BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Sa Isang Banda, Hindi Naman Pala Masamang Tumawa Mag-isa.



Isang beses habang nakaupo ako sa aking kama, napatawa ako…

may naalala kasi akong isang pangyayari sa buhay ko

na hanggang ngayon, natatawa pa rin ako…

kapag naaalala ko sya, napapahagalpak ako ng malakas na kahit

anong pilit kong pigilan ay talaga namang hindi ko kaya…

 

Naisip ko, para akong tanga, tumatawa mag-isa.

hindi ko naman maikwento sa kahit na kanino

ang pangyayaring iyon dahil, una, ikinahihiya ko siya,

at pangalawa, tingin ko, hindi naman magiging interesado

ang mga makikinig sa kwento ko…

 

Kaya humagalpak na lang ako ng humagalpak hanggang sa mapagod ako.

Hanggang mapaliyad ako sa aking kama at ilang sandali pa’y

makatulog na lang ako…

 

Pag-gising ko kinabukasan, pakiramdam ko, sampung kilo

ang nabawas sa timbang ko, ang sakit ng panga ko,

at tila kay gaan ng aking pakiramdam…

Nakatutuwang isipin na ang simpleng paghagalpak ko’y

magpapagaan ng aking buong araw…

 

Sa isang banda, hindi naman pala masamang tumawa mag-isa…

 

Isang araw, habang lumalangoy ako sa kalawakan

ng facebook, friendster, google at youtube,

May nabasa akong isang sipi mula sa isang nakakaaliw na blogger.

Humagalpak ako sa katatawa habang halos mapautot ako

sa kinauupuan ko, at ewan kung bakit sa isang joke

na dati ko pa naman naririnig, ay bigla akong napatawa…

 

Naisip ko, mababaw na ba ang aking kaligayahan?

Kaalinsunod ba nito’y mababaw na rin ang aking pagkatao?

 

 

Naisip ko, hindi naman siguro…

Sa isang banda, hindi rin naman pala masamang tumawa mag-isa,

kahit para sa mga simpleng bagay lang..

kahit para sa mga walang kwentang bagay lang…

Minsan, mas masarap pa ngang ngumiting mag-isa…

Angkin mo lang ang mundo mo..

tulad ng isang baliw… tulad ng isang taong grasa,

tulad ng isang may sayad..

 

Kung sa pagtawang mag-isa mas maipararating ko sa mundo

na masaya ang buhay kahit na nasasaktan ka…

kung sa paghagalpak na mag-isa ay maipauunawa ko sa daigdig

na maaari kang maging masaya kahit sa mga simpleng bagay lang..

marahil, marahil nga, tatawa na lang akong mag-isa araw-araw…

 

Dahil sa isang banda, hindi naman pala ito masama…

 

2011/01/11 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: