BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Katulad Mo.


Nandito ako sa office and I am keeping myself busy blogging since wala na ako work to do, naghihintay na lang ako na dumating ang trabaho. Natapos ko na kasi siya. Sarap. Kaya eto ako nagmumuni-muni.

Nakatanggap kasi ako ng tawag kanina na nagbigay sa akin ng isang magandang pag-asa. Siguro naman hindi na masama na hingin ko ito kay God dahil gusto ko na rin naman na magpatuloy ang buhay ko sa ibang expertise at sana makuha ko ito. Hindi naman sa nababagot na ako sa trabaho ko. Believe me, I’m enjoying my job right now more than I did before at kung tutuusin eh dapat makuntento na ako dito. But when an opportunity knocks, syempre dapat bigyan natin iyon ng pagkakataon dahil baka ito na ang hinahanap natin noon pa.

I pray to God na sana ibigay nya sa akin ang kanyang mercy para makuha ko ito. I promise to do my best and I hope na ito na ang pagkakataong hinihintay ko just go a notch higher in my career. Please pray for me.

Pasensya na walang bago sa buhay ko ngayon. Nakakatuwa lang dahil may chance pa rin ako kahit papaano to update my blogsite. Lately kasi I notice na wala nang bumibisita dito. Nawalan na rin siguro ng gana na magbasa sa mga katangahan ko. Pero ok lang naman. In that case, siguro pwede ko nang gawin tong live jornal ko. An online diary, perhaps. Bahala na. Ito naman talaga ang unang purpose ko kung bakit ako nag-blog. Not neccesarily to share and be known but to have an outlet sa mga nararamdaman ko. Bigla kasi may nag-comment kaya ayun naaliw ako. Masaya din naman pala when you get to affect someone’s life dahil lang sa istorya mo.

Katulad ng karamihan sa atin, isa akong ordinaryong mamamayan ng mundo. Katulad mo akong walang pumapansin kapag naglalakad sa gitna ng kalye. Katulad mo akong kapag gumawa o nagsalita ng “out-of-this-world” stuff eh pagtatawanan lang din ng mga tao. Katulad mo akong may pangarap, nakikipaglaban, nakikibaka sa buhay. Nag-aaral araw-araw, nagta-trabaho para mabuhay, tumatawa kapag masaya, umiiyak kapag nasasaktan. Ako, isang ordinaryong nilalang na tulad mo, may gustong ibahagi sa mundo.

Yun lang.😀

2011/01/18 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

2 Comments »

  1. go for it..may ganyang tawag din ako last monday pero dahil masaya ako sa work ko indi ako nanghihinayang na pakawalan yun…maybe indi lang eto pa yung right time para sa akin besides family na din yung turing ko sa company ko ngayon

    Comment by buendiaboy | 2011/01/19 | Reply

    • Heres my blog nga pala buendiaboy.wordpress.com

      Comment by buendiaboy | 2011/01/19 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: