BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Puberty Stage.


Napapabarkada ako nowadays.

Kung kailan ako tumanda, saka ako na-hook sa pakikipagbarkada at pakikipag party-party hanggang umaga- hanggang malasing ng subra- hanggang sa mawalan ng malay sa kalsada. Hayst! Bakit ba ako nagkaka-ganito? May hinahanap ba akong hindi ko masumpungan? Wala naman sa pagkakaalam ko. Pakiramdam ko kasi, ngayon pa lang ako dumaraan sa puberty stage haha. Subrang late naman kung ganun, kumpleto na mga buhok ko sa katawan at subrang kumpleto na rin ang mga ngipin ko including the wisdom tooth pero ngayon pa lang ako nagpapakasasa sa ganitong mga bagay-bagay. Everything seems new to me, para akong sira. Helleer! Bente singko anyos na ako!!! Too old for this shit, or not really for the party-party? Ewan ko ba. Hindi naman ako ganito dati. Sobrang simple lang ng buhay ko. Bahay –trabaho- (simbahan?)- mall. Sa mga lugar na ito lang umiikot ang mundo ko noon. Kapag may lakad – tanging sa tatlong tao lang ako sumasama – kina Glentot, Emilouga at Loulah. Wala akong pakialam sa suot ko – wala rin akong pakialam sa itsura ko basta lumalabas ako ng bahay ng walang pakialam sa mundo. Ni hindi ko nga naiisipang magpagupit ng buhok noon eh kaya subrang haba ng hair ko na parang ermitanyo. Hindi din ako umiinom pero nagyoyosi ako. Yun lang. Simple lang. Walang halong shit at drama.

Pero nitong mga unang buwan ng 2011, parang nagbago ako. Napansin ko yun. Nag-start ako ulet maging conscious sa sarili ko – sa damit ko – sa itsura ko – sa katawan ko at maging sa kinakain ko. Na tingin ko naman ay  hindi masama. Pero dagdag pa dito, natuto akong uminom ng marami – as in marami. Nalalasheng ako at gustong-gusto ko ang pakiramdam non. Pagkatapos, madami-dami din akong nakikilalang mga tao – mga taong dati ay napapanood ko lang sa TV – mga taong dati ay nag-e-exist lang sa mga librong nababasa ko – mga taong dati ay sa pantasya ko lang nabubuhay – ngayon lahat sila nakakasalamuha ko – like rubbing elbows with the stars which is kinda cool when you think about it. Nae-enjoy ko siya. Hindi pa kasama ang mga taong nakilala ko lang nitong nakaraang mga linggo na okay din naman kasama. I kinda like their crowd.

So ayun. So anong problema ko eh masaya naman pala at nage-enjoy ako? Anong pinuputok ng butsi ko? What hell is my problem?

Okay, ang problema ko kasi para akong tanga. Madali akong maniwala, madali akong ma-attached, madali akong umasa at madali akong masaktan (pero hindi ito ang point ko, given na yan). On the other hand – sige na aaminin ko na – I’m guilty at nakakainis mang tanggapin, kahit hindi ko sinasadya eh may mga nasasaktan din akong tao. Ayoko ng may nasasaktan akong tao. I hate the feeling that someone’s hating me to death dahil lang sa hindi ko trip ang trip nya and so hindi ko siya pwedeng pagbigyan. I know exactly how it feels ‘cause I’ve been there at alam kong masakit yun, pero gustuhin ko man eh talagang hindi pwedeng ipilit. Alam mo yun? I’m helpless as a duck in the mud. Ganun.

I love how my life is goin right now. Masaya sya at mabulaklak. Although napapaisip ako minsan kung tama ba ang ginagawa kong ito sa edad kong ito – at the end of the day, I realize na wala naman siguro masama. Hwag lang siguro akong sosobra na as in subra-subra. So far, I think I can handle it naman. Ngayon palang ulit nagsisimula ang life ko. Madami pa akong makikilalang tao na makakasakit sa akin at mga taong masasaktan ko, sabi nila we all go through this, and this is my share of it. It’s up to me if I’m gonna make the most out of it or make the least. Good luck.

Or siguro exaggerated lang ako to think na bata pa naman talaga ang 25 years old kung party-party, mingle-mingle, flirt-flirt lang naman ang pag-uusapan. It’s just that I think I should be doing something different than this – something really different basta hindi ko pa alam kung anu yun, hinahanap ko pa – tama meron nga siguro akong hinahanap na di ko masumpungan, and in lieu of my frustration to find it, I resort to this kind lifestyle (tama ba?) ewan ko. Haha. Parang engot anu ba pinagsasasabi ko? Hahahaha – hindi me lashing ha? Wala lang basta.

For now – happy and that’s what matters.

Byenow! 😀

2011/02/24 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 2 Comments

Maglaro Tayo.


halika ako ang taya…

hindi ako masyado marunong

hindi ko kabisado ang mga panuntunan

pero madali akong matuto,

lalo na kapag nasasaktan ako,

mas lalo akong tumatapang

parang sundalo…

 

halika, handa ako…

kung nais mong makipaglaro

hindi ako marunong umurong,

at hindi ako madaling sumuko

lalo na kapag hinahamon ako

sa labang hindi ko naman kilala

 

maglaro tayo ng laro mo…

handa akong masaktan

basta handa ka ring masugatan

at sigurado ka sa ginagawa mo

hindi ako magdadalawang isip

na sumali sa iyo, sa laro mo…

 

sabihin mo lang.

 

halika at sayang ang oras

marami pa tayong dapat pag-usapan

tulad

ng

kung ano ang dapat kong maramdaman

at

kung ano ang dapat mong katakutan

naisip ko, siguro sanay ka na

sa ganitong laban, sa ganitong laban

 

pero hindi ako matatakot

na suungin ang iyong kalawakan

dahil matagal ko na rin gustong matutunan

ang larong iyan, ang laro iyan.

salamat sa pagkakataon.

halika, ako ang taya.

 

tignan natin

kung sino

ang unang

mahuhulog,

matutumba,

madadapa…

2011/02/22 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 3 Comments

Everyone Charged With A Penal Offense Has The Right To Be Presumed Innocent Until/Unless He Commits Suicide.


Iginagalang ko siya noong nabubuhay pa siya. Mataas ang tingin ko sa taong ito at saludo ako sa mga kontribusyong ginawa niya sa ating bayan. Hindi ko na iisa-isahin kung anu-ano ang mga iyon, tanungin mo na lang si Pareng Google at si Mareng Wikipedia. Masasagot nila yan, I’m so sure. Pero sobrang na-disappoint ako sa kung paano nagwakas ang lahat sa kanya. Nasira lahat-lahat ng pag-galang at respeto ko dahil sa pagpapakamatay niya.

Oo, naniniwala ako na “Everyone charged with a penal offense has the right to be presumed innocent until proven guilty”. Totoo yan. Kahit sino naman siguro eh ayaw na ma-husgahan kaagad hanggang walang hatol ng (kataas-taasang) hukuman. And I presumed he was innocent until he committed suicide. Marami ang na-offend sa akin noong binatikos ko siya lalo na sa Facebook status ko:

“… May he rest in peace, although I’m thinking, that was his conscience hunting him and he can no longer contain he had to kill himself…”

And I meant what I said.

Para sa akin, killing yourself should never be part of your options nor be your last resort. Suicide is just a manifestation of guilt, or perhaps it’s running from something you thought there’s no way out. There could’ve been another alternative, there should be, but not suicide, for cryin out loud. I don’t pity people who commit suicide, I feel sorry for them and as much as I really want to tell them “may they rest in peace”, we know that suicide is a mortal sin and they will never really rest in peace for their soul will go directly to hell. There is no salvation for them.

Kaya kung anoman ang mga bagay na mabubuting nagawa mo dito noong nabubuhay ka pa, walang silbi yan kung papatayin mo ang sarili mo. Oo, maaring maalala ka ng mga tao bilang isang marangal na mamamayan. Oo, maaaring ipagdiwang nila ang iyong buhay dito sa lupa. Oo, maaaring manatili ang respeto sa iyo pero hinding-hindi mo matatakasan ang katotohanang tumakas ka. Tinakasan mo ang iyong laban at para sa akin, isa iyong malaking karuwagan.

Hindi sa atin ang buhay para kunin natin ito. Ayokong magpaka-santo o magpaka-ipokrito pero ito ay isa sa mga prinsipyong pinaniniwalaan ko and I’m afraid no one can ever influence me on changing my stand regarding suicide. It’s either we have the same ideology or you say something against my principle. That’s just how it works and I’m open for discussion.

Hindi ko lang talaga matanggap how people who claims to be sympathetic and empathetic and kind and saint and all the goodness in the world, can actually turn suicide into a heroic act making a man so much more honorable and respectable. Maybe he was. Yes, he was an honorable man when he was alive – until he killed himself for some shallow reasons (whatever they were) I can’t really seem to agree to. I don’t know what to say anymore – definitely I’m not gonna say “may he rest in peace”, maybe I just wish his family and friends and all his supporters to find peace in their hearts and I hope they continue to love each other and learn to cherish life while it last. Life is beautiful.

2011/02/18 Posted by | Sari-saring Katangahan. | Leave a comment

Muy Bienthoughts and the Cavite Young Writers Associaiton.


Noong mga panahong sobrang malibog mahilig pa ako sa panitikang Pilipino at sa pagsali-sali sa kung anu-anong seminar-workshops at kung anik-anik pang pandagdag kasanayan sa pagsulat (na hindi naman halata ngayon, lol), napadpad ako sa isang organisasyon sa Cavite na maituturing kong nagbigay sa akin ng malaking bahagi ng mga natutunan ko sa pagsusulat (kung meron man talaga), at nagsulong ng aking kakayahan bilang isang amateur writer sa mundo ng panitik at panulaang Pilipino. Ito ang Cavite Young Writers Association.

Itinatag ang Cavite Young Writers Association (Facebook Account naman ito) noong Hunyo 2003 ng mga fellow mula sa Cavite Creative Writing Workshop ng nasabing taon. Si Dr. Efren Abueg, ang kanilang adviser hanggang sa kasalukuyan, ang nagbigay-inspirasyon sa kanilang magtatag nito. Noong Oktubre 2003, ni-launch ito bilang isang organisasyon at sila ay binisita pa ni Gob. Maliksi ng Cavite. Nagkaroon ng din ng assembly ang CYWA noong 2004 kung saan dumalo ang mga kabataang manunulat mula sa iba’t ibang sulok ng Cavite. Karamihan ay nanggaling sa DLSU- Dasmariñas, Cavite State University, Imus Institute at San Sebastian College Recoletos-Cavite City.

Layon ng CYWA na linangin ang pampanitikang kamalayan ng mga kabataang manunulat sa rehiyon, palaganapin ang mayamang pampanitikang kasaysayan na kinatatampukan ng ilan sa mga batikang manunulat ng Pilipinas: Teo S. Baylen, Alejandro G. Abadilla at Dr. Efren Abueg; at palitawin ang tatak-Caviteño sa panitikan. Hangad ng CYWA na sa pamamagitan nila ay mabigyan ng pagkilala ng bayan ang mga manunulat nito.

Madami akong natutunan, maraming mga kabataang manunulat ang nakasalamuha at napakaraming pagkakaibigang nabuo mula sa pagpe-perform sa entablado hanggang sa mga pang-ookray sa mga sinulat na mga tula, hanggang sa pakikipagharap sa mga batikang manunulat ng kasalukuyang siglo. Isang karangalan ang maging bahagi nito. Promise!

Anyway, ang videong ito ay isa sa mga compilations ng mga tula ng mga batikang nangaunang manunulat ng Cavite. From the readings of canonical Caviteño poetry by the Cavite Young Writers Association, written by Lorenzo Paredes
read by (ang inyong lingkod) Bienthoughts Muy Bienthoughts. Hindi ako makapaniwalang boses ko ito – ang fangit! Hahahaha. Nakita ko lang kanina ulit habang naghahalungkat ng mga files ko sa Youtube. Mabuti na lang at nakita ko, at least may mapo-post ako ngayon. LOL.

Kung gusto mong pakinggan, go lang, wag kang matakot sa boses ko. Hahaha. Ewan ko kung mahihiya ako o magugulantang eh, pero sige share ko na rin sa inyo. Enjoy! Char! 😀

 

Isa pa sa mga tine-treasure kong sandali sa CYWA ay ang pagla-launch ng kauna-unahan nitong literary porfolio noong (di ko na matandaan kung kelan, basta years back). Tinawag itong Longos. Hanapin nyo na lang sa google kung ano ang Longos, basta ang clue: Ito ang unang bayan sa Bacoor papasok ng Cavite. At isa ang mga sinulat ko sa mga na-feature dyan pero di ko na post, saka na. Itong picture na lang ng cover. Hanapin nyo na lang name ko. At dahil sobrang proud ako diyan, syempre sasabihin ko na rin na ako ang Editor-in-Chief nyan kasama ang isang kaibigan na si Ayn. Wala lang sinasabi ko lang, bakit ba?! Hahaha. Madami akong sinubmitt na tula pero isa lang ang nakapasok, ganun kahigpit ang mga committee nyan. Mga matitinik and I’m so proud of them. Yun lang.

Sige okay na ulit may na-post na ako. Next time na ulit. Hehehe. Enjoy! 😀

 

2011/02/17 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 2 Comments

Katulad Niya.



katulad din ng pag-ibig ko sa kanya

katulad din ng inalay kong pansin

katulad ng dilim ng gabi at ng halik sa labi

ang sakit – katulad ng pag-ibig ko sa kanya

lilipas din…

 

lilipas din ang ulan

katulad ng inihain kong bulaklak

maglalaho ang hamog sa umaga

at katulad ng pag-ibig ko sa kanya

mawawala, lilipas, malalanta.

 

katulad din ng paghingi ko ng pag-ibig

katulad din ng pagnanais kong makasama niya

katulad ng pagtanggi at pagtalikod

lilipas din, tulad ng sakit – tulad ng hapdi

lilipas din…

 

katulad ng ginawa niya

katulad ng ginawa mo,

at katulad ng bawat pag-asang isinampal sa mukha ko

malilimot din ang mga pangako

lilipas din ang luha – ang luha, mapapawi, papahirin

at lilipas din –

katulad niya,

katulad mo

lilipas din,

 

makakalimutan ko…

2011/02/16 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 3 Comments

%d bloggers like this: