BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Marupok.


Narito ang isang tula ng kahinaan at pananamantala.

Ang tulang ito ay nailathala na sa ilang mga pribado at indibidwal na pahayagan sa Cavite at iba pang mga lalawigan na hindi ko na tutukuyin ang pangalan. Nagkamit ito ng ilang mga mabababang parangal sa kategoryang Tulang Tagalog, Pag-ibig at iba pa.

Mayroong inspirasyon ang tulang ito batay sa isang totoong pangyayari sa aking buhay. Yun bang tipong nagpapaka-asshole ka na para lang layuan ka pero nandyan pa rin sya at napaka-insensitive lang. Basta ganun. Haha. Syempre ang title nito ay MARUPOK, tao lang, bumigay din ako. LOL. Maraming nagsabing ang sama-sama ko daw dahil sa tulang ito pero ayos lang, ganun talaga ang naramdaman ko eh. Hahaha. Anyway, here it goes. :]

MARUPOK.

at dahil marupok ako

sige, hahayaan kong mabihag ka

ng aking mga ngiti at sulyap…

 

dumaan ka sa mga palad ko

na parang isang bubuyog

at iwanan mo akong busog sa iyong pulot.

sa gayong paraan mapaninindigan ko

na ang karupukan ay pagiging tao…

 

at sa sarap ng bawat halik ko

maghahabol kang parang isang langaw,

 

at ako naman ay isang tumpok ng tae!

 

at dahil marupok ako

isanggi mo ang iyong braso

sa aking siko…

manatili ka sa aking lason,

ngumiti kang parang payaso

at lisanin mo ako pagkatapos ng umaga.

 

sa gayong paraan masasabi ko

na ang taong marupok

ay siyang laging hinahanap ng mga tulad mong

sabik sa pagmamahal…

 

at dahil marupok ako

makinig kang mabuti…

 

sa pananabik mong angkinin ako

at sa pangigigil mong yakapin

ang bawat pagnanasa ko,

 

sige, manatili kang bubuyog…

at damhin ang sakit ng pagbagsak

at pagkalupol sa tuwing bibigay

ang palitada ng aking pagkatao…

 

dahil ako ay mahina..

 

at dahil marupok ako

umungol kang parang batang

pinapalo sa pwet ng kanyang ina.

 

humagod kang parang uhaw sa yaman

ng pag-aaruga at pananamantala.

bumukaka kang tila naglalaro ng luksong-tinik…

at iguhit mo sa lupa

ang lahat ng sakit na nadama mo

dahil sa karupukan ng aking pagkatao…

 

kumapit ka…

mahigpit na mahigpit

 

kailangan mo nang lakas upang mabuhay

para sa darating na gabi…

 

pumatong ka sa aking damdamin,

umindayog ka sa aking musika

at gumiling na parang isang alipin…

 

dahil bukas,

pagsapit ng umaga,

wala na ako…

iiwanan na kita…

dahil ako ay marupok…

 

mahina…

2010/12/03 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

2 Comments »

  1. galeng!

    Comment by sunnystarfish | 2010/12/04 | Reply

    • hehe salamat naman. :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/04 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: