BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Yosi.


Natuto akong manigarilyo isang taon matapos akong gumradweyt ng college. Mga 21 years old ako noon at Oo, medyo late na ako natuto ng mga bisyo katulad ng pag-inum ng alak na palagi ko namang sinusuka, pagtambay sa kanto sa kalagitnaan ng gabi kasama ang mga tropapips at ang pakikipaglandian at pakikipagharutan sa mga tropapis din na nakilala ko lang sa campus at mga party party. Ang lahat naman ng bisyong natututunan ko noon ay mabilis ko naman naitigil maliban na lamang sa potangenang sigarilyong ito. Hindi ko na yata maaalis ang bisyong ito hanggang sa magkasakit na lang ako at mamatay.

Marami nang brand ng yosi akong tinambutso tinikman. Lahat na yata ng brand mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal ay nasubukan ko pero sa ngayon, sa isang brand na lang talaga umiikot ang mundo ko, yung “medyo mahal” lang kasi middle class naman ang status ko sa lipunan. Char!

Noong una akala ko may dahilan talaga ang mga kabataan kung bakit sila nalululong sa mga bisyo tulad ng paninigarilyo. Ako kasi yung tipo ng kabataan noon na sobrang kinamumuhian ang mga katulad kong kabataan na nagyoyosi. Yun bang tipong gusto ko silang sapakin kapag naaamoy ko ang usok ng yosi lalo na kapag nakakasabay ko sila sa tricycle o sa jeep.

Akala ko noon mga papansin lang ang mga kabataan dahil mayroon silang gustong patunayan sa mga tao. Yun bang tipong “lalaking-lalaki ako” kaya magyoyosi ako para “in” ako sa tropa. Potangena talaga. Hate na hate ko yang mga ganyan noon lalo na kapag mga sobrang musmos pa lang eh nagyoyosi na. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang dahilan nila pero kasi ako, wala naman talaga dahilan kung bakit ako nalulong sa tabako. Wala lang talaga. I just found myself suddenly bored and I had the need to do something else aside from just doing my regular errands. Basta ganun. Bigla ko na lang naisipan magyosi. Mali ang desisyon kong iyon noon. Akala ko naman kasi madali ko kaagad matitigil dahil sabi ko may kontrol naman ako sa sarili ko. Akala ko naman hindi na masusundan ng ikalawang stick ang una kong paghit-hit. Akala ko naman kasi hindi ko hahanap-hanapin ang “Tama” ng nicotine sa katawan ko. Maraming maling akala na ngayon naman ay unti-unting sumusunog sa baga ko.

Aaminin ko, nakaka isa hanggang dalawang kaha ako ng sigarilyo bawat araw. I mean sa loob ng 24 hours. At nadadagdagan pa yan ng isa hanggang dalawa pang kaha kapag nag-iinom (na minsan lang naman mangyari), at kapag nagpapalipas ng oras lalong lalo na kapag naghihintay. Yosi bago kumain, pagkatapos kumain, pag-tumatae, pagkatapos tumae, bago maligo, bago matulog at pagkagising na pagkagising. Yan ang bahagi ng yosi sa buhay ko araw-araw na lang na ginawa ni Papa God.

And you know what makes it more addicting? Each puff feels so good! Basta alam ko naiintindihan din ako ng mga nagyoyosi ring tropapis natin dyan. Kaadik talaga at hindi ko alam kung papaano ko lulusutan ang “deep shit” na ito sa aking buhay.

Sobrang aware naman ako sa mga sakit na maaari kong makuha sa paninigarilyo. Alam na alam ko na ang mangyayari sa akin pag hindi ko ito naagapan. Alam kong pahihirapan ako ng mga sakit pagdating ng araw na sisingilin na ako ng aking katawan dahil sa ginagawa kong pang-aabuso dito. Natatakot na ako para sa araw na iyon pero hangga’t hindi pa buo ang loob ko para tigilan ang adiksyong ito, siguro mamamatay na lang ako, humihithit pa rin ako ng sigarilyo.

Sinubukan ko na rin lahat ata ng posibleng paraan para tumigil sa pagyoyosi eh. Na-try ko na ang Herbal Cigarette, Electric Cigarette, Cigarette Patch, ang iba’t-ibang mga books on how to stop smoking at kung anik-anik pang mga naimbentong ka-chorvahan para tumigil magyosi. Lahat walang epekto. Lalabas pa rin ako ng bahay para magyosi.

Disiplinadong smoker naman ako at sa maniwala ka o sa hindi, nagsisigarilyo lang ako sa tamang smoking area. Never ako nagyosi sa loob ng pampublikong jeep at bus, never sa tricycle at lalong-lalo na, never na never sa harapan nina Mama at Papa. Although alam ko namang alam na nila na nagyoyosi ako, pero bilang respeto never ko pang pinakita sa kanila. Nakakahiya din kasi.

But don’t worry, hindi ako Yosi kadiri. Maputi pa rin naman ang ngipin ko and I brush my teeth each and every smoking session. Mabango pa rin naman ang hininga ko. hahaha.😀

Kung may suggestions kayo on how to stop smoking, sabihin nyo lang at ita-try ko. Pero para sa akin, it really takes courage to stop this bisyo. And I’m not that strong enough I guess. It’s all psychological after all.:\

Kaya ikaw, kahit tikim wag na wag mo gagawin. Umiwas hangga’t maaari. Dahil kapag na-trap ka na ni yosi, you’ll never know how to stop. Just my two cents! :]

 

2010/12/07 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

10 Comments »

  1. kaya nga i dont want to try it eh.. i dont to destroy my life.. hehehe…

    Comment by kikomaxxx | 2010/12/08 | Reply

    • very good Kiko! Keep it up! You don’t wanna find yourself in my situation. :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/08 | Reply

  2. Matanda na ko pero isang bes palang ako nakatikim ng yosi. at yun ay ngayong taon lang. nagkaroon ako ng girlfriends na nagyoyosi pero hindi pa din nila ko na impluwensyahan at di ko naman sila pinatigil kase nakilala ko sila na ganun na.

    pag kaya andito ka sa lugar na masyadong mahal ang bisyong yosi e 1 o 2ng kaha pa din ang mauubos mo sa isang araw?

    madami kong tropa na nagyoyosi. kung tutuusin, gusto ko sila pahintuin. pero wala naman ako magagawa.buhay nila yon. nasa pagkokontrol lang yan pre. may mga kilala din kase ko na from heavy smoker totally di na sila nag yoyosi. yung isang kilala ko. candy sagot nya twing nanginginig sya sa yosi.

    wala lang. nasayo yan par. kung gusto mo tumigil o hindi.

    Comment by bulakbolero | 2010/12/09 | Reply

    • I adore you sir! At tama ka, it’s up to me kung gusto ko tumigil, it’s take a lot of courage to do so. It’s all psychological. sana i find enough courage to stop this bisyo. Thank you! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/10 | Reply

  3. i have been smoking for the last sixteen years…. at ginawa ko na lahat para matigil ang walang kwentang bisyo na to… but maybe, i need to do more…

    ang dahilan ko lang naman kasi eh ayaw kong nababakante ang bibig ko… chaka naman kung chupon ang ipalit ko sa bur**…. kaya yosi nalang bwahahahahaha

    Comment by YJ the manilabitch | 2010/12/10 | Reply

    • hahahaha, for whatever bur** means, I guess yosi talaga ang the best na panlagay sa bibig instead of chupon.. lol.. Rakenrol sir!

      Comment by iprovoked | 2010/12/10 | Reply

  4. unti unti na yang alisin sa sistema.😀

    kaya mo yan🙂

    Comment by ced | 2010/12/10 | Reply

    • salamat sir, ta-try ko talaga! ahahaha :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/10 | Reply

  5. Ang tito ko ay nakakailang kaha ng sigarilyo noon. As in super sa hithit-buga. Then, nagka-ubo siya. Medyo matagal yun. nagdecide siyang tumigil. tapos nung gumaling, paisa-isa ulit… pero inubo ulit siya… ngayon yosi free na ang bahay namin hehehehe. Nasa motivation mo na lang yan talaga.

    Comment by klet makulet | 2010/12/11 | Reply

    • Ang galing ng tito mo. I look forward to the day when I can totally have that courage to stop this. Haaayst! :0

      Comment by iprovoked | 2010/12/13 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: