BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Samahan ng Malalamig ang Pasko – No more.


Mabuti na lang at naihabol ko na hindi maging masyadong malamig ang aking Pasko. Biruin mo, sa loob ng halos buong buhay ko, ngayon lang ulit ako nag-Pasko na may kaharutan katuwang. Pero ngayon, ayun naging masayang-masaya at mainit na mainit ang aking Pasko. Sana kayo rin.

Hindi lang naman dahil sa may bebe  na ako kaya naging mainit ang Pasko ko this year. Isa pa sa lalong nagpainit nito ay ang mga taong nakapaligid na rin sa akin; friends, family at ang mga nagbabalik loob sa aking “kulto of circle of friends”. Napakadami kong regalong natanggap na hindi ko naman talaga inaasahan. Noon kasi, hindi talaga ako nagse-celebrate ng Pasko. I’m not a Christmas person, dumaraan lang itong parang isang ordinaryong araw sa akin. Walang simba-simba, walang rega-regalo, walang kahit anong something about Christmas. Hindi nga ako uma-attend ng mga Christmas Party kapag hindi naman importante ang mga taong kasama ko.

Pero ngayon, engrande ang Pasko ko!

Naramdaman ko talaga ang diwa ng Pasko bukod sa regalo, parties, pera at kris kringle. Naramdaman kong maraming nagmamahal sa akin bukod sa napakarami ring naiirita sa akin. Naramdaman ko na marami pa ring mga taong nice sa mundo at may mga taong sa paglipas ng panahon ay maaalala ka pa rin. Ang daming bumisita sa aking mga kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita at inakala kong makikita ko na lang muli kapag malapit na akong mamatay o kapag nakaburol na ako. hahaha. Nakakatuwa sila. Parang walang nagbago. Memories.

Ngayong Pasko akalain mong nag-abala akong bumili ng mga pang-regalo na dati-rati ay kinamumuhian kong gawin. At akalain mo ring nagawa kong mag-effort na magbalot ng mga regalo na dati-rati ay isinusumpa kong gawin. I’m a changed man! Char! Bukod pa yan sa pag-iisip ng mga regalong babagay para sa taong pagbibigyan ko na sobrang ayaw na ayaw kong ginagawa talaga as in super ayaw na ayaw na ayaw to the max to the nth level! Pero ginawa ko and I’m happy. Nakakatuwa pala.

Sana laging ganito ang Pasko ko at nating lahat. Masaya at ramdam ang diwa ng pagbibigayan at pag-aalaala kay Papa Jesus noong isinilang siya dito sa lupa para iligtas tayo sa kasalanan, wow biblical?! Char! Nakakatuwang isipin na ang mga bagay na dati’y normal lang sa akin ay natutunan kong yakapin ng buong puso at namnamin ng may pagmamahal at pagmamalasakit sa aking kapwa. I’m really a changed man! Ako na! (But not to mention I bought 8 freakin pairs of shoes for myself, hahaha, I really love Christmas!)

Sa inyong lahat, sama-sama nating salubungin ang Bagong Taon at nawa’y kahit hindi pasko ay magbigayan tayo! Mahal ko kayong lahat! MMmmmwaaaahh!!!😛

2010/12/28 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

9 Comments »

  1. Di lang bebe ang nagpapainit ng pasko natin. good to know masaya ang pasko mo.

    happy new year!!!

    Comment by gillboard | 2010/12/28 | Reply

    • Happy New Year Glentot!!!😛

      Comment by iprovoked | 2011/01/03 | Reply

      • at Gilbert pala – hehehe. Happy New year Gilbert!😛

        Comment by iprovoked | 2011/01/03 | Reply

  2. ayun o ayus pala pasko natin… hahah lets party2 na talaga sa new year… wotwot

    Comment by kikomaxxx | 2010/12/28 | Reply

    • How was your new year Kiko?!!! I hope you had a great one!😛

      Comment by iprovoked | 2011/01/03 | Reply

  3. nice to know you had a great Christmas too!

    Comment by Glentot | 2010/12/28 | Reply

    • Thanks Glentot – happy new year!!!😛

      Comment by iprovoked | 2011/01/03 | Reply

  4. Somehow masasabi kong okay ang pasko ko kahit na di kami nakalabas ng family ko. Lukewarm ang pasko ko hehehehe

    Comment by klet makulet | 2010/12/29 | Reply

    • Nice to know Klet! Bakit hindi na ako makapag-comment sa blog mo? huhu. Happy New year!😛

      Comment by iprovoked | 2011/01/03 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: