BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Kuya.


Matagal na panahon na rin siguro nung huli naming nagawa ito ng mga kapatid ko – ang mag-bonding. Pare-pareho na kasi kaming busy sa trabaho, sa kanya-kanyang mga social activities at kung anik-anik pang mga ka-bisihan sa buhay.  Kanya-kanya na rin kami ng mga trip sa buhay. Magkakaiba kami ng hilig. Ako parang tanga na kung anu-anu lang, yung pangalawa na mahilig sa rock band at mga ka-emohan at yung bunso namin na busy sa pag-aaral at sa kanyang banda.

Magkakasama naman kami sa bahay pero bihira din kami magkita-kita dahil na rin sa hindi magkakasabay ang mga schedule namin. Pag may pagkakataon, nagkakasabay lang kaming kumain sa hapag kainan tuwing Linggo, pero pagdating ng hapon, kanya-kanya naman kami ng gimik. Kung minsan nga magugulat na lang ako bagong gupit na pala yung kapatid kong babae, samantalang long hair na pala yung bunso naming lalaki. After a few weeks na hindi namin pagkikita ulit, bago na naman ang hairdo ng isa sa amin. Ganun.

Parang kailan lang talaga yung dalawa kong kapatid na ito ang lagi kong kaaway sa chichirya, o sa panonood ng TV at sa pakikipag-agawan sa ulam sa lamesa. Kung minsan nagkakampihan pa sila para lang matalo ang mighty morphine power ranger kong kakulitan. Haay nakaka-miss ang kabataan namin.

Habang nag-gagala kami sa Mall Of Asia, pinagmamasdan ko silang dalawa. Malalaki na ang mga kapatid ko. All these years, tingin ko sa kanila parang hindi sila tumatanda. Parang para sa akin, lagi lang silang mga bunsong kapatid ko na gustong-gusto kong nililibre at binibilhan ng mga laruan.

Pero hindi na pala.. Mga ganap na binata at dalaga na ang mga kapatid ko. And I am proud to see how successful and beautiful young citizens of the world they have become. I missed them and I love them with all of my loving kuya heart.

Merry Christmas! :]

 

si Mary Joy ang pangalawa kong kapatid na emotera! LOL.

“]

si Mikko, ang bunso kong kapatid na Rakista, astig kumanta yan! :


Eto ang mga nawawala naming kapatids! LOL.

Cheers!

2010/12/13 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

13 Comments »

  1. oi magkakamukha nga kayo.,.. wahehehe

    Comment by kikomaxxx | 2010/12/13 | Reply

  2. weeee, eh kasi naman magkakapatid kami.. lol… pero tingin ko ampon lang talaga ko eh.. basta! hahahaaha

    Comment by iprovoked | 2010/12/13 | Reply

  3. Ang sweet naman nun. Natuwa ako kahit hindi naman ako maka relate dahil wala naman akong kapatid. Pero naka-relate naman ako kahit papano dun sa may gusto kang alagaan at masaya kang nakikita mo silang ok. Ang sweet talaga.

    Comment by jason | 2010/12/13 | Reply

    • Weee, salamat sir Jason. Sabi nila kahit na minsan sobrang naaasar ka sa mga kapatid mo sa bandang huli, swerte ka parin dahil alam mong habang nandyan sila, buhay ang spirit of Christmas. Kahit wala kang kapatid oks lang yan, alam ko madami ka naman kaibigan at nandyan ang family mo for you. Salamat sa pagbisita sir. :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/13 | Reply

  4. Hihi halatang magkakapatid, mga look-alikes eh…

    Comment by glentot | 2010/12/13 | Reply

    • hahaha, ampon nga lang ako!!! lol…

      Comment by iprovoked | 2010/12/13 | Reply

  5. LOL! ‘Yun din ang iko-comment ko. Hahaha magkakamukha kayo!

    Comment by The Gasoline Dude | 2010/12/13 | Reply

  6. hahahaha, magulat ka kapag hindi kami magkakahawig… LOL

    Comment by iprovoked | 2010/12/13 | Reply

    • pero mas maganda naman sa inyo yung babae..haha..XD

      Comment by renz | 2010/12/15 | Reply

  7. panganay din ako..yung kapatid ko na bunso na baby na baby dati..may boyfriend na din ngayon..bilis ng panahon,hehehe

    Comment by p0kw4ng | 2010/12/13 | Reply

    • yung kapatid ko din yang yung girl, may boyfriend na ata ayaw pa umamin… hahaha.. mabilis talaga tumakbo ang panahon ate kaya pag may chance ka rin to bond with them, gow! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/15 | Reply

  8. natuwa naman ako dito,

    “Kung minsan nagkakampihan pa sila para lang matalo ang mighty morphine power ranger kong kakulitan.”

    nakakatuwa din po ang bonding niyo..:)

    Comment by renz | 2010/12/15 | Reply

    • haha, salamat Renz, minsan lang yan kaya sobrang nagenjoy din ako ng sobra. matagal na naman mauulit yan.. hayst! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/15 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: