BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Vovo-Loser.


So What? Aren't we all?

Hayaan nyo na muna ako kung pabago-bago ang lay-out at title ng blogsite ko. Hanggang sa punto kasing ito, hinahanap ko pa rin kasi ang tunay kong pagkatao. Undecided pa ako, wala pa akong preference kaya maya’t-maya eh paiba-iba ang itsura nitong bahay ko. Siguro darating din ako sa point na makukuntento din ako sa itsura ng aking tahanan at magdedesisyong mag-stay sa iisang tema. Pero sa ngayon, hayaan muna natin. Magulo pa rin ang utak ko, ang mundo ko. Naghahanap pa ako ng magandang spot sa bahay ni Kuya kung saan ako pwedeng mamahinga ng payapa, kuntento at kapaki-pakinabang.

Naisip ko yang “Alam Ko Na Kung Bakit Hindi Ako Naging Si Superman” bilang tagline nang blog ko dahil yun nga, alam ko na nga kung bakit. Sa tema ba naman ng mga sinusulat kong puro katangahan at mga kwento ng bitterness at mga ka-kornihan sa buhay, tingin mo kahit ikaw, kung may chance kang gawin akong si Superman, gagawin mo ba? Kahit ako hindi eh. Haha. Kasi pag si Superman na ako, hindi na pwede ang ganitong mga uri ng sulatin, kaya wag na nga lang, naiintindihan ko si Lord. Kawawa naman ang madlang Pipol kapag nagkataon.

O siya, sana ay maging masaya ang weekend mo. Medyo maaga ang weekend ko ngayon dahil naka-leave ako, sa Lunes na ako babalik sa opisina. Kailangan ko munang mamundok at magmuni-muni ulit para madami akong ma-share ulit na walang nwentang katangahan. Kung mapapadaan ka dito salamas ng marami, ibig sabihin non, pareho tayong tanga, lol.

Nga pala gusto ko lang ibahagi, kunyari words of wisdom. “Lahat ng tao tanga at may karapatang maging tanga – pero syempre isang beses per katangahan lang dapat. Hindi pwedeng maging tanga sa iisang bagay lang, ang tawag dun vovo-loser. Kaya after nating ma-realize na naging tanga tayo sa isang bagay, gawin nating lahat para maitama ito at hindi na muling maulit. Nang sa gayon maging worth it ang ating katangahan at may matutunan tayong aral mula rito” Char!

Sige alis muna ako, naka-tatlong post na ako ngayon araw, ang OA ko na. Till next charlar!😀

2011/01/27 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

2 Comments »

  1. Haha. Ang dami naman magpost sa isang araw. Sana ako din ganyan kasipag. Tsk tsk. Nagulat nga ako na iba itsura nito. Nagiba na naman, Haha. Good luck sa pagiisip. Makakaya mo din maging isang Superman. More power!🙂

    Comment by Yow | 2011/01/28 | Reply

  2. i like the shirt.

    Comment by mangpoldo | 2011/01/30 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: