BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Mt. Pulag – My Unfinished Business.


Pinaghandaan ko ang pag-akyat sa bundok ng Pulag. Ang bundok na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto kong sumama sa mga “Training Climb” na pinapauso ng mga friends ko. Nagbanat ako ng buto, nag-diet, nagbuhat ng mga mabibigat na dumbells na yan sa gym, nag-jogging every morning, nagbasa ng mga blogshits, nag-research at naghalungkat ng mga impormason at kung anik-anik pa dahil sobrang na-amaze ako sa bundok na ito…

Pagkatapos, pagkatapos, pagkatapos…

…HINDI KO NAMAN PALA MARARATING ANG SUMMIT NG LINTIK NA BUNDOK NG POTANGENANG PULAG NA YAN!!! (in super sumisigaw tone). Hindi ko rin naman pala makikita ang sea of clouds na pinapangarap ko! Lintik na buhay ‘to! Gusto ko nang magpakamatay! Nawalan ng saysay ang mga kahibangang ginawa ko. Hindi ako nagtagumpay sa aking adhikain na makita ang kagandahan ng dilag na ito. Nakakadismaya! Sawang-sawa na ako sa buhay na ito, gusto ko nang sumuko Ate Charo!

Char! Char Char! Arte lang!

On the other hand, ok lang naman sa akin yun. In the end, I can still say I had the greatest “survivor” experience of my life. Three days in the wilderness, baby! You won’t believe what I had to go through. Sobrang napaka-super duper exciting ng weekend getaway kong iyon at kahit pa hindi ko narating ang tuktok at rurok ng bundok eh naging isa ito sa mga pinaka-super most memorablest climb ko of all time. Pakiramdam ko nanalo ako ng “Survivor –  Pulag” dahil nalampasan ko ang sobrang hirap na trail paakyat pa lang sa ranger station or sa jump-off area ng susong ito.

Dahil nga sa ito ay isang induction climb, doon, doon kami sa Ambaguio Trail dumaan, ang isa sa mga pinakamahirap na trail papuntang Susong Pulag. Hindi ko alam kung papaano ko ie-explain ang hirap na dinanas ko sa pagakyat pero sa isang simpleng salita ito ay masasabi kong supercalifragilisticexpialidocious! Tatlong araw kaming naglalakad sa tila ba walang katapusang daan. Sobrang lamig, umuulan, napakapotek, mabato, mahangin at sobrang nakakapagod dahil ang tarik-tarik ng mga daan. Biruin mo  ba naman, nilakad namin simula Nueva Vizcaya hanggang Benguet, that alone is already painful, plus the fact na hindi naman patag ang daan, pataas ito, pataas ng pataas ng pataas hanggang papuntang langit. Ganun.

Yung iba naming kasama na hindi na kinaya ang hirap sa pag-akyat eh nagrent na lang ng motor para makarating agad sa ranger station. Korekek, may motor sa bundok pero konti lang, mga apat lang. At kaya nitong akyatin ang napakakipot na daanan kahit pa bangin na ang babagsakan nila isang maling liko lang. Syempre ako kahit gusto kong magmotor na sa hirap, waaah, hindi pwede kung gusto ko pang ma-induct. Kaya ayun, lakad again. Atleast nakatipid ako ng 300 becks pambayad sa motor. hehe. So out of 12, mga 6 na lang siguro kaming natira plus the tour guide.

Eh yun nga, we were supposed to reach the ranger station by 6pm, eh kumusta naman dahil sa hirap ng mga daan, alas singko na ng hapon wala pa kami sa kalahati ng dapat naming lakarin kaya ayun, ginabi kami sa kagubatan. Sa isang kagubatang birhen. At dahil nga hindi na kami pinayagan ng trek guide namin na mag-night trek, kinailangan naming maghanap ng matutuluyan. Eh saang lupalop ka naman ng suso hahanap ng bahay sa gitna ng maulan at nagyeyelong kadiliman? Saan? Saan? Potangena saan?!!!

Well, surprisingly, sorry naman, OA lang ako mag-react, meron kaming nakita. Isang bahay sa gitna ng nakakatakot na kawalan. Ang bahay ni lola. Oo si lola, nakatira siyang mag-isa sa bahay na iyon. So off we went.

“May Bigas pa ba?” Check!

“May natitira pa bang tubig?” Check!

“May maluluto pa bang ulam?” Check!

“May paglulutuan ba?” Check!

Naabutan namin si lola na nagluluto ng kamoteng kahoy sa isang malaking malaking kawa kasya tao. Syempre kung anu-ano na pumasok sa isip namin. Mag-isa si lola sa bahay sa gitna ng gubat, nagluluto sa isang malaking kawali – naku kasyang-kasya kami. Pero keber na! Sobrang lamig as in azuuper! Kaya nagpatuyo kami ng damit, nagpalit ng damit, naghanda nang magluto, kumain, naglatag ng matutulugan, nagchikahan muna saglit at sa bandang huli, nilabas ko ang aking mahiwagang Eskinol para makapaglinis na ng artistahin kong mukha. And then we slept in the middle of the cold, cold summer night. Char!

Isa sa mga kalaban namin sa pag-akyat ng bundok ay ang mga Limatik. They call it limatik pero linta lang yan. Oo, isang nakakadiri, nakakasulasok, nakakagimbal na nilalang na nagsa-suck ng bloods. EEEwwww! Ganito sya kaliit, ganito oh. Ganito lang talaga, tignan mo yung daliri ko imaginin mo yung molecules ng daliri ko, ganun lang sya kaliit. Gets mo na? Kaya kapag sinuck ka nya (teka pangit yung sinuck), ahhmm, kaya kapag nag-suck na siya ng dugo sa’yo, hindi mo ito mararamdaman agad. Makikita mo na lang bigla may dambuhala na palang nakadikit sa paa mo, o sa kahit saang part ng balat mo na kinagat niya. Kinda amazing pero still, nakakadirdir! Kaya sobrang ingat na ingat ako sa paglakad sa putikan at damuhan dahil ayoko ma-experience ang blowjob power ng mga limatik. Mabuti na lang at hindi nila type ang lasa ng dugo ko kaya siguro walang nag-suck sa akin. Lol.

Anyway, pagkagising the next day, nagkape lang saglit at humayo na ulet kami at nagpakarami. Naglakad ng naglakad paakyat papuntang rurok ng tagumpay, ganoon pa rin si weather, masungit ang arte-arte. Inulan, hinangin at gininaw kami sa gitna ng kasukalan. Inabot kami ng mahigit limang oras para lang makarating sa ranger station. Haaayst sobrang hirap pero sulit na sulit.

Leche talaga eto naman ang high blood ko, badtriff kasi gustong-gusto na naming marating ang summit ng Bundok ng Pulag pero hindi naman na kami pinayagan ng DENR na magpatuloy pa sa pagakyat dahil sa bumaba sa -5 degrees ang kaartehan ni mother earth. Kaya ayun, nakakadisappoint din. Matapos ang sobrang hirap na dinanas ko sa pag-akyat di naman pala mararating ang tuktok. Huhu. Pero ok lang talaga, safety first.

Totoo nga ang sabi nila, si Binibining Pulag ay unpredictable, hindi pa ako naniwala noon. Hindi daw sya nagpapakita basta-basta kaya swerte mo kapag nakarating ka sa tuktok nya na maaliwalas ang panahon. Yun nga lang malas ako, ayaw magpakita ni mother Pulag. Pero aypramis, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nararating ang orgasm sa pag-akyat sa bundok na ito. This is an unfinished business – I’ll be back, promise!

But more than summiting the mountain, it was the climb that made it all worth it. Tama si Miley Cyrus. It ain’t about how fast you get there, it ain’t about what’s waiting on the other side, it’s the climb. Char!😀


2011/02/01 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: