BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

My Most Awaited Break in the Showbiz Industry.


Eto na ang aking pinakahihintay na break sa showbiz industry. Matapos ang pag-akyat ng ilang matatarik na bundok para pagpraktisan at matapos ang seryosong diet at paglalaro sa gym ng ilang linggo, sa wakas, this is my moment, the sweetest moment, the greatest moment of them all – Mt. Pulag here I come!

Let me just give emphasis first on the “gym” part. Kasi sobrang proud ako dahil sa loob ng two freakin weeks, I already lost 5 pounds and I want to commend myself dahil para sa katulad kong perstaym mag gym ng seryoso, this is already an accomplishment. Wala na ang ikalawang “chin” ko, gumaan ang pakiramdam ko at syempre pa, what’s the best feeling in the whole wide world? It’s when you can wear your favorite shirt again after a long, long time because you lost weight! Awesomenessmently! And so – ngayon, ang pinapanalangin ko na lang eh ma-maintain ko ang kahibangang ito and in the long run, sana kahit matapos na ang pag-akyat ko sa Mt. Pulag eh tuloy-tuloy pa rin ako. Now this one really takes courage and perseverance and of curse, discipline. No more pigging out, promise!😀

Going back to Mt. Pulagor sometimes Mount Pulog, ito ang the third highest mountain in the Philippines. Ang pinakamataas sa buong Luzon at 2,922 meters above sea level. So kung hindi ko man maakyat muna ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas, oki lang, atleast nakapag-Pulag ako. Isa itong major climb kaya naman kailangan paghandaan ko ito. Malamig, malamig na malamig daw sa bundok na ito sa ganitong mga buwan kaya naman para maiwasan ang hypothermia, kailangan handa rin ang iyong mga “gears” panlaban sa ginaw na maaaring umabot sa 0 degree to -3 degrees. And I’m all set.

Ayon sa mga blog na nabasa ko, hindi naman daw masyadong mahirap akyatin ang bundok na ito dahil established na ang mga trail paakyat dito. Yung Ambangeg Trail sa Baguio ang pinakamadali sa lahat. Tinawag nga nila itong “Executive Trail” dahil kahit daw magsuot ka dun ng “Amerikana”, hindi magugusot ang damit mo hanggang makarating ka sa summit. Ganun.

Kaso ang problema ko, this is an Induction Climb para sa aking pinakamamahal na Thomson Reuters Extreme Adventure Team sa aking pinakamamahal na opisina – Thomson Reuters. And with that being said, instead of taking the “Ambangeg” trail – which is the easiest, we will then take the “Ambaguio” trail, apparently, the hardest of them all. Bukod sa Nueva Viscaya kami magsisimula imbes na sa Baguio, eh ang trail na ito ay dangerous, so wish me luck mga parekoi. This is it, this is really, really, is it, is it!

Hindi ko alam kung papaano nagsimula ang pagmamahal ko sa bundok. Isang beses ko lang sinubukan noong College ako at pagkatapos nun, sunod-sunod na at hindi ko na mahinto. Masarap kasi ang nature tripping eh. Pag nasa tuktok ka ng bundok, you’re the king of the word! Ang lapit lapit mo sa ulap, sa langit. Kita mo ang skyline, kita mo ang mga tao sa baba parang mga langgam. You’re on top of everyone. Ganun. Kaya naman ito ang napili kong sports bukod sa chess ( na sobrang nakakapagod) at sa basketball. I would definitely prefer to climb a mountain than to play basketball. Definitely.

Oh siya, wish me luck, pray for me para pagbaba ko eh ma-share ko yung mga pics ko sa Mt. Pulag. Aja!😀

2011/01/27 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

1 Comment »

  1. post not working in firefox

    Comment by math games | 2011/01/28 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: