BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Tiyo Claro.


Na-inspire lang ako sa post ni kuya Wickedmouth kaya ganito ang tema ng kwento ko ngayon imbes na tungkol sa Pasko dahil umpisa na ng buwan ng Disyembre pero naalala ko rin na itong araw na ito ang pinaka-malungkot at traumatic na araw para sa amin ng pamilya ko.

Si Tiyo Claro ang bunsong kapatid ng Nanay ko. Siya rin ang paborito kong tito dahil sa lahat ng mga tito ko, siya lang ang nakasama ko nang matagal na panahon. Mabait siya at maalaga at lagi niya akong ipinagtatanggol kapag pinapalo at pinapagalitan ako ng nanay ko kahit na sobrang bait ko naman at walang bahid ng kakulitan noong bata pa ako, (char!).

Si Tiyo Claro ko ang takbuhan ng mga kaibigan niya kapag mayroon silang problema  sa buhay, sa lovelife, ewan ko lang sa pera, pero kung mayroon kang mga sirang appliances o cellphones ay maaari ka rin niyang matulungan dahil magaling siyang mangalikot at magkumpuni ng kung anik-anik. Si Tiyo Claro ang aking ehemplo ng “Jack of all trades” noong bata pa ako. Tingin ko lahat kaya nyang gawin, lahat kaya niyang buhatin, labanan, awayin, sabihin at kung anik-anik pa. Basta ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.

Mabuti siyang tao at mahal na mahal siya ng Nanay ko. Ang nanay ko…

Sakristan ako noon (believe me, promise, mabait na bata talaga ako) at kagagaling ko lang mula sa pagseserbisyo  sa simbahan noong gabing iyon. Tulad ng nakasanayan ko, naglalaro ako ng family computer, yung Galaga or Mario Bros., pagkatapos ay tatambay ako sa harap ng pintuan ng bahay namin para makipagkwentuhan at makipagdaldalan sa mga taong magdaraan.

Noong gabi ring iyon ay namataan kong nag-iinuman sa harap ng bahay namin sina Tiyo Claro at ang kanyang mga kabarkada. Masaya, nagtatawanan, nagbibiruan.

Hanggang sa nagkapikunan…

Kitang-kita ng aking dalawang mata kung papaanong sa isang iglap ay saksakin ng isa niyang kabarkada ng balisong sa tagiliran si Tiyo Claro. Humandusay ito sa kalsada.

“Ate, ate, may tama ako!” ang narinig kong pagsigaw ni Tiyo.

Sa takot ko ay pumasok ako sa loob ng bahay upang tawagin ang nanay ko.

“Mama, si Tiyo Claro, sinaksak sa labas!!!”

Bumalik ako sa harap ng pintuan namin ng isang iglap muli ay nakita kong saksakin naman yung isa ko pang tito na si Tiyo Eli.  Napahandusay din ito sa kalsada.

“Mama, si Tiyo Eli sinaksak din”

Saka ko pa lamang nakitang nagtatakbo palabas ng bahay si Mama. Walang tsinelas. Naka-sando, walang bra at naka-shorts na pantulog na.

“Anong nangyari, sinong sumaksak sa’yo utoy!” ang narinig kong sigaw ng nanay ko.

Hindi ko alam kung papaano nagawa ni Mama na buhatin si Tiyo Claro papauntang ospital. Hindi ko na maalala kung may tumulong ba sa kanya, basta ang alam ko at nakita ko, buhat -buhat ni Mama si Tiyo Claro para dalhin sa ospital. Habang si Tiyo Eli ay may lakas pang maglakad, hindi na ito nakaabot pa ng ospital at namatay habang dinadala sa pagamutan.

“lumaban ka bunso, wag kang bibitiw” iyak ni Mama.

At tulad ng narinig ni Kuya Wickedmouth, iyon ang pinakamalungkot na iyak na narinig ko sa buong buhay ko, na hindi ko kailanman papangaraping marinig muli.

Namatay si Tiyo Claro sa mga kamay ni Mama. Alam kong hindi matatawaran ng kahit na ano ang kalungkutang iyon na mawalan ng kapatid, lalo pa ang pinakamamahal niyang bunso.

Nagising na lang ako kinabukasan at nasa tabi ko si Mama. Malinaw pa sa isip ko ang mga sinabi niya…

“Wala na si Tiyo Claro mo, iniwan na niya tayo…” kasabay ng isang napakalungkot na paghagulhol.

Tumayo ako upang tignan ang labas ng bahay namin at saka lamang ako naniwalang hindi panaginip ang lahat ng nangyari nang nakita ko ang dalawang kandilang nakatirik sa labas ng pinangyarihan ng krimen.

Nakatakas ang pumatay kina Tiyo Claro at Tiyo Eli.

Ilang taon ding napuno ng takot ang aming pamilya nang dahil sa trahedya. Lumipat kami ng bahay at nagpasyang dito na sa Cavite manirahan.

Hanggang ngayon, hindi pumapalya si Mama sa magpadasal sa tuwing death anniversary ni Tiyo Claro. At alam ko, hanggang ngayon, nalulungkot pa rin si Mama.

(Noong March 2010 lang, habang kumukuha ng NBI Clearance yung suspect sa pagpatay kay Tito Claro at Tiyo Eli, ay nasakote ito ng mga Pulis. Ako ang naging Starwitness sa kaso at positibo kong itinuro sa loob ng korte ang pagmumukha ng salarin. Mahigit sampung taon na rin ang nakararaan nang mangyari ang krimen pero ang lahat ay malinaw na malinaw pa rin sa aking isip at puso. Nakakulong na ang kriminal at ngayon ay naghihintay na lamang na ilabas ng korte ang pinal na desisyon)

2010/12/01 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

14 Comments »

  1. kahit pa siguro sabihin na nahuli at nakulong yung gumawa ng krimen, di pa rin sapat yun na kapalit sa nawalal sa pamilya niyo.
    😦

    Comment by gillboard | 2010/12/01 | Reply

    • Oo nga eh. Pero salamat na rin dahil kahit papaano nabawasan ang pasanin namin. Matagal ding naging krus sa amin yan eh. Salamat! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/02 | Reply

  2. nakamit din ang hustisya

    Comment by ph1l1p | 2010/12/01 | Reply

    • after 10 years or so.. thank God! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/02 | Reply

  3. Awww! So sad! So traumatic!I’m sorry about your family. Reclusion perpetua dapat ang ipataw sa kriminal…

    Comment by Jag | 2010/12/02 | Reply

    • hinihintay pa namin ang resulta, hoping for the best. Naniniwala pa rin talaga ako sa justice system dito sa Pinas. :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/02 | Reply

  4. huhuhuhu so sad naman to.. weee….

    Comment by kikomaxxx | 2010/12/02 | Reply

    • Wag ka na ma-sad! :] Smile. It’s over. Na-kwentu ko lang to share! hehe. Mwah! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/02 | Reply

  5. ouch. sorry to hear this.

    i can feel the pain. i know the feeling myself because i had experience something that is even more painstaking than this.

    you inspire me to write about the tragedy that i have never talked about yet.

    God bless you and your family.

    Comment by Mental Climax | 2010/12/02 | Reply

  6. Thanks Sir for dropping by. It’s something I already have gotten over with as time went by. But I have thoughts of this from time to time which is something really hard for me to avoid as much as I want to. Anyway, I can’t say I look forward to hearing your story about that tragedy but if you’re willing to share it, I’d be glad to listen/read. Thanks and Godbless! :]

    Comment by iprovoked | 2010/12/02 | Reply

  7. it’s nice to know that at last after 10 years will be at peace and got justice. this is a sad story witnessing someone you love and respect dying at your own eyes. i don’t know how much traumatic that was for you and your mom.

    Comment by ced | 2010/12/03 | Reply

    • Thanks Ced, we have recovered the trauma after a while. It was painful at first but God is good all the time. Thanks for dropping by. :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/03 | Reply

  8. AWWWW
    *insert bunting hininga here*
    Nakakasad naman tong post na toh. Grabe. Di ko ata kayang makasaksi ng ganoong scenario.
    Anyways, buti naman at nahuli na yung suspect. Wala talagang nakakaligtas sa mata ng Diyos.

    Comment by renz | 2010/12/03 | Reply

  9. Thanks Renz, you’re right. At kung makaligtas man sya sa batas ng tao, never sa batas ng Diyos. Thanks sa pagbisita dito. Mwah! :]

    Comment by iprovoked | 2010/12/03 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: