BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Koreanong Hilaw na Hipon.


Hindi ako yung tipo ng tao na maporma at maarte sa katawan. Wala akong ka-latoy-latoy. Kung ano ang meron sa aparador ko na tingin ko bagay sa akin, yun lang isusuot ko. Hindi rin ako mahilig sa mga branded na kagamitan. Hanggang sa pangalan ko lang kilala sina Converse, Adidas, Puma, Lacoste at Fila. Bestfriend ko si Safeguard at si Sunsilk at basta nasipilyo ko na ang ngipin ko at nakapaglagay ng deodorant sa kili-kili, ayus na ayus na ang araw ko. Kapag trip ko naman maging maarte paminsan-minsan, swerte nang mawisikan ng Johnson’s Baby Cologne ang aking balat. Basta ang gusto ko lang, hindi ako mabaho at presentable ako sa harap ng maraming tao.

Maraming pagkakataon na sa buhay ko na may ilang mga taong naging mapanghusga sa mga bagay na sinusuot ko sa katawan ko. Sa damit ko, sa sapatos na suot ko, sa tipo ng musika na pinapakinggan ko, maging sa hairstyle ko. Ang lahat ng iyon pinapalagpas ko na lang dahil ang panuntunan ko sa buhay noon, hindi ko naman kailangang pumorma. Hindi naman ako yayaman kung makikisabay ako sa lifestyle nila. Iba ang disposisyon ko sa buhay at malayong-malayo ito sa disposisyon ng mga katulad ko ring kabataan. Gusto kong mamuhay ng simple. Gusto kong maglakad sa kalye na walang iniintindi kung may holdaper ba sa daan dahil hindi naman ako mapagkakamalang may pera. Gusto ko yung ganun.

Pero wag kang mag-alala, medyo exaggerated lang yun, hindi naman ako mukhang taong grasa. Haha. Hindi ko lang talaga nakaugalian na maging maluho sa mga gamit ko. Swerte na lang kung may magregalo sa akin ng Bench or Penshoppe pero kung wala, magkakasya na ako sa mga damit na nabibili sa tiangge. Pare-pareho lang naman yan.

Bakit nga ba ganito ang kwento ko ngayon? Eh kasi ganito yun…

Sobrang napikon kasi ako sa isang officemate ko kanina. Lagi na lang niya ako nilalait. Lagi na lang siya may comment sa damit kong suot, sa ayos ng buhok ko at pati na rin sa… eto nga, sa bago kong shoes.

Nakabili kasi ako ng shoes sa Manels, 50% off, so bale P800 na lang siya. Walking shoes sya na Maphisto. Eto sya…

Syempre proud akong sinuot si Maphisto pagpasok ng office, katerno ng black na maong pants ko. Nagandahan kasi ako eh saka sobrang komportable sya sa paa. Normally kasi ang mga sapatos ko yung sa mga OTTO or ITTI ko lang binibili, maiba lang, nag-try ako ng Manels nung minsang mapadaan ako sa MOA.

Anyway, ayun nga. Umentrada itong si officemate galing sa kung saan. Naka-walking shorts at suot ang kanyang Happy Feet na walking shoes. Lumapit ako para mangamusta…

Nang walang anu-ano’y nasambit nya sa harap ng bago kong sapatos na Maphisto from Manels:  “Yan ba ang porma mo dyan sa shoes mo? Pwede ka magpalit?”, na may kasamang “pandidiri look” na as in seryoso si kuya na para bang nasira ang araw nya nang makita nya ang suot kong sapatos at pants.

Syempre dahil sa likas na sa pagkatao ko ang pagiging mabait at mapagkumbaba, (ako na!!!). Binalewala ko na lang. Ngumiti ako saglit at saka umiwas na lang. Ayoko kasi na mapikon sa harap nya dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya. Ang malala pa, baka masapak ko pagmumukha niyang mukhang koreanong hilaw na hipon!

Pero nasaktan talaga ako. Grabe syang manlait. Pagpalitin ba daw ako ng damit? Eh wala akong dalang extra! (at magpapalit talaga? hahaha). Naisip ko kailangan ko ba talagang pumorma sa office? Hindi naman siguro ako mukhang tanga sa suot ko para sabihan niya ako ng ganon. Atleast hindi ko inutang ang pinambili ko sa sapatos ko! char!

Kaya ayun, masama ang loob ko sa kanya. Barado siya sa akin hanggang hindi humuhupa ang tampo ko. Grabe naman siya. Kung makapagsalita akala mo isa siyang Fashion Guru. Haaay, ang mga tao nga naman talaga. Alam ko lahat ng suot nya ay branded at mamahalin, kitang-kita ko naman yun mula dito sa kinauupuan ko. Pero that doesn’t give him an excuse to insult me. Nainsulto talaga ako. Nakakapikon talaga.

Pero sorry, mas marami akong pera. Yun na!

Dictionary:

KOREAN SHRIMPS, noun (n):

Korean hipon na mga Fashion Guru as in to the highest level ang knowledge nila sa Fashion kaya may karapatan na silang pagpalitin ka ng damit dahil ayaw nila ng suot mo. Yun na!

 

2010/12/14 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

13 Comments »

  1. sana sinapak mo na lang yang officemate mo, ako ang nabwiset dun!

    Comment by soltero | 2010/12/14 | Reply

    • hahaha, nasa office kasi ako eh, mahirap na.. kung sa labas baka di pa bumubuka bibig nya basag na ngipin nya.. lol… :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/15 | Reply

  2. ok lang yan. madami naman tayong di maporma sa mundo. di ka nag-iisa. wag mo na pansinin yung iba dyan, as long as comfortable ka sa suot mo.

    Comment by gillboard | 2010/12/14 | Reply

    • thanks for reminding me hindi ako nag-iisa. haha.. Salamat Gilbert! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/15 | Reply

  3. whaat?? nakakaasar naman yun.. bugbugin mu na po. haha. dang kapal ng pagmumuka..walang magawa sa buhay..salot sa lipunan..haha.. madali lang kasi ako maasar sa mga ganun..kahit nga tignan lang ako9 pataas-pababa, nababadtrip na..yan pa kayang nangengelam na..

    Comment by renz | 2010/12/15 | Reply

    • korek, nangengealam talaga, nakakahiya sa kagwapuhan niya! LOL… uy, napadalaw ka dito salamat sa pagpunta :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/15 | Reply

      • eto nga po’t napadaan ulit..hehe

        Comment by renz | 2010/12/20 | Reply

  4. hahaha… ako din eh pumupurma lang ako pag may event2 na kailangan daw mas pumogi ako.. weee… joke lang… hahaha… oo nga mas mabuti na yong comportable ka sa sinusuot mo… wala silang pakialam…

    Comment by kikomaxxx | 2010/12/15 | Reply

    • mabuti na lang hindi na natin kailangan mageffort para gumwapo noh? yung iba kasi katulad nitong koreanong hilaw na ito, effort talaga! Hahahaha, peace!

      Comment by iprovoked | 2010/12/15 | Reply

  5. HAHA!😄 Ok, I admit na I sometimes observe and critic other people’s fashion style pero I usually keep the comments to myself lang, unless we’re super close that it’s okay for me to say what I think or you directly ask me. And I just judge those who looks off. Yung sobra lang talaga. :p

    Pero as for you, advise ko lang not because branded ang stuffs mo, fashionable ka na. Kahit si Koreanong hilaw na hipon. Haha!😄 Kahit ilagay nya lahat ng branded items nya sa katawan nya, that doesn’t mean he’s maporma na. Nasa way yan ng pag-mix nya ng items and all and the way he carries himself na din.

    And based on your description with your clothing, it looks naman na you’re a casual dresser which is okay. That’s much better than being a trying hard fashionista na mas pangit tignan. So don’t listen on what other’s say. Care ba nila diba? If they really care about your stuffs then ipag-shopping ka nila.😄

    Comment by rich | 2010/12/15 | Reply

    • hahaha, korek, iapgshopping nila ako para sundin ko ang mga tips nila sa Fashion, ok lang! hahaha. Salamat pala sa pagdalaw ah? Hehehe. I appreciate your advise. Merry Christmas po! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/16 | Reply

  6. ayuf yung kaopisina mo ah. suntukan nalang. lol

    Comment by bulakbolero | 2010/12/16 | Reply

    • hahaha, kung hindi lang kami nasa opisina, sure yan bro! hahaha.. well, actually ok na ako, hindi na ako nagtatampo! Humupa na ang pagkaasar ko. Buti na lang! HEehehe :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/16 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: