BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Seryoso – Kailangan Ko Ng Tulong Mo.


Ok, hindi ko ito maintindihan. Subrang crush ko siya as in ultimate crush dahil sobrang pinakikilig niya ako as in super duper. Ang cute, cute, cute niya kasi eh. Basta. Napaka-interesante niya. At sobrang humaba ng 54 kilometers ang buhok ko mula Edsa Taft hanggang Monumento at wala akong pakialam kung natatapakan na ng mga tao ang kahabaan ng buhok ko kasi subrang nikikilig talaga me lalo na nung bigla niya akong niyaya na maging date niya this Valentayns!

Oo, niyaya nya ako and I said yes without any hesitation. Friendly date lang naman daw eh. Ok na yun. Haha.

Tinanong ko siya kung saan ba niya gusto pumunta at subrang nabighani nawindang ako sa sinagot niya: “…Sa lugar na wala akong idea; na hindi ko pa napupuntahan; na hindi ko pa natitikman yung mga ise-serve…”

Waaah, saan? Saan? Saan ako hahanap ng ganitong lugar? Wala akong idea tungkol sa gusto niya at tungkol sa mga hilig niya. Hindi ako nakapag-research just in time for this. Kaya naman kailangan ko ng tulong nyo, gusto kong maging memorable ang friendly date kong ito ngayong Valemtayms!

I’m not expecting something really major, major about this date. To be honest, I just got really overwhelmed by the fact that someone actually asked me to go out on a date and the fact that it came from someone I really admire. So kailangan ko ng helpness nyo mga kaibigan, kababayan, kapatid, please help me.

Yung sa tingin nyo lang eh pwedeng-pwede na kahit ano na pwede naming i-try for our first date. Your ideas and suggestions will be highly appreciated by my humble heart.

Salamatness!😀

2011/02/08 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

6 Comments »

  1. guess u gotta know ano ang gusto niya or might as well para unique eh wag yong date na common ng lahat na kumakain sa resto or manood ng movie have it simple… mas maganda nga yan sa bahay nalang kayo eh ipagluluto mo saka siguro kayo lumbas…

    Comment by emoterong bulol | 2011/02/08 | Reply

  2. Wow naman, wala ako masabi.

    Hindi ko din alam gagawin ko. Pag may nag ask sa akin ng date and on VALENTINES pa mismo, baka atakihin na lang ako sa puso o mag catatonic na lang ako at baka bumigay na lang ang brain ko at dedz na ako on the spot.

    Comment by Ron Mistica | 2011/02/08 | Reply

  3. hmmm, depende sa hilig niya. pero ok din yung sinuggest ni emoterong bulol. Ipagluto mo tapos saka na lang kayo lumabas. Di kaya magday tour kayo sa isang resort hehe. Island Cove pwede, may package sila na kasama na food🙂

    Comment by sunnystarfish | 2011/02/09 | Reply

  4. eeeeeeeeeeh! medyo mahirap pag-isipan kasi dehins ko alam kung san pa sya hindi nakakapunta. pero kung gusto mo ng kakaibang date, pwede siguro sa isaw isaw sa UP Diliman, tapos chenes chenes kayo sa sunken garden. ay teka, taga-saan pala muna kayo. pwede din siguro kayo magpunta sa divisoria at kumain ng pansit na may mataba at payat na hibla. php60 lang pero kasyang kasya na sa limang tao.

    Comment by Jayvie | 2011/02/09 | Reply

  5. Tingin ko gusto nya ng spontaneous at unique… or mas mahalaga sa kanya na makasama ka keysa sa venue or food…

    Comment by glentot | 2011/02/09 | Reply

  6. tama ung sumagot ng bahay! haha!

    Comment by docflip | 2011/02/15 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: