BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Julio.


Si Julio, ang kambal ni Julia

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng mga “friends” ko sa Facebook eh kakaunti lamang ang nakakakilala sa kanila kay Julio, ang kambal ni Julia. Nauso kasi sa Facebook kailan lang ang pagpapalit ng profile photo at gawin itong picture ng paborito mong cartoon character noong bata ka pa. Nakakatuwa lang kasi halos lahat naman ay naki-join sa pausong ito at unti-unti namang ibinalik nito ang ala-ala ng aking kabataan.

Sabi sa mensaheng ipinakalat sa buong Facebook World, “Change your Facebook profile picture to a cartoon from your childhood and invite your friends to do the same. Until Monday, December 6, there should be no human faces on Facebook, but an invasion of memories. This is a campaign against violence to children.”

Nakakagalak ang layunin ng campaign na ito dahil bilang isang kabataan at bahagi ng lipunang ito, may mataas akong paniniwala sa karapatan ng bawat bata. Isa akong advocate sa pagtatanggol ng ating karapatang pantao lalong-lalo na ng mga musmos. Kaya naman noong nabasa ko ang campaign na ito, hindi ako nagdalawang -isip na makisabay sa uso. Naisip ko, ito na ang pinakamadaling paraan ng komunikasyon para maipabatid sa lahat ang kahalagahan ng pagtatanggol sa mga kabataang naging biktima ng karahasan at pang-aapi. Hindi dapat ito ipagsawalang bahala. Responsibilidad natin na bantayan ang karapatan ng bawat isa.

Sabi nga sa isang sikat na awiting pansimbahan: “…Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa…”

Anyway, alam ko nakisabay ka rin sa uso. Ano/Sino ang porfile pic mo? Hahaha. :]

2010/12/06 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

10 Comments »

  1. hahaha… oo nga no.. pero diba si julio yung sa facebook mo dati…

    Comment by Kiko Maximillos | 2010/12/06 | Reply

    • uu, pinalitan ko na ulit kasi tapos na Hanggang Dec6 lang daw eh.. hehe

      Comment by iprovoked | 2010/12/07 | Reply

  2. kilala ko si julio. kaya lang wala kasing magandang pic niya sa net, kaya di siya pinili ko.

    si zenki!!!

    Comment by gillboard | 2010/12/06 | Reply

    • Haha, gusto ko yang si Zenki! ang pandak na super hero! LOL.

      Comment by iprovoked | 2010/12/07 | Reply

  3. Ahihi paborito ko rin ito noon, ang landi lang nila yung power nila ahihi. Tanda ko pa yung theme song ahahaha wtf

    Comment by glentot | 2010/12/06 | Reply

    • hahahaha, kapag uminog na ang mundo, iikot din ang buhay ng tao, may saya at mayroong dusa wag lang tayong magpapatalo… weee :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/07 | Reply

  4. naaalala ko yang julio at julia na yan. paborito ng mga pamangkin ko noong bata pa sila.

    Comment by mangpoldo | 2010/12/07 | Reply

    • si Mang Poldo napadaan sa aking pahina, salamat sir! haha.. :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/07 | Reply

  5. tanda ko yan! di ko nga lang sinubaybayan at yung mga kapatid kong bata sa akin ang nanonood..oo ganon na ako katanda..ahahaha

    Comment by p0kw4ng | 2010/12/07 | Reply

    • hmmm, buti na lang hindi ka mukhang matanda. You look really young Ate Powkie, I swear!

      Comment by iprovoked | 2010/12/07 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: