BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Paru-parong Bukid Na Lilipad-lipad.


Nagsimula ang lahat sa isang tasa ng mainit na Cappuccino. Habang nakaupo siya sa isang malambot na couch na nakapwesto sa may bandang dulo ng isang sikat na café sa loob ng isang sikat na mall sa Maynila. Doon ang palagi niyang pwesto. Kasunod ng kanyang bawat paghigop ng mainit na Cappuccino ay ang paghithit-buga ng usok mula sa paborito niyang sigarilyo at maminsanan niyang paghikab tanda ng pagkainip. Yumuyugyog ang kanyang ulo pataas-pababa kasabay ng pagtugtog ng maingay na musika sa kanyang i-pod. Maya’t-maya nama’y papalitan niya ang pinakikinggan sa pag-aakalang mawawala ang kanyang pagkabagot, ngunit hindi. Nandoon siya, nakaupo, nakasimangot na nagpapalipas ng oras at naghihintay sa wala.

Hindi na mabilang kung ilang ulit na siyang papalit-palit ng pwesto sa kanyang kinauupuan. Una’y naka-de-kwatro ang kaliwang binti, kapag napagod ay ang kanan naman. Ipapaling ang katawan sa kaliwa at kapag nagsawa ay ililipat sa kanan. Gayundin ang kanyang mga mata, hindi mapakali. Bawat aninong makita ay sinusulyapan. Nakikipagtitigan. Paulit-ulit din ang kanyang paglingon sa kanyang likuran. Pinagmamasdan ang mga taong katulad niya’y nag-iisa, nagsisigarilyo at nagpapalipas ng oras. Hindi rin nakakaligtas sa kanyang pagsusuri ang grupo ng mga customer na nagkukumpulan, nagkukuhanan ng litrato gamit ang kanilang mga cellphone at maya’t-maya’y naghahalakhakan.

Halakhakan.

Halakhakan…

Hanggang sa isang iglap, wari’y wala na siyang marinig kundi ang maingay na katahimikan na bumabalot sa kanyang pag-iisa. Nakikita niya ang buka ng bibig (o bunganga para sa kanyang bukabularyo) ng mga taong nagtatawanan, naririnig maging ang tunog ng paghigop ng kape ng mga tao sa kabilang lamesa. Hanggang sa tuluyang wala na siyang marinig, isang walang katapusang katahimikan ang naglalaro sa kanyang utak. Nakatulala siyang hawak ang isang tasa ng mainit na Cappucino habang naglalaro sa kanyang gunita ang lahat ng nangyari sa kanya noong araw na iyon.

Ang araw na iyon na nakapagpabago ng kanyang buhay…

Ang pangalan niya ay Pablo.. Siya si Pablo.

****************

(itutuloy)

2011/01/10 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: