BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

My Mt. Pulag Adventure…


I just had the greatest “survivor” experience of my life. Three days in the wilderness, baby! You won’t believe what I had to go through.

 

Soon… 😀

2011/01/31 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 3 Comments

Alam Ko Na Kung Bakit Hindi Ako Naging Si Superman.


Tuwing tinatamad akong kumilos para mag-trabaho, o kaya’y para mag-aral, o kaya’y gawin ang kahit ano pa mang bagay na kinatatamaran kong gawin, palagi kong iniisip na sana ako na lang si Superman. Mabilis kumilos, madaling makapunta kahit saan niya gustuhin sa isang kisap-mata lang. Walang imposibleng bagay para sa kanya.

Palagi kong iniisip na sana lumaki na lang ako katulad ni Clark Kent. Bata palang may super power na. Ang sarap siguro ng pakiramdam na kapag may ginusto kang isang bagay, nakukuha mo ito kaagad. Ang sarap sigurong kapag may natitipuhan kang babae, isang tingin lang ala superman, huli mo na agad ang puso ng iyong minamahal. Hehehe. Mga pangarap kong walang katuturan. Pero kahit ganun, alam kong kahit sino, nagnanais ng ganoong buhay, yung tipo bang sa isang kindat, isang kibot, isang ngiti, sa isang iglap, nasa kamay mo na ang lahat ng gusto mong mapa-sa iyo. Astig diba?

Minsan nga nangangarap akong sana isa na lang akong nilalang mula sa planetang Krypton. Sana naging kapalaran ko na lang ang ipadala sa mundo ng mga magulang ko para iligtas ito sa lahat ng kasamaan. Sana isang araw, madiskubre ko din ang kapangyarihang katutubo sa isang kryptonian na tulad ko. Masarap din sigurong lumipad. Ang lumibot sa buong mundo ng walang iniisip na pamasahe, bagahe, pagkain, hotel and accommodation, pati tour guide di mo na iisipin. Babalik ka na lang kung kailan mo gustuhin. Galing no? hehehe.

Nakuha ko lang ang lahat ng ito sa panonood ko ng Smallville, starring Tom Welling as Clark Kent. Wala eh, the best talaga ang TV series na yun. Umaga pa lang sabog na ang DVD player ko dahil maghapon kong panonoorin at kung minsan ay uulit-ulitin ang mga episodes nito. Pagkatapos kong manood, pakiramdam ko kayang-kaya ko nang gawin ang lahat ng ginagawa ni Clark. Ang iligtas ang mga tao sa mga meteor freak na walang alam gawin kundi ang maghasik ng kasamaan; ang tumakbo ng sampung milyong kilometro bawat segundo para puntahan si Lana Lang o Lois Lane kapag kailangan nila ng tulong, o kahit sino pa mang inaabuso ng masasama; ang magpa-cute sa mga chicks na patay na patay sa akin; ang matulog sa himpapawid kapag walang magawa.

Minsan nga kapag nakakakita ako ng mga ilaw na kulay green, o mga bagay na berde ang kulay tulad ng ding-ding, halaman, batong may lumot, pakiramdam ko nanglalambot ako ng husto, pakiramdam ko mga kryptonite ito na papatay sa akin. Ang superhero man ay may kahinaan din. *tawa…

Yan ang epekto sa akin ng panonood ko ng Smallville at iba pang mga action series tulad ng Kyle XY, Justice League, Heroes, Spiderman, at marami pang iba. Masarap din kasing minsan, lumayo sa tunay na daigdig at mangarap na sana isa ka na lang super hero. Marami kang matutulungan, marami kang magagawa na lampas lampasan sa kakayahan ng isang ordinaryong tao. Higit pa dito, maraming pagkakataon na mas magugustuhan ka ng tao dahil sa kabutihang pinamamalas mo kumpara sa pagiging isang ordinaryong nilalang. Diba yun naman talaga ang gusto nating lahat? Ang makatulong, ang matanggap ng lahat ng tao at magawa ang kahit na pinakamabigat ng bagay sa buong mundo. Astig talaga yun diba?

Isa sa mga pinaka-paborito kong episode ng Smallville na tumatak talaga sa akin ay yung pagkamatay ng tatay ni Clark. (di ko na maalala yung title ng episode basta yun na yun.) Anyway, ang nangyari, si Clark Kent, ipinagtapat na niya Kay Lana Lang (ang girlfriend niya for so many years bago nya ma-meet si Lois Lane) ang tunay niyang pagkatao, mula sa pagkakarooon niya ng fantastic na kapangyarihan, hanggang sa pagiging katutubo niya sa Planetang Krypton. Matagal na talaga niyang gusto sabihin yun kay Lana pero pinangunahan siya ng takot na baka hindi siya matanggap nito, pero kabaligtaran ang nangyari, natanggap lahat iyon ni Lana at nagpasya silang magpakasal pagkatapos. Pero ang nangyari, si Lana ay masyadong naging psychologically affected sa responsibilidad niyang itago ang malaking sikreto ng kanyang mahal kaya sa isang di inaasahang pagkakataon, naaksidente ito habang nagmamaneho. Sumabog ang sinasakyan nitong kotse.

Di ko malilimutan ang pag-iyak ni Clark nung episode na yun, apektadong-apektado ako. At oo, aaminin ko, umiyak ako. *tawa.

Sa pagkadesperado ni Clark, hiniling niya na sana mapihit niya pabalik ang oras para baguhin ang lahat-lahat. Mahirap ipaliwanag sa simpleng pagsulat kung bakit nangyaring bumalik ang panahon at nagawa niyang baguhin ang lahat-lahat ng pangyayari. Binigyan siya ng isang pagkakataon para ulitin ang nakaraan. Isang pagkakataon lang. Alam na niya sa bahaging iyon na ang katotohanang hinihiling ni Lana mula sa kanya, buhay ang magiging kapalit. Nabuhay ulit si Lana sa kwento, pero dahil nga sa hindi maaring ipagtapat ni Clark ang lahat, nagpasya itong makipaghiwalay na lang kahit gaano man kasakit.

Ang twist ng istorya, sa katapusan, isang buhay muli ang nawala at iyon ay ang buhay ng kanyang tatay. Inatake ito sa puso dahilan narin sa pagprotekta nito sa sikreto ng kanilang pamilya.

Syempre dahil sa isang pagkakataon lang ang binigay kay Clark, hindi na niya naibalik ulit ang nakaraan. Isa iyong malaking desisyon sa buhay ni Clark para pumili kung sino ba sa mga taong mahal niya ang pinaka-importante.

Isang bagay lang din ang tumatak sa utak ko, bawat gawin natin sa mundong ito ay may kalakip na responsibilidad. Bawat desisyong gagawin natin ay may kapalit na suliranin at ang mahirap dun, wala na tayong pagkakataong maibalik pa ang mga lumipas na. Wala nang pagkakataong baguhin ang nakaraan. Kapag nangyari na, tapos na. Ang magagawa nalang natin ay ang magpatuloy at salubungin ang mga darating pang bukas. *sabay drama oh!

Pero wala nang makakapagpabago pa sa pangarap kong maging superhero ala Superman. Pangarap lang naman yun eh, tatayugan ko na! Wala namang masama.

Saka alam ko na din kung bakit di ako pinili ng Diyos na maging si Superman. Alam Niya na kapag nangyari yun, di ko masyadong gagamitin yun para sa kapakanan ng lahat. Alam ko din sa sarili ko na totoo yun. Sa panahon ngayon, mas uunahin ko syempre ang sarili ko, pamilya ko, mga kaibigan ko, bago ang ibang tao. Di ako karapat-dapat sa ganoong kalaking responsibilidad. Si Clark Kent o Superman at yung mga iba pang superhero ay mga espesyal na tao. Tao sila, pero sila yung tipong malakas pa sa sinag ng araw ang paninindigan at determinasyon. Matapang pa sa hukbong sandatahan ng kahit anong bansa at higit sa lahat, bayani silang nabubuhay sa matatag na prinsipyo at integridad. At wala nang taong ganun sa mundo kaya wala ni isa man sa atin ang pwedeng maging superhero.

Kaya nga hanggang ngayon naniniwala akong hanggang TV series na lang at cartoons mananatiling buhay ang mga superheroes. Hindi sila magkakatotoo kahit kailan sa persona ng isang ordinaryong tao. Malabong mangyari yun. Salamat na lang sa mga lumikha sa kanila, kahit papano, naiisip kong tumulong sa nangangailangan at kinakawawa kahit sa pinaka-simpleng paraang kaya ko. TIngin ko mas astig yun sa lahat!

2011/01/27 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 5 Comments

My Most Awaited Break in the Showbiz Industry.


Eto na ang aking pinakahihintay na break sa showbiz industry. Matapos ang pag-akyat ng ilang matatarik na bundok para pagpraktisan at matapos ang seryosong diet at paglalaro sa gym ng ilang linggo, sa wakas, this is my moment, the sweetest moment, the greatest moment of them all – Mt. Pulag here I come!

Let me just give emphasis first on the “gym” part. Kasi sobrang proud ako dahil sa loob ng two freakin weeks, I already lost 5 pounds and I want to commend myself dahil para sa katulad kong perstaym mag gym ng seryoso, this is already an accomplishment. Wala na ang ikalawang “chin” ko, gumaan ang pakiramdam ko at syempre pa, what’s the best feeling in the whole wide world? It’s when you can wear your favorite shirt again after a long, long time because you lost weight! Awesomenessmently! And so – ngayon, ang pinapanalangin ko na lang eh ma-maintain ko ang kahibangang ito and in the long run, sana kahit matapos na ang pag-akyat ko sa Mt. Pulag eh tuloy-tuloy pa rin ako. Now this one really takes courage and perseverance and of curse, discipline. No more pigging out, promise! 😀

Going back to Mt. Pulagor sometimes Mount Pulog, ito ang the third highest mountain in the Philippines. Ang pinakamataas sa buong Luzon at 2,922 meters above sea level. So kung hindi ko man maakyat muna ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas, oki lang, atleast nakapag-Pulag ako. Isa itong major climb kaya naman kailangan paghandaan ko ito. Malamig, malamig na malamig daw sa bundok na ito sa ganitong mga buwan kaya naman para maiwasan ang hypothermia, kailangan handa rin ang iyong mga “gears” panlaban sa ginaw na maaaring umabot sa 0 degree to -3 degrees. And I’m all set.

Ayon sa mga blog na nabasa ko, hindi naman daw masyadong mahirap akyatin ang bundok na ito dahil established na ang mga trail paakyat dito. Yung Ambangeg Trail sa Baguio ang pinakamadali sa lahat. Tinawag nga nila itong “Executive Trail” dahil kahit daw magsuot ka dun ng “Amerikana”, hindi magugusot ang damit mo hanggang makarating ka sa summit. Ganun.

Kaso ang problema ko, this is an Induction Climb para sa aking pinakamamahal na Thomson Reuters Extreme Adventure Team sa aking pinakamamahal na opisina – Thomson Reuters. And with that being said, instead of taking the “Ambangeg” trail – which is the easiest, we will then take the “Ambaguio” trail, apparently, the hardest of them all. Bukod sa Nueva Viscaya kami magsisimula imbes na sa Baguio, eh ang trail na ito ay dangerous, so wish me luck mga parekoi. This is it, this is really, really, is it, is it!

Hindi ko alam kung papaano nagsimula ang pagmamahal ko sa bundok. Isang beses ko lang sinubukan noong College ako at pagkatapos nun, sunod-sunod na at hindi ko na mahinto. Masarap kasi ang nature tripping eh. Pag nasa tuktok ka ng bundok, you’re the king of the word! Ang lapit lapit mo sa ulap, sa langit. Kita mo ang skyline, kita mo ang mga tao sa baba parang mga langgam. You’re on top of everyone. Ganun. Kaya naman ito ang napili kong sports bukod sa chess ( na sobrang nakakapagod) at sa basketball. I would definitely prefer to climb a mountain than to play basketball. Definitely.

Oh siya, wish me luck, pray for me para pagbaba ko eh ma-share ko yung mga pics ko sa Mt. Pulag. Aja! 😀

2011/01/27 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 1 Comment

Isang Bukas Na Liham Ni Mang Isidro Para Kay Aling Minerva.


isa akong panahon,
sa bawat pagpatak ng sandali
maaari akong magbago.
ng kulay,
ng hulma,
ng itsura,
ng direksyon.

maaring magalit ka sa akin
hindi ko naman iyon iintindihin
mananatili ako sa pagbabago
sa gusto mo,
o sa ayaw mo…
kahit pigilin, hindi mo makakaya
sapagkat ang wangis ko’y panahon..
kikilos,
lalakad,
tatakbo,
magbabago…
tulad mo..

Isa akong ala-ala
sa paglipas lang ng panahon,
saka ako mabubuo sa iyong gunita..
kapagdaka’y di mo ako madaling malilimutan.
kakaway,
kakaway,
at kakaway ako sa iyong balintataw
hanggang mabuwang ka,
kakaisip,
kakaikot,
hanggang sa bandang huli
magpasya kang kalimutan ako.
ngunit mahirap…

maaari kang magtampo sa akin,
ngunit hindi ko naman iyon papansinin
mananatili akong tagabagabag
sa ayaw mo,
o sa gusto mo.
sapagkat ang katulad ko’y isang ala-ala
mananatili,
magtatagal,
pupulupot sa iyong pagkatao.
tulad ng sa aki’y ginagawa mo…

sa huli,
sa magkahalintulad na pagkakataon,
sabay tayong lulusong
maaaring papaimbabaw
maaaring pailalim.
anu’t anuman, mananatili ang dati..
mananatili ang ating nakaraan…

noon, mahal mo ako
noon, mahal din kita..

ngunit ngayon nagbago na tulad ng panahon..
ngunit ngayon lumipas na tulad ng mga ala-ala…

2011/01/25 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 2 Comments

Of Pride and Humility.


Maybe you should dream what you want to dream; go where you want to go, be what you want to be, because you have only one life and one chance to do all the things you dream of, and want to do.

“Life is only traveled ONCE; Today’s MOMENT becomes Tomorrow’s MEMORY. Enjoy every moment, good or bad, because the GIFT of LIFE is LIFE itself.

 

____________________________

 

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngayon. Hindi ko alam kung papaano ko gagawing kaiga-igaya muli ang aking mga ginagawa sa buhay. Pakiramdam ko kasi sobrang gulo ng buhay ko nitong mga nakaraang araw and the worst already came to worst and I am no longer performing that well. I am demotivated and I think I need to do something to change it, otherwise, I’m sure as hell, I’d be in misery shall another worst comes to worst. Nakakalungkot lang that it had to end this way pero ang iniisip ko na lang, the Good Lord is now working on His plans for me. I’m sure it’s for my own sake, I just need to have faith and believe that tomorrow, there shall be a better opportunity for me.

To all the friends I’ve made, maraming salamat. Hindi ito isang pamamaalam, alam mo yan. It’s just a new beginning and chapter in my life and I have to leave to start anew. Nakapag-desisyon na ako at matagal ko itong pinag-isipang mabuti. The good Lord has spoken and I heard Him said I need to do this if I want to make a change. I just need you to trust me on this. I need your prayers too.

 

____________________________

 

I’m not going anywhere far. I just feel the need to jot this down. I’m no longer happy with how my career is going. I’ve tried to make it work for me. I’ve changed a lot. I’m doing my work as efficient as possible. I am, as always, punctual. I’ve worked so hard to be the best that I can be. They said I just need a little more push but that push lead me to a cliff that now I have to end this and find another opportunity that would appreciate, if not acknowledge, my talent.

I’ve learned from my mistakes and have been trying to correct it, but all I get is a day-to-day reminder that I’ve made a mistake and I cannot, ever, recover from that slip-up. I always ask myself, why can’t we just move on from that blemish and just appreciate that I’m working so hard to be a better person, now more than ever. You know, this is too much for me to handle and I can no longer breathe.

By all means, you can call me a loser, because I’m giving up – yes, that’s what you call a person when he refuses to fight, right? But the principle that I follow is that, I have to choose my battle – and this battle seems to be a little awkward to take. First of all, I have so much respect for the person involved and I don’t want to lose that only thing I have left for her. I already came to a point where being a loser doesn’t matter to me, at all. Well, at least I am not disrespectful. And that principle only shows how much pride I still have for myself. And this pride I use to start again.

I’ve never been this self-effacing, but I guess this is a sign of maturity. I’m taking this as a challenge and another milestone of the life I’ve learned to love. So I’m saying sorry for what I’ve done wrong and I’m moving on. So help me God. 😀

 

 

 

 

 

 

2011/01/24 Posted by | Sari-saring Katangahan. | Leave a comment

%d bloggers like this: