BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Muy Bienthoughts’ Favoritos.


Eto na naman ako. Tinatamad mag-update ng aking blogsite. Hiatus eh ang aga-aga, kaka-start ko lang ulit mag-blog hahaha. Ang dami ko kasing pinagkakaabalahan eh. Medyo napasabak ako sa napakarami ring modus operanid ngayong kakasimula palang ng taon kaya eto, kahit Facebook eh bihira ko na rin ma-update. Nakakaawa naman itong blogsite ko kung mapapabayaan ko lang kaya kailangan kong pilitin ang sarili kong mag-update at magpost ng bago. Sayang ang effort sa pagtatayo ulit ng bahay kong ito kung hahayaan kong amagin lang dahil sa katamaran ko. I need to do this. I can do this!

Kaya eto naisip ko since wala na akong maisip na magandang i-post, at saka mas madali itong gawin. Ishe-share ko na lang ang mga paborito kong blogsite na palagi kong binibisita. Ito ang mga blogsite na nagbigay sa akin muli ng dahilan para mas ma-inspire pang mag-blog at piliting buhayin ang natitira ko pang “passion” sa pagsusulat.

Sabi nila, napag-aaralan naman daw ang pagsusulat. Tama yun. Pero sa lagay ko, unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga pinag-aralan ko noon. Unti-unti nang natutuyo ang utak ko sa mga magagandang ideya na pwedeng i-share sa iba. Ganun ata talaga kapag mas may ibang malalaking priorities kang mas dapat unahin bukod sa pagsusulat.

Kaya naman it really helps, big time, na paminsan-minsan eh makabasa ka ng mga blogsites that will move you to step up to your plate and would encourage you to write again. Masarap din kasi makabasa ng mga posts na unang basa mo pa lang sa unang linya ng kanilang blog eh alam mong tatapusin mo itong basahin dahil nakuha na nila ang kiliti mo. Kung minsan nga, title pa lang ginaganahan na akong magbasa. So ganun sila. Ganun ako ka-affected sa mga nababasa ko sa mga paborito kong mga blogsites na ito. Kung minsan nga, I “quote, unquote” them pa sa mga status ko sa Facebook eh. Ganun. I love these guys and gals.

Alam mo yun, kahit hindi ka nila kilala o kahit na hindi mo sila kilala, pakiramdam mo kapag nakita mo na sila sa personal, it’s gonna be a very, very interesting meet-up and a day wouldn’t be enough to catch up with all the stuff you wanna talk about. Basta ganun.

So anyway, I’ve said too much already para sa introduction and so, without further adieu, I present to you, ladies and gentleman (feeling maraming readers mode),Β  my favorite blogsites.

 

1. http://gillboard.blogspot.com/

Uunahin ko na itong si Gillboard dahil matagal ko nang sinusubaybayan ang kanyang blogsite. Simula pa lang noong bata pa ako, as in noong baby pa ako eh ang blogsite nyang ito ang naging bahay aliwan ko kapag gusto kong magbasa ng mga kung anik-anik. Gustong-gusto ko kung papaano niya gawing sobrang interesante ang mga bagay-bagay na tila wala namang kwenta. Yan ang power ng isang blogger na natutunan ko sa pagbabasa sa mga sulatin niya. Kung papaano mo mada-divert ang isang simpleng bagay into a huge, persuading and very interesting topic. Kaya naman tuwing pumapalaot ako sa mundo ng “internet” at blogosperyo ay hindi ko nakakalimutang bisitahin ang kanyang mga posts at kapag may sobrang oras naman ay I read back his posts. Nakita ko how much he’s writing style has improved. Nakita ko kung papaano nya nakuha ang kiliti ng mga mambabasa niya. Nagsimula siya na maypa-English-english pang mga posts, pero nung naging komportable na sya sa pagsusulat, ayun nagtagalog din. At marami ang naaliw, humanga, natuwa sa mga adventures nitong si Gillboard at syempre, hindi ko maitatangging isa ako sa mga iyon, obvious ba? Kaya eto, unang-una ka sir G1BO!

 

2. http://www.wickedmouth.com/

Okay… si kuya Glentot naman ang pangalawa sa pinakabinibisita kong blogsite. Kung mahilig ka sa mga kwentong buhay-buhay na may halong komedya at mga paksyit na katangahan, isama mo na ang mga ka-dramahan na subrang cool, etong blog na ito ang dapat mong bisitahin. Ito yung blogsite na unang basa mo palang alam mong tatapusin mo hanggang sa dulo ang kanyang kwento. Inaabangan ko ang bawat post nya at kung makaligtaan ko man siyang bisitahin, hindi ako titigil na sundan ang mga na-miss kong posts nya. Ganun. Kailan lang ako napadpad sa mundo niya sa blogosperyo pero naaliw kaagad ako. Basta ewan ko, kapag naaaliw ako sa mga sinusulat ng isang tao madali akong magantso. Nahu-hook kaagad ako. Kuya Glentot knows his language really well. Alam niya kung saan kukunin ang bawat kiliti sa bawat eksena ng kanyang mga mambabasa. Kapag tagalog ang post, mararamdaman mo, kapag sa wikang ingles naman, mas mararamdaman mo. Marunong siyang gumamit ng salita at iyon ang pinag-aaralan kong matutunan kaya suki ako ng kanyang blog. All the best, keep it up, Sir Glenn!

 

3. http://daphneosena.livejournal.com/


Si Dapnhe OseΓ±a-Paez ang pangatlo sa pinaka-paborito kong bisitahin na blogsite. Sobrang natutuwa ako sa mga adventures niya. Tuwing bibisita ako sa blogsite niya, there’s always something new to look forward to. Hindi siya nawawalan ng mga bagong adventures kahit na napakasimpleng bagay lang. At syempre, hindi maikakaila na ginagamit din niya ang blogsite nya for her business kaya naman kahit papaano medyo hindi pa rin ako nahuhuli sa mga latest fashion statements dito sa Pinas at maging sa ibang bansa. Nakakarelaks din kasi siyang tignan kasi ang ganda-ganda niya. I’m an avid fan of her. Actually madami silang mga crusheses ko – sila ang mga magkakatipo like Agot Isidro, Angel Aquino, Tweety De Leon at ito ngang si Daphne. Nagkaroon ako ng chance na makita siya in person noong campaign ni Sir G1BO Teodoro and I adored her more hindi lang dahil sa maganda siya kundi dahil sa pareho kami ng sinuportahang kandidato noon. I’m so proud of her! Keep up the good work Ma’am Daphne!

 

4. http://wanderingcommuter.blogspot.com/

Isa si Wandering Commuter sa mga bloggers na kapag binabasa ko ay sobrang nakakarelate talaga ako ng sobra. Bukod sa isa rin akong commuter eh sobrang observant din ako sa mga bagay-bagay na nakakasalamuha ko sa tuwing nagbi-biyahe ako mula Cavite papuntang opisina sa Taguig. Isa sa mga katangian nitong si Wandering Commuter ay ang pagiging isang dramatiko na tulad ko rin, may pagka-emo pero hindi naman masyado. Gusto ko ang style nya ng pagsusulat, nagagalingan ako sa pag-gamit nya ng mga salita para iparating sa mga readers nya kung ano ang nararamdaman niya. Marami siyang mga adventures na naranasan ko na rin at mga adventures na sana ay maranasan ko rin minsan. Mahilig siya sa Barbie – basta hanapin nyo na lang sa mga posts niya kung bakit. Hehe. peace, man! Sobrang naiirita ako sa kanya kapag ang tagal niyang mag-update ng blog niya, Mas nangangati pa akong i-update ang blog niya kesa sa kanya kaya minsan talaga nagco-comment ako sa kanya na mag-post na siya, pleeease?! Ayun after 48.79 years, magpo-post naman ulit siya. And I’m telling you – it’s worth the wait. Keep on wandering, sir! I’m a fan!πŸ˜€

 

5. http://www.taympers.com/

Ito si Mhar Castillo ang may pinaka-isip batang blogger na binabasa ko. Siya ang unang blogger na naging friend ko sa Facebook at madalas na nakaka-kwentuhan sa mga comment box sa FB. Paborito ko siya dahil tuwing napapadaan ako sa blogsite niya, bumabata ako ng mga 20 years, so nagiging 2 years old ako. Ok fine, 5 years old. Ang mga kwento nyang kwela at nakakatuwa ang nakaengganyo sa akin, in a way, na magsulat ng mga funny posts – na hindi ako nagtagumpay dahil by nature, hindi naman talaga ako nakakatawa. Hindi ako komedyante. Pero siya parang natural na lang eh. Una ko syang nakilala sa pangalang Pensucks pero nagpalit siya ng name at naging Taympers bigla. Madalas akong tumambay noon sa dating blogsite niya pero noong nawala ako sa sirkulasyon ay natigil na rin. Nagkaroon na rin kasi siya ng sariling domain, yumaman na siya at iniwan niya akong sugatan, luhaan, di mapakinabangan. Char! Pero nagbalik siya, nagbalik ako at nakakatuwa dahil after 251.86 years eh nagpost na ulit sya ng bago niyang entry! Welcome back Mhar, luv you!πŸ˜€

 

6. http://katcarneo.wordpress.com/

Si Teacher Kat ay aking ka-school mate noong high school at isa sa mga crusheses ko noon at hanggang ngayon. Noon pa man ay magaling na talaga itong si Teacher Kat kaya ko nga sya crush anu ba?! Gusto ko rin ang style niya sa pagsusulat dahil unang-una magaling siya mag-english. Alam na alam nya kung papaano gagamitin ang mga prepositions, kung papaano magbibitaw ng adjectives at kung papaano babangasan ang mga verbs na yan! Basta ganun kaya nakakatuwa kapag nagbabasa ako ng blog niya dahil natututo din ako ng tamang pag-gamit ng mga salita. Ang mga adventures niya ay nakakaaliw din katulad na lang ng journey niya to get her passport sa DFA at ang journey nya sa pagtuturo sa mga mahal niyang estudyanteng Koreano. Isa sa mga talent nitong si Katrina Carneo ay ang pag-gawa ng mga kanta. Ewan pero sa lyrics pa lang – buhay na ako, ano pa kaya kung kakantahin niya – waaah, lumalambot at humaharot lalo ang puso ko. Haha. Kaya kung nasaan man si Teacher Kat ngayon, sana ay magparamdam na sya sa blogsite niya dahil miss ko na ang mga adventures niya. Mga 327.9866666 years na kasi siyang nawawala eh. Miss youw nah powh!πŸ˜€

 

7. http://iamalivingsaint.blogspot.com/

Marahil I don’t exist in his world but he’s one of my favorite bloggers. Kaya sobrang tuwa ko noong binisita niya noong unang panahon ang blogsite ko pero di ko alam kung natatandaan pa niya yun. But anyway, kapag ikaw ay nalolongkot at walang makausap – itong blogsite niya ang dapat mong binibisita dahil subrang matatawa ka sa mga kalokohan niya. Ayheyret!!! LOL. Sa kanya ako nakakakuha ng mga bagong “expressions” na nagagamit ko naman sa mga friends kong may pagka-kupal din. Hindi maaring hindi ka ngingisi kapag nagkukwento siya dahil maiimagine mo ang ginagawa niya habang ginagawa niya ang mga bagay na kinukwento niya. Nakakaaliw talaga. At dahil nga sa frustration ko ang maging isang komedyanteng blogger binabasa ko siya palagi para makapanggaya ng mga pwede kong ihirit sa mga sinusulat ko – pero ayun bigo pa rin haha. Alam ko nakaalis na yata siya papuntang Nigeria or Haiti if I’m not mistaken, pero sana kahit doon ka na mag-stay update ka pa rin palagi ng blog mo. I need a good laugh from time to time so you can’t just go away, ok?! I’m one of your millions of fans out there!πŸ˜€

 

8. http://itsyowtime.blogspot.com/

 

Magaling siyang magkwento. Detalyado. Kahit na ang pagkurap ng mga mata ay naisusulat niya sa isang nakakatuwang paraan. Isa ang blogsite niya na sobrang kinaiiritahan ko kapag hindi agad nag-po-post ng bagong kwento. Ayoko kasi siyang tinatamad dahil mawawalan ako ng mababasang blogsite kapag nagkataon. Isa sa mga nagustuhan kong post nya eh yung sa bertdey ng kanyang menopause kapatid. I mean yung menopause baby ng nanay nya – so menopause kapatid niya yun. (Basta sana intindihin mo na lang pinagsasasabi ko dito noh, ikaw na bahala, di naman ako ganun kagaling magsulat para i-explain ko pa sayo ibig kong sabihin noh! char!). Una dahil ang sweet niyang kuya, kasing sweet ko. Pangalawa, dahil sa post niyang iyon, na-inspire akong magsulat tungkol sa kung gaano ko kamahal ang kapatid ko. After ko ngang mabasa yung post niya, ayun at nilibre ko mag-shopping yung dalawa kong kapatid at dahil sa iyo Yow, nalubog ako sa utang! Kasalanan mo ‘to bayaran mo ako! char! haha. Basta gusto ko talaga kapag nai-inspire ako ng isang blogger, madali nga akong mauto. At dahil dyan, sinubaybayan ko siya at naiirita ako kapag ang tagal niyang mag-post! So please, more! more! Happy Birthday pala, sir!πŸ˜€

 

9. http://ka-blogs-tugan.blogspot.com/

Kung bibigyan ako ng pagkakataong makilala sa personal kung sino man ang may-ari ng blogsite na ito, promise magdadala ako ng isang medalyang kasing laking globo ng mall of asia. Isa siya sa mga iginagalang kong blogger kahit puro mga ka-vulgar-an ang mga pino-post nya. haha. Gustong-gusto ko ang style niya sa pagsusulat dahil para siyang si Bob Ong na may pagka x-rated version. Boob Ong ikaw ba yan?! Nagagalingan naman ako kung papaano niya nahihimay ang kanyang diwa mula sa isang bastos na topic patungo sa isang makabuluhang usapan. Nakakaaliw diba? Hindi siya nawawalan ng ideya, hindi na-ba-blangko ang utak niya sa napakaraming pwedeng pag-usapan dito sa mundong earth na ito. Parang lahat ata ng bagay eh kaya nyang gawan ng istorya o ng isang essay na nakakaaliw. Gusto kong maging katulad niya paglaki ko. Sana lang din maging madalas na ulit ang pag-update niya sa blogsite niya, hmmm?!πŸ˜€

 

10. http://humiliation-stories.blogspot.com/

Dahil sa isa akong psycho, isa ang blogsites na ito sa paborito kong basahin. Hindi nyo na natatanong, pangarap ko noong bata pa ako na maging isang serial killer. Basta sobrang nagagalingan lang ako sa mga serial killers kasi nagagawa nilang hindi mahuli ng mga pulish! Gusto ko ganun tapos papatayin ko yung mga bad! LOL. Dito sa blogsite na ito makikita ang ibat’-ibang paraan ng pagpaparusa sa mga taong nagkasala sa kapwa tao. Brutal na pagpatay, nakasusulasok na kamatayan sagad hanggang buto. Nakakadiri, nakakasuka, pero sobrang nakakaaliw. EEEwww! Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang blogsite na unang pagbisita ko pa lang eh nabasa ko na lahat ng mga posts niya mula sa pinakahuli hanggang sa mga pinakauna-unahan niyang post. Ganun ako kaadik sa mga ganitong babasahin. I want it gross and slimy! haha. Kaya naman kung mahina ang sikmura nyo sa mga ganitong babasahin, do not dare to visit his website. Do not dare! Ayan sir, post more okie! Salamat!πŸ˜€

 

11. http://www.escapeislands.com/

Ito naman ang aking paboritong bisitahin kapag gusto kong maglayag sa iba’t-ibang lugar na hindi abot ng badyet ko. Masyado kasing gala ang may-ari ng blogsite na ito, palibhasa mayaman eh. hehe. Ang mga adventures niya ay talaga namang nakakatakan sa mata. Malayo na ang narating niya – literally. Kapag binabasa ko ang blog niya pakiramdam ko nakarating na rin ako sa pinuntahan niya kaya madalas kong binubuksan ang kanayng blogsite. Ang ganda pa ng gamit niyang camera dahil captured ang bawat moment. Astig! Akin na lang yang camera mo, sir/mam! Sorry, di ko sure kung boy o girl ka pero salamat sa mga adventures mo, sana marami ka pang mapuntahan, isama mo naman ako sa paraiso kahit once lang! More power! I love your blogsite!πŸ˜€

 

12.Β  http://www.anthonycarlo.com/

Ang may-ari ng blogsite na ito ay very interesting for some reasons. Magaling siyang gumawa ng mga teorya at alamat na alam mo namang hindi nag-e-exist pero kapag nabasa mo kung papaano niya isalin iyon mula sa utak niya patungong blogsite niya mapapa-isip ka rin na “oo nga nuh, siguro nga ganun yung nangyari kaya nabuo ang alamat na yun”. basta. Mahilig din mag-gala ang batang ito at nakakatawa siyang magsulat at hindi ako naniniwalang suplado talaga siya. Kaya kahit na naka-disable ang wordpress sa pagco-comment sa kanyang website, at kahit kating-kati na rin akong mag-comment sa mga kwento niya pero hindi ko magawa dahil ayaw niya at suplado talaga sya sa personal, sinusundan ko pa rin ang mga posts niya dahil naaaliw talaga ako. Sana pwede na ako mag-comment soon, sir! Keep it up!πŸ˜€

 

13. http://iamtheclosetgeek.blogspot.com/

Ang mga tula niya. Ang mga drowing sa mga posts nya na sobrang symbolic. Ang paraan ng pagsusulat niya at pagbibigay ng malalim na kahulugan sa isang simpleng larawan at ang malalim na interpretations niya sa mga bagay-bagay sa buhay na minsan naisip ko ring bigyan ng malalim na kahulugan pero nabigo ako. Gusto ko ang style niya sa pagsusulat, napakamalikhain, seryoso, malinis, malinaw, and they always makes sense. Isa siyang geek na nag-inspire sa akin na gumawa ng mga may sense na sulatin pero hindi ko magawang i-publish dahil ako mismo, hindi ko makumbinsi ang sarili ko na it makes sense. Ang mga likha niya ay isang obra para sa tulad kong matagal nang gustong makagawa ng mga tula at kwentong ginagawa niya. Gusto ko ring maging katulad niya kahit 10 seconds lang, tas balik na agad sa pagiging Bienthoughts, baka sakaling maging magaling din akong magsulat. Haaay, sana, sana, mag-conduct sya ng workshop para sa akin, libre ha. hehe. Idol kita sir/mam!πŸ˜€

 

14. http://blackinkkiko.blogspot.com/

Okie. Itong si Batman na makulit, matakaw at malikot ang utak ang gustong-gusto kong binibisita kapag gusto ko lang mag-chill. Sobrang gaan sa damdamin ng mga posts niya. Sobrang epal kasi ni Batman at lahat na lang ata eh pinapansin. Hindi ko tuloy maisip kung bakit naging Batman ang pangalan niya eh napakaseryosong tao ni Batman pero ang kulit-kulit naman ng mga posts niya. Hindi kaya siya si Joker? Haha. Peace. Kung wala kang ginagawa masyado at gusto mong magliwaliw sa harap ng kyumputer mo, I suggest bisitahin mo ang blogsite niya at kausapin mo siya sa pamamagitan ng mga sinulat niya, I’m sure you’ll have a very good time. Are you having a good time? Interlude!πŸ˜€ Sir Batman aka Kiko, salamat sa pagdalaw paminsan-minsan dito, natutuwa akong makita ka. Pasakay ako sa kotse ni Batman ahh. At pwede rin ba arkilahin ko si Robin? Para may sidekick din ako? hehehe. Keep up the good work!πŸ˜€

 

Ayan silang lahat at marami pa sana akong ilalagay pero baka next post na. Sila ang ilan sa mga pinakahinahangaan kong bloggers. Ganito kasi yun eh, kapag nagbabasa ka at nakakaimpluwensya ka ng kahit isang tao lang na nagbabasa ng blogsite mo, it’s something, it’s really something. I take everything seriously when it comes to writing. Mahilig akong mag-critic at napakahilig kong pumuna ng mga bagay-bagay. Hindi ako tumitigil hangga’t hindi ko nalalaman ang kahulugan ng mga sinulat mo. Ganun ako. And I’m so glad na marami, actually, maraming-maraming-maraming mga manunulat ang nakita ko dito sa blogosperyo na matatawag kong may talento at interesante. Salamat sa pag-share ng inyong “talent”. Wag na kayo magpa-humble, it’s a compliment, promise.

 

I’m a fan.πŸ˜€

2011/01/21 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

8 Comments »

  1. nakakatuwa at nabilang ako sa listahan mo. isang malaking karangalang mahanay sa mga bloggers na iyong nabanggit.

    thank you.

    salamat din at meron akong mga bagong babasahin.

    ps. lalaki yung may-ari ng escapeislands. si dongho.πŸ™‚

    Comment by gillboard | 2011/01/21 | Reply

    • love ur blog gillboard..hehe

      Comment by rus | 2011/01/22 | Reply

  2. love the post.. binisita ko silang lahat..haha.. fighting!

    Comment by rus | 2011/01/22 | Reply

  3. Bienthought!! Guess who’s here?!

    Hahaha. i didn’t know na naka-disable pala wordpress sa pagcocomment
    sa site ko, anyway, lemme fix it now.πŸ™‚

    salamat at napabilang ako sa listahan mo.

    cheers amigo!

    Comment by Supladong Office Boy | 2011/01/22 | Reply

  4. aba, aba… nasama ako dito… hehehe

    maraming, maraming salamat po. πŸ™‚

    Comment by the geek | 2011/01/26 | Reply

  5. natuwa naman ako sa sinabe mo kay ewik (wandering commuter). yaan mo sbaihin natin magupdate sya lagi else kalbuhin natin Barbies nya. hehe

    Comment by chyng | 2011/01/26 | Reply

  6. Whoa! Nagulat ako at napasama ako dito. HAHA. Number 8 pa naman, Heyret! Pero salamat ng sobra.

    Alam mo yung natats? Yung sobrang natats? Haha. Natuwa ako sa description mo sa akin at I can say na magaling kang critic. Haha. Buti ka nga may formal education sa writing eh. Pangarap kong maging writer pero hindi ko kaya panindigan. Haha

    Binabasa ko din karamihan sa favorites mo.πŸ™‚ At sobrang salamat talaga dito. At least nalaman ko na apat na pala nagbabasa ng blog ko. Pumepeborit pa! Haha.

    Yung totoo? Madami ako nasabi?

    Comment by Yow | 2011/01/26 | Reply

  7. My husband and i got so happy Albert managed to conclude his basic research out of the ideas he got from your own web pages. It’s not at all simplistic just to choose to be giving for free guidance which usually men and women have been making money from. We keep in mind we have got you to give thanks to for that. These illustrations you have made, the easy web site navigation, the relationships your site assist to create – it is all astonishing, and it’s really helping our son in addition to our family imagine that the subject is thrilling, and that is exceptionally vital. Thank you for all!

    Comment by Frank Raniero | 2011/02/12 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: