BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Erik Santos.


Matagal na rin akong tagahanga nitong si Erik Santos. Simula noong marinig ko siyang kumanta sa ASAP ng ABS-CBN, noong natanggal siya at muling bumalik as wild card contestant, hanggang sa manalo siya as Grand Champion, lahat ‘yon ay sinubaybayan ko. Pagkatapos niyang manalo ay naging sunod-sunod na ang kanyang swerte, kumpleto ako ng kanyang album at nakapunta na rin sa ilang mga concerts at mall shows niya.

Isa siya sa mga pinakahinahangaan kong singer dito sa Pinas at kahit na alam kong marami dyan ang magtataas ng kilay dahil ayaw nila kay Erik dahil tingin nila ay Jologs ang OPM music o dahil tingin nila ay bading si Erik, wala akong pakialam.

Alam mo ba yung tipong bago ka matulog, magpapatugtog ka muna ng music ni Erik, or ni Nina or ni Sitti tapos makakatulog ka na lang bigla at pag-gising mo yun pa rin ang tugtog at may gana ka nang harapin muli ang araw dahil inspired ka. Basta ganun at alam ko naman na ganun din ang pakiramdam mo sa paborito mong music na pinakikinggan. Lahat naman siguro tayo ay may hinahanggan din.

Isa lang ang gusto kong iparating…

Respeto.

Hindi mahalaga kung ano ang music at kung sino ang artist na hinahangaan mo, ang mahalaga ay nag-eenjoy ka talaga at alam mong na-touch ang buhay mo sa istorya ng kanta niya or mismo dun sa buhay niya. Kaya umiinit ang ulo ko minsan sa mga taong ang babaw ng dahilan kaya ayaw nila sa isang artista.

Sabi nila jologs daw ang OPM. Sabi nila bakla daw si Erik Santos. Or tomboy daw si ganito at ganito daw si ganyan. It’s being judgmental. Mas matatanggap ko pa sigurong dahilan yung tipong hindi ko gusto yung boses ni Erik eh, masyadong malaki at buo, mas nakakatulog ako sa boses ni Usher kasi manipis at mataas. Yung mga ganun. Basta.

Hindi naman jologs ang OPM, masyado ka lang sigurong trying hard maging western, mas jologs yun! Or kung bakla man si Erik Santos, does that make him less of a person? Or if you are gay, for an instance, would that make make any less of who you are? Ganun lang naman yun eh. Kaya wala tayong karapatang husgahan ang isang tao dahil lang sa music na pinakikinggan nila or sa paborito nilang mga tao. Isa itong option at freedom na binigay sa atin and we should all respect it, kahit sino at ano pa yan.

Anyway, wala naman akong kaaway, Paskong-pasko naman. Merry Christmas! Haha. Gusto ko lang talaga i-share na nagkaroon ako ng chance makasama si Erik ulit noong isang araw. Eto share ko yung pic. Salamat sa aking Erik Santos Friends Online. Haylabyuol! Have a wonderful Christmas and a magical New Year! :]


2010/12/22 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

16 Comments »

  1. ang swerte lang nakapose sabay ang idol…

    Comment by kikomaxxx | 2010/12/22 | Reply

    • haha. isa ito sa mga pinakaaabangan kong araw tuwing Pasko! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/24 | Reply

  2. wala naman masama maging jologs. pero mas gusto ko si christian bautista. kainis lang, puros sila remake.

    merry christmas!!!

    Comment by gillboard | 2010/12/23 | Reply

    • Oo nga eh, yun na yata bumubuhay sa OPM ngayon, ang mga remakes. Pero sa ibang mga albums nila madami din namang originals.. Merry Christmas too! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/24 | Reply

  3. erik santos is the best. :))
    astig ang boses.
    astig ang porma.
    astig ang karakter.

    Comment by glenn | 2010/12/23 | Reply

    • Yey, isa ka din pa lang tagahanga ni Erik kuya Glentot. I’m glad to know that! Merry Christmas po!!! At salamat sa laging pagdalaw dito ng aking hinahangaang blogger! Luv you! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/24 | Reply

    • tama ka kuya glenn… and that is erik santos.. bow!

      Comment by Flippie | 2010/12/25 | Reply

  4. why him? why not me? joke lang..

    Comment by renz | 2010/12/24 | Reply

    • hahaha, pwede din namang ikaw din. Kantahan mo muna ako!!!!! dali na!!!

      Comment by iprovoked | 2010/12/24 | Reply

      • ahaha..di ako marunong kumanta eh..tula na lang..:))

        Comment by renz | 2010/12/30 | Reply

  5. Hindi ko siya favorite. Pero gustung-gusto ko yung song niya na Kung sa Akin ang Mundo. =)

    Comment by tsina | 2010/12/24 | Reply

    • Me too, I like that song! One of my faves… Salamat sa pagdalaw dito! :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/24 | Reply

  6. Tama!!! Inggit lang sila kasi di sila magaling kumanta hehehe. If I know kumakanta-kanta din sila ng mga nilalait nilang mga singers devah?

    Comment by klet makulet | 2010/12/24 | Reply

    • Korek! I’m really sure alam din nila yung this is the moment at yung Bakit Pa ni Jessa Zaragosa! LOL.

      Comment by iprovoked | 2010/12/24 | Reply

  7. It’s the season to be chubby la la la la la. la la la la.

    Happy Holidays! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck !🙂

    Merry Christmas and Happy New Year!

    Comment by Supladong Office Boy | 2010/12/24 | Reply

    • Maraming salamat Sir! Isang mapagpalang Pasko din sa iyo at maligayang Bagong taon! Salamat sa pagdalaw dito sa aking page. Luv you! hehe :]

      Comment by iprovoked | 2010/12/24 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: