapos na lang ang aking mga paghihirap sa mga gawaing bahay na yan noong nagka-trabaho na ako. Nagalit na sa akin ang mga kapatid ko dahil wala na ako sa schedule chart ni Mama. Ang dahilan ko, pagod na pagod na ako sa trabaho at hindi ko na kayang gumalaw pa para maghugas ng plato. Arte-arte lang.

Nagsimula akong magbuhay señorito noong naging maganda-ganda na ang trabaho ko. Yung limpak-limpak na salapi na ang naiuuwi ko sa bahay [exaggerated lang]. Kumuha pa ako ng katulong para syempre hindi na magalit sa akin ang mga kapatid ko [P800/month] LOL. So ayun, naging masaya naman ang lahat. Ang trabaho ko na lang ngayon eh maglaba ng sarili kong mga underwear dahil ayoko pinapalabhan ang mga boxers and briefs ko. Baka kung ano pa makita nila don.

May mga bagay din namang naituro sa akin ang ginawang iyon ng nanay kong echosera. Natuto akong sumunod sa schedule. Natuto akong magplano at maglaan ng oras para sa isang bagay at syempre, natuto akong gampanan ang aking maliit na responsibilidad. Nadala ko iyon hanggang sa aking pagkikipagsapalaran sa tunay na buhay. At masasabi kong ito ang napakagandang ipinamana sa akin ng nanay ko, bukod sa magandang edukasyon at yung napakalaking hacienda namin, char!

At ngayon… ngayong may sarili na akong baaaahaay [yehey!!!] alam kong hindi na ako mahihirapan sa pagpapanatili nito. Isang bagay na sobrang proud ako. Pagkatapos ng isang mahabang paghihirap, nagbunga na rin ang aking mga pagpupunyagi, ate Charo [MMK talaga]. Hindi siya kagandahan, hindi magarbo, simple lang. Para sa akin lang talaga. Isang kayamanang maituturing para sa hindi naman lumaki sa layaw na katulad ko.

Hanggang dito na lamang, ate Charo. Salamat sa pagbabahagi ng aking kasaysayan. Nawa’y maraming ma-inspire sa aking istorya. At sana’y may makahula sa title ng MMK episode ngayong gabi.

 

Nagmamahal,

Bienthoughts Muy Bienthoughts

2010/11/22 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

10 Comments »

  1. ang sosyal naman, may sariling bahay. pwede ba pakatulong, la naman ako problema maghugas ng pinggan.😀

    Comment by gillboard | 2010/11/22 | Reply

  2. hahaha, nakakahiya naman sa’yo Gilbert, baka hindi tayo magkasya sa haus ko, maliit lang kasi siya. But if you insist, sige, P900 pesos per month kung matatagalan mo! LOL. wala kasi tumagal na katulong sakin, naliliitan sa pasweldo ko! hahaha

    Comment by iprovoked | 2010/11/22 | Reply

  3. Nice one! isang magandang story talaga! and natawa ako dun sa blackboard na merong household chores na nililista si mader. Actually that’s very clever of her hahah😛

    Comment by soltero | 2010/11/22 | Reply

    • Maraming salamat Sir! haha. :]

      Comment by iprovoked | 2010/11/23 | Reply

  4. weee… kaya pala nag-aaway kami kasi wal kaming chores chat…w ahehehe

    Comment by Kikomaxxx | 2010/11/23 | Reply

    • dapat ipabasa mo ito sa mama mo para magkaroon siya ng idea.. LOL..

      Comment by iprovoked | 2010/11/23 | Reply

  5. Ako din ayaw kong maghugas ng pinggan. Actually wala akong gustong gawaing bahay hehehehe tamad ako eh😛

    Comment by klet makulet | 2010/11/23 | Reply

  6. pareho tayo at magkakasundo tayo diyan! hahahaha.

    Comment by iprovoked | 2010/11/23 | Reply

  7. nakarelate naman ako at meron din kami nong bata pa ako ng chart chart na yan,hihihi

    ang cute ng bahay mo..nainggit naman ako at wala pa akong sariling bahay,hihihihi

    Comment by p0kw4ng | 2010/11/25 | Reply

  8. Haha, thanks ate powkie!!! :]

    Comment by iprovoked | 2010/11/29 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: