BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Random Bienthoughts


 

Sa punto ng pagiging ipokrito at sarcastic, siguro mas malamang, ako ay isang sarcastic na tao. Lalong lalo na kapag may nakakasalamuha akong mga ipokrito. Hinding-hindi mo talaga mapagsasama ang mga hypocrites at sarcastic. Otherwise, hell will rise! At totoo yan. Totoo yan lalong-lalo na sa ugali ko. Masasabi kong dominante ako masyado sa mga pagkakataong sa tingin ko ay may mga taong mahilig mang-argabyado ng kapwa nila. Hindi ako mahilig mang-away pero kung sasadyain ng pagkakataon, hinding-hindi ako aatras. Kahit na matalo basta lumaban ako, yun ang mahalaga sa akin.

Kanina habang kumakain ako sa Mcdo, umorder ako ng Fries, Chicken at Spaghetti. Naubos ko sya sa loob lang ng limang minuto. Wala kasi akong kasabay kumain ngayon. I wanted to be alone – so they left me alone. Alam na nila yun kapag for whatever reasons eh gusto ko mapag-isa, di na sila magtatanong pa dahil maiirita lang ako or masasagot ko lang sila ng pabalang. Ganun lang ako kapag “not-in-the-mood-for-anything” ang mode ko for the day. Alam naman nila lilipas din ito agad. Kaya ayun, baboy mode din ako at nalamon ko yung food ko in 5 minutes, or even less.

Anyway, sadyang malikot ang mata ko at kung saan-saan ito napapabaling. Mahilig ako magmasid ng kung-anu-ano. Kahit nga yung lalaking nakatingin sa kinakain ko eh napansin ko rin. Siguro nagtataka siya kung bakit ko nilalagyan ng ketchup at asin yung ispageti ko. So tiningnan at tinitigan ko rin siya. Nagbalik lang ako sa ulirat nung kinindatan nya ako – puta mukhang bading pa ata si kuya. Nabaling ang atensyon ko sa kumpulan naman ng mga babae sa katapat kong lamesa. Nagtatawanan at nagkakasarapan ng kwentuhan. Ganun din yung kumpulan ng isang grupo ng mga kabataan sa likod ko naman. Maingay, naghaharutan na para bang wala nang bukas.

Maraming pumasok sa isip ko habang tinitignan ko ang mukha nilang lahat isa-isa. Lahat sila… actually lahat tayo… mabuting tao. Lahat tayo gustong mapansin. Lahat tayo gustong maging gwapo o maganda. Lahat tayo gustong maging kaaya-aya sa paningin ng iba. Lahat tayo gustong manalo. Lahat tayo ay may mataas na pride. Lahat tayo ay gustong pinag-uusapan at maging sentro ng talakayan at lahat tayo ay ide-deny ang mga ito. Kaya sa bandang huli – tayo-tayo rin ang mga magkaka-kumpetensya. Lahat tayo ay lumalaban sa isang mahabang paglalakbay sa buhay. Manghihila pababa kung may pagkakataon at pipiliting marating ang rurok ng tagumpay sa kahit na anong paraang alam natin depende sa ating mga pinaniniwalaan at sinusunod na prinsipyo.

At dahil sa mga iniisip kong iyan, naubos ko agad ang kinakain ko. Parang isang iglap lang yang mga yan dumaan sa aking sentido at booooom, wapaaaaak, splaaash, kablaaang, wooooshhhh – ubos na food ko.

Sa makatuwid, mas nakakapag-isip ako ng malalim at maayos kapag mag-isa lang ako. Lahat naman tayo siguro ganun. We need some time to be alone. Naalala ko noon – noong medyo bata pa ako at maraming oras para gumala – sasakay ako ng bus papuntang kung saan at maglalakbay ako sa malayong lugar ng isa or dalawang araw. At dahil sa trip kong iyan na wala namang ka-plano-plano, kung saan-saan na ako nakarating. Nakapunta na ako ng Baguio, Laoag, Cagayan Valley, Dagupan, Ifugao, Kalinga, Isabela at Legaspi. Day trip at umuuwi din ako kaagad. Minsan hinahayaan kong maligaw lang ako kung saan, saka ko hahanapin ang daan pauwi. Ganoon ako kaadik. Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan ko kung bakit ko ginawa yan pero noon, gusto ko ng maraming escapades talaga. Mas malaya kasi ako nakakapag-isip, mas malawak, mas malalim. Sana magawa ko ulit yan soon. Habang bata pa at habang may pagkakataon pang mag-travel. At sana rin mahanapan ko ng oras yan. Plaaaak!

So ayun, sad pa rin ako dahil nga noong Sunday lang eh namatay yung tatay ng bestfriend ko na dati ko ring professor noong college. Habang nasa kalagitnaan ako ng panonood ng ASAP Rocks – live sa studio ng ABS-CBN, nakatanggap ako ng text mula sa kapatid ko na comatose na daw si Sir. So ayun naman ako at nagmadaling makaalis ng studio para pumunta sa ospital. Pagdating ko ay nakita ko agad yung bestfriend ko, syempre malungkot at umiiyak. Marami na ring tao sa ospital na nakikibalita ng kalagayan ni Sir. Nilapitan ko si Bestfriend para kumustahin. Sa tingin pa lang nya sa akin, alam ko na kung gaano kasakit ang nararamdaman nya noong mga oras na yun. I can’t find a word to say to ease his burden kaya niyakap ko na lang siya. Tumayo siya at dinala ako sa ICU para makita ko ang kalagayan ni Sir. Unang beses kong makakita ng isang comatose na tao. At masaklap pa non, sa tatay pa ng bestfriend ko. Nakakalungkot ang itsura nya dahil alam mong hindi na kaya ng katawan niya kung pipilitin pa nya. Kaya pagkakita ko kay Sir ay agad ko siyang nilapitan, hinawakan at nagpaalam na rin.

Hindi ko mapigilan ang luha ko nung hinalikan ni Bestfriend ang tatay nya habang nagpapaalam. Hindi ko makayanan ang tagpong iyon kaya pagkatapos kong kausapin si Sir ay agad na akong lumabas ng ICU. Hindi ko siya makakalimutan.

Ilang oras lang ang lumipas ay bumigay na rin ang katawan ni Sir. Wala na siya. Kitang-kita ko, dinig na dinig ko ang bawat hagulhol ni bestfriend at ng kanyang buong pamilya. Nandoon ako habang ang lahat ay nagdadalamhati, habang ang pamilya niya ay unti-unting nauupos sa kalungkutan. Ang tanging nagawa ko lang ay patatagin ang loob ng bawat isa at sabihing kahit papaano ay hindi na maghihirap pa si Sir. Nasa piling na sya ng Panginoon.

Nakita ko kung gaano katatag si Bestfriend at ang kanyang pamilya. Nakita ko kung papaano unti-unti nilang natatanggap ang katotohanang ang lahat ay may katapusan. Sabi nga ni Bestfriend kay Sir: “…Papa, kita-kits na lang sa finish line…”

Tama! Finish line! Dun naman tayo lahat pupunta soon. Once life is launched, like a bullet it must reach its destination which is death. All of us have to face this inevitable, natural phenomenon whether we like it or not. The sooner the truth is accepted, the better we will be able to direct our lives for a good purpose. Tama ba? Tomoh!

Sa totoo lang tingin ko, kaya masakit sa atin kapag may nawala sa ating mahal sa buhay ay dahil sa attachment natin sa kanila dahil sa matagal natin silang nakasama at minahal natin sila. And when we develop attachment, we also must prepare to pay the price of sorrow when separation takes place.

Ganito ko tinitingnan ang buhay at kamatayan: Para silang two ends of the same string. You cannot remove one end while wishing to keep the other. Ang mahalaga, ma-realize mo that we are born to this world to do some service for the weal and happiness of mankind (world peace!). Death is reality and reality bites and it hurts, you know?! But I wish maka-recover kaagad si Bestfriend at ang family nya. God is good – all the time kaya alam ko, He will comfort them in this times of sorrow and pain.

So ayun, yan lahat ng nasa utak ko ngayon habang nandito sa work at walang masyadong ginagawa. Napahaba na yata ang kwento ko. Pasensya ka na, kailangan ko lang talaga ng outlet ngayon. Kailangan ko i-divert ang utak ko sa mga ganitong bagay dahil ayokong mag-dwell sa pagiging negatibo ng iisang tao lang. Haaay buhay!

Hanggang sa muli kaibigan!🙂

2011/01/06 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

3 Comments »

  1. whew, ang haba.🙂
    yeah, you’re absolutely right, it all ends.
    nice read. although.

    Comment by cofiboi | 2011/01/07 | Reply

  2. sarcastic din ang batman… at condolence sa family ng bestfriend mo… tama kahit mabait o masama kang tao.. lahat tayo may finish line…

    Comment by kikomaxxx | 2011/01/07 | Reply

  3. cool

    Comment by jim | 2011/01/11 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: