BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Alam Ko Na Kung Bakit Hindi Ako Naging Artista.


Nagkaroon muli ako ng pagkakataon na makapanood ng ASAP live sa studio noong January 2 2011. Sa totoo lang si Nikki Gil talaga ang gusto kong makita doon kaso nagbakasyon daw sila ni Billy kaya wala siya noong araw na iyon. Mabuti na lang at nandoon si Sitti my love kaya napawi ang aking pangungulila. Mahal ko si Sitti at dahil sa kanyang musika ay nagkakatulog ako ng mahimbing. Haha

Ang sarap sigurong maging artista noh? Biruin mo, bukod sa sikat ka at maraming tao ang humahanga sa iyo, naroon at makikita mo ang sarili mo hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa mga naglalakihang mga billboards sa EDSA at kung saan-saang sulok pa ng daigdig kasama na ang mga pahayagan at magazines. But what does it really take to be a star? Syempre bukod sa itsura at talento ay ang karisma sa mga manonood.

Ewan ko ba kung bakit wala pang nakaka-discover sa akin eh ang gwapo ko naman at napaka-talentado. Char!

Pero nandoon ako kasama ang mga fans na katulad ko. Nakapila sa audience entrance at maya’t-mayang napapalingon kapag may napapadaang artista. Sa totoo lang wala naman ako pakialam. Ni hindi ko nga napapansin ang mga nakakasalubong ko kung hindi ko pa naririnig ang mga kasama ko na nagsisigawan na tila manghang-mangha sa isang taong nagdaraan. Para sa akin, katulad ko rin silang mga tao na nagta-trabaho at gustong magbahagi sa mundo ng kanilang talento. Yun nga lang, kilala sila ng lahat. Bawat galaw nila ay ginagawang isang malaking isyu.

“Uy si Kris Aquino oh, naglalakad!!!”

“Uy si Juris yun ahh, yung sa MYMP, naglalakad mag-isa, bakit walang alalay? Siguro mababa ang talent fee kaya hindi makapag-hire ng PA”

“Uy si Boy Abunda oh, pumasok sa dressing room”

Ganun. Konting kibot, konting galaw, konting ngiti, simangot at hakbang, ayun at kinabukasan ay pag-uusapan na. Ganun ang buhay nila. Masaya siguro sa simula dahil napapansin ka. Kilala ka. Hinahangaan at ginagawa kang modelo. Pero sa isang banda, masaya ba talagang maging isang sikat na artista? Tanungin natin sila kapag nakita natin sila minsan.

Ganito kasi yun.

Syempre bago magsimula ang show ng ASAP may briefing muna.

“Oh kayo mga audience, make sure papalakpak kayo kapag on air na tayo ha? Maki-cooperate po tayo para maging masaya ang show.”

Syempre ayus yun masaya talaga. Tuwing mag-o-on air ang show ayun at bigla na lang nag-iiba ang mood ng mga tao kahit na ano pa ginagawa nila, bigla silang napapapalakpak. Naisip ko ayoko pumapakpak, tinatamad ako kaya hindi ako nakiki-join sa palakpak. Gusto ko lang manood ng show. Maliban na lang kapag gusto ko yung artist na nagpe-perform, napapasigaw pa ako ng Go!!!

Anyway, may isang artista doon na pinagmamasdan ko talagang mabuti. Bukod sa napakaganda nya at sexy ay talaga namang may talent itong babaeng ito. Pero napansin ko lang, napakatahimik nya kapag off the air pa ang show. As in tahimik, nakasimangot at hindi namamansin kung hindi pa kakausapin. Alam mo yung tipo ng aura na “masungit, plastic at mapag-panggap” effect? Ganun siya. Tapos kapag eto na – 3-2-1-…

“Welcome back to ASAP Rocks!!!, live na live po tayo ngayon mga kapamilya, blah, blah, blah” ayun at biglang may transition ng attitude from being the simangot queen to a bubly, wonderful, happy star. Pinagmamasdan ko talaga sya at tinititigang mabuti. Nandoon at ako nakatingin sa kanya katulad ng lahat ng mga fans na nandoon. Hindi ako makapaniwala na pinanood ko ang babaeng ito sa sinehan. Nagbayad at natuwa naman sa movie. Ayun, nandun siya at nasa harap ko – live.

Actually, wala naman ako issue dun. It’s all fine if that’s how she really is. Sobrang na-amaze lang ako sa kung papaano nya nagagawa yung ganoong shifting ng emotions. I find it really awesome. I guess it’s an art. Para bang out of nowhere, bigla kang magiging bubly kahit na for example, masama pakiramdam mo, o dikaya di mo lang talaga feel na tumawa o ngumiti. Just awesome.

Ako kasi medyo hirap sa ganyan eh. Kung galit, galit lang, kung masaya, masaya lang. Hindi ko kayang i-fake ang nararamdaman ko kahit pa sabihing for the sake of art lang. I struggle. Kaya kapag may mga stage plays noon, I need to condition myself talaga dahil kung hindi, mahihirapan akong i-justify ang character. Ako na artista! Ako na! Char!

Well, Itago na lang natin siya sa pangalang – Amnesia Girl.

Sana naging masaya ang pagsalubong nyo sa taong 2011. Although napakasaya ko naman, may ilang mga pagkakataong may nasagap akong mga balitang hindi kaaya-aya. Katulad na lamang ng pagkamatay ng tatay ng bestfriend ko na professor ko din dati. Anyway, next blog na yun.

Ngayon, alam ko na kung bakit hindi ako naging artista kahit gwapo ako, talentado, mestizo, hearthrob at may killer smile. Alam ko na kung bakit. Hayaan nyo na – pagbigyan na ako. Sabi nga nila think positive – ayan postive lahat yan. Oh sya, till next time.

Happy New Year!😛

 

2011/01/03 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

10 Comments »

  1. hahaha oo nga daw ganyan daw attitude ni toni sabi nung kaibigan ko nung pumunta sila ng the buzz… buti pa daw si KC namamansin.. hahaha

    Comment by kikomaxxx | 2011/01/03 | Reply

    • Di ko naman sinabing si Toni yun ahh! hahahaha..😛

      Comment by iprovoked | 2011/01/03 | Reply

  2. ako kaya di nag artista kasi ayoko ng intriga..mmaya jan matsismis ding beki ako bwahahhaha choz!

    Comment by soltero | 2011/01/03 | Reply

    • hahaha – lahat naman yata ng artistang lalaki hindi pwedeng hindi matsismis na bading. kaya ok lang yan, mag-artista ka na! hahaa

      Comment by iprovoked | 2011/01/05 | Reply

  3. natawa naman ako sa line na to..

    “Ngayon, alam ko na kung bakit hindi ako naging artista kahit gwapo ako, talentado, mestizo, hearthrob at may killer smile. Alam ko na kung bakit. Hayaan nyo na – pagbigyan na ako. Sabi nga nila think positive – ayan postive lahat yan.”

    Comment by renz | 2011/01/04 | Reply

    • hahaha – totoo naman yan maniwala ka na. LOL

      Comment by iprovoked | 2011/01/05 | Reply

  4. Hahaha! Tuwa naman ako sa post na to. Akala ko nung kung sino sya… sya pala.😄 Pero I won’t judge her naman since di ako nandun and wala sya ginawa sa kin bad. ^^

    I hope I can watch ASAP din ng live.🙂 Happy new year sayo and sorry din sa bestfriend mo for what happened.😦

    Comment by rich | 2011/01/04 | Reply

    • korek, I have no issues whatsover kung anuman sya. Medyo nag-focus lang ako sa galing ng transitions ng emotions nya.. haha. Ako na!

      Comment by iprovoked | 2011/01/05 | Reply

  5. Happy New Year Idol! Pag naging artista at sumikat ka, sana magblog ka pa rin para me mabasa kami about living the life under the limelight hehhe! Ang mga artista kasi ay sadyang kelangang magentertain kayat napakaprofessional para sa akin si Amnesia Girl covering a bubly face sa kabila ng kalungkutan at katahimikan nya habang off air. Anyways makapag audition n nga rin ako… hehhhhe! Hu knows! heheheh!

    Comment by Dorm Boy | 2011/01/05 | Reply

    • Happy New Year too idol! Maraming salamat sa pagdalaw dito. Wag ka mag-alala kapag naging artista na ako, bibili na ako ng sarili kong domain! hahaha… Goodluck sa audition, sana maging sikat na artista ka rin ng iyong henerasyon!😛

      Comment by iprovoked | 2011/01/05 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: