BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Mula Kay Bamboo – Merry Christmas!


Isang Pagbati mula kay Bamboo! LOL.

Masasabi kong sa bandang huli, naging mabuti ang taong 2010 sa akin. Sa totoo lang, hindi ko namalayan na heto at papatapos na pala ang taong ito. I’m so happy dahil unang-una marami sa mga New Year’s Resolutions ko ang nagawa ko naman kahit papaano, katulad na lang ng muling buhayin ko ang pagiging blogger ko at muli ay makapasok sa mundo ng blog. Nagpapasalamat ako sa mga bumabasa nitong munti kong pitak. Hindi naman mahalaga sa akin kung mag-comment ka o hindi. Sa totoo lang, mas natutuwa ako kapag nakikita ko yung status ng mga views ko dito sa wordpress, madami rin palang naliligaw. At sa inyo, hayteynkyu! Mwah!

Isa sa mga New Years Resolutions ko ay ang makapag-travel dito sa bansang aking minamahal. Salamat na lamang at naging bahagi ako ng isang grupong mahilig umakyat ng bundok at dahil sa kanila heto at nabisita ko ang mga magagandang lugar dito sa Pilipinas gaya ng Batangas, Pampanga, Pangasinan, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Dagupan, La Union, Baguio, Nueva Vizcaya, Benguet, at iba pang mga karatig bayan sa Norte. Isa itong napakasayang experience para sa taong 2010. Haymsoheppy!

Ngayong taong ito, mas nakilala ko ang aking sarili. Although hindi pa ganoon kabukas ang aking pagtanggap sa aking pagkatao, atleast ngayon, masasabi kong kung anu’t-anoman ang mangyari, hindi na ako mahihiya o magdadalwang isip na ipaalam sa mundo na hindi lang ako isang ordinaryong lalaki – ako din ay isang ordinaryong medyo lalaki. Hahaha – for whatever that implies, alam mo na yan! Kungratshuleyshin!

Marami akong natutunan sa aking paglalakbay ngayong taon. Maraming nakilala, nakalandian at nakaharutan. Maraming napaiyak, nagpaiyak at prospect na paiyakin, haha. Naging isang malaking palaruan sa akin ang bawat kong pakikisalamuha at naging isang napakalaking paraiso sa akin ang mundong ito. Para akong isang halimaw na nakawala sa banga at ngayo’y isa nang ganap na Undin na maaari mong maging kaibigan, kaaway, kakampi, kapuso, kapamilya, kapatid at ka-kulto. In short, mas natuto akong makibagay. Itsoameyzhing!

Kahit natalo si G1BO at nanalo si Noynoy noong nakaraang halalan – masaya na rin ako dahil bukod sa mas natuto akong pahalagahan at ipaglaban ang aking mga paniniwala at prinsipyo,  nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan na nagpakita sa akin ng tunay na kahalagahan ng pagkakaisa, pakikipagkapwa-tao at pagmamahal. Achievement yan para sa akin. Ispectakyular!

Sana ikaw rin, naging makabuluhan ang 2010 sa iyo at sana ay may naiwan din itong aral sa iyong buhay kahit na gaano man kasakit, kasaya, kapait, kaasar, katraumatic, kalibog? ang nangyari sa iyo. Muli, ituring mo itong pagpapala mula sa ating mahal na Papa J.

Isa itong pagbati sa inyong lahat ng isang Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon. Sana mas maging maganda ang pasok ng 2011 para sa ating lahat. Kampay!

 

Nagmamahal,

Bienthoughts Muy Bienthoughts

 

 

 

2010/12/16 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

17 Comments »

  1. hahaha oo nga no kamukha mo si bamboo.. wahehehe

    Comment by kikomaxxx | 2010/12/16 | Reply

    • yung kaibigan ko, pinipilit na si Chiz Escudero daw ang kamukha ko pero ayaw kong pumayag! hahaha! Merry Christmas Sir! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/20 | Reply

  2. mountaineer ka? ako din nangarap dating maging mangaakyat ng bundok..pero di ko naituloy at lumandi ng maaga,hihihi

    hapi pasko sayo!!!

    Comment by p0kw4ng | 2010/12/16 | Reply

    • salamat ate powkie! Pwede mo pa rin naman ituloy ang pagakyat kahit na lumandi ka ng maaga, anyway, marami namang malalandi sa bundok at mas masarap makipaglandian sa tuktuk ng bundok, promise! hahaha, Merry Christmas! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/20 | Reply

  3. akala ko ako yung gibo na natalo. napaisip ako dun.

    yung tunay na gibo pala yung sinasabi mo.

    good to know you had a good 2010.

    merry christmas!!!

    Comment by gillboard | 2010/12/16 | Reply

    • Yo! Salamat Gilbert, I know you had a fun 2010 as well. And yes, si Sir G1BO Teodoro nga po. hehe. Merry Christmas! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/20 | Reply

  4. team G1bo!😀
    sana tumakbo sya as senator next election.

    and happy holidays!😀

    Comment by ced | 2010/12/16 | Reply

    • Yah, Green Team! Sana magbago isip nya at tumakbo ulit sya as senator this time. Mangangampanya ulit ako! haha, Merry Christmas po! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/20 | Reply

  5. Bamboo nga. Haha at apir dahil Team Gibo ka.🙂

    Btw, I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here.🙂 I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

    http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

    Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks!🙂

    Comment by Tiff | 2010/12/17 | Reply

    • Salamat Tiff, pasensya na nahuli ako sa pagreply. Try ko sagutan ito. Salamat sa pagdalaw. Merry Christmas! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/20 | Reply

  6. Isang Maligayang Pasko rin sayo Bienthoughts salamat sa pag-quote as akin sa Facebook.

    Comment by glentot | 2010/12/19 | Reply

    • Awww, you’re welcome sir! I’m a fan of your blog, keep it up sir! Merry Christmas too! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/20 | Reply

  7. happy new year po..haha!

    Comment by renz | 2010/12/20 | Reply

    • Happy New Year Rennnzz! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/20 | Reply

  8. ok lang yan… abangan na lang natin sa susunod na eleksyon ulit!

    Comment by wanderer | 2010/12/20 | Reply

    • Tama!!! haha.. Merry Christmas na lang sir! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/20 | Reply

  9. i like it

    Comment by johnny | 2011/01/06 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: