BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Ang Makatang Hindi Makasulat Ng Tula Dahil Sa Bitterness.


tulad ng pluma na nais kong ihagis

dahil hindi ko mahanap

ang tamang kataga para sa aking tula

nais kong tusukin ang iyong mga mata

 

upang hindi mo na makita

ang huwad na ligaya sa piling ko

upang di mo na masilayan

ang kasinungalingan ng aking puso

 

tulad ng papel na nais kong kuyumusin

dahil hindi maapuhap

ang tamang saknong para sa aking sanaysay

nais kong sampalin ang iyong mukha

 

upang magliwanag sa iyong pag-iisip

na ako’y hindi mo na kailangan

at gayundin naman, hindi kita kailangan

mananatili ka lang nasasaktan

 

tulad ng balintataw kong makitid

na hindi maka-inog

ng bagong prosa, sablay ang bawat bersikulo

nais kitang ibalibag

 

upang lumaya ka mula sa tanikala

ng iyong katangahan, kabaliwan

at makita mong dapat mo ring kaawaan

ang iyong pagkatao…

 

tulad ng isang makata

nagmumukmok, naghahanap ng diwa

nagagalit ako, sobra-sobra

naghihimutok, sagad sa kalawakan

 

dahil tulad kong hindi makapagsulat

tulad kong hindi makabuo ng talata

ikaw naman, hindi makalusong

hindi makasulong…

2011/01/05 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: