BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Ang Alamat ng Sumbrero at ng Tinderang Masungit.


Nagpapalago ulit ako ng buhok. Sawa na akong maging kalboers at gusto ko na ulet mag-ayos ng buhok, sinisipag na ako. Di nyo na naitatanong, mahaba talaga buhok ko dati – lagpas balikat, straight, long and shiny black hair na inaalagaan kong mabuti at shina-shampoo ko pa ng shampoo ng mga kaibigan kong kabayo. Pero hindi ko alam kung bakit ba kahit anong gawin kong alaga dito, pagpapa-rebond and all that shit, lagi pa rin akong napagkakamalang ermitanyo ng mga nakakakita sa akin. Minsan talaga gusto ko nang maniwalang pangit ako eh. Char!

Kaya naman ako nagpakalbo eh dahil trip lang. May nag-trip kasi sa akin. Naalala ko nung dating-dati pang Christmas Party namin sa dating-dati ko pang kumpanya, kinulotan ako ng ka-opismate ko para maiba lang. Malay ko namang permanent pala yung nilagay nyang pangkulot sa akin, yung Pagoda, kaya ayun hindi na tuloy maganda buhok ko, curly-curly na siya at dahil don, naisipan ko na lang magpagupit.

Eh bakit nga ba yung buhok ko pinag-uusapan natin? Wala lang. Eh kasi kanina naisipan kong bumili ng japeyk na sumbarero, yung Adidas, maganda siya, hindi halatang feke, nabili ko siya sa halagang P90 lang with matching pakikipagtalakan sa tinderang masungit! Grrr.

Humingi kasi ako ng discount sa sumbererong ito, so from P100 eh natawaran ko nga siya ng P90, kaya yun naman ako, nagsukat ng nagsukat ng napakaraming sumbrero. Ang tagal-tagal kong naghanap ng babagay sa akin. Pinasusungkit ko kay Ate yung mga sumbrerong nasa pinakataas na nakasabit sa kisame ng tindahan niya. Turo ako ng turo, “Ate yun nga patingin, gusto ko design nun!”, “saka yung isang yun Ate, yung Mossimo na kulay red!” “yung kulay black, yung kulay yellow” at lahat na yata ng sumbrerong naka-display dun eh nasukat ko, kahit yung mga jeje-caps.

Hanggang sa mapili ko ito:

 

 

Ganda noh? Tagal kong pinili nyan at dahil nga doon, nairita si Ate sa akin dahil ginulo ko ang tindahan niya. Nakasimangot na siya at pabalang na magsalita.

“Ate, promise, ito na talaga! Ninety pesos, diba?” Sabi ko. Tinaasan lang ako ng kilay ni Ate at hindi nagsalita. Kinuha ko ang wallet ko sa bag at saka ibinigay ang P500.

“wala ka bang barya? Nubenta pesos lang bibilhin mo ang laki-laki ng ibabayad mo?” Sambit ni Ate, iritado na.

“Ate, wala po eh, puro buong isang libo kasi pera ko.” Sabi ko, with sarcasm dahil naiirita na rin ako sa mukha ni Ate.

“Meron ako dito P400, wala nang discount, P100 pesos na yan!” Nag-iinarte na si Ate.

“Ay ganun, wag na lang sayang din ang P10, sabi mo P90 lang eh!” Sabi ko.

“Pagkatapos mong guluhin ‘tong tindahan ko hindi ka naman pala bibili, sinisira mo araw ko kay aga-aga eh!” Sigaw ni Ate.

“Ate, bibili naman ako eh, eto na nga bayad eh, ikaw ang walang panukli kasalanan ko ba yun?” Sabi ko.

“Eh ang laki-laki ng pera mo ang aga-aga wala pa ngang benta!” Yamot na yamot na si Ate.

“Malaki ba yan, eh P500 lang yan, barya na yan sa akin! Eh di magpapalit ka!” Sabi ko with composure pa rin.

“Pambihira! Wala pang barya mga tao, alas syete pa lang! Nubenta pesos lang magbibigay ka ng limang-daan!”

“Edi wag na, akin na di na ako bibili, kasalanan ko bang wala kang barya, kasalanan ko bang mayaman ako?” Sabi ko.

“Ang yabang nito ahhh, kung mayaman ka bakit peyk binibili mo?” Sabat ni Ate.

Hindi ko na sinagot, wala akong maisagot. Basta mayaman ako, period!

“Akin na yang pera ko, sa iba na lang ako bibili. No wonder walang bumibili sa’yo, ang sungit-sungit mo sa customer! At pwede ba, ibagay mo ang pagta-tantrums mo sa itsura mo!? dyahe ‘to!” Nawala na composure ko.

Ewan kung naintindihan ni ate yung “No Wonder” at “Tantrums” kasi di na siya umiiik eh. Gusto ko pa sana siyang laitin pero ayokong makarma kaya dito na lang sa blog ko. lol. Ewan ko ba kung bakit may mga ganyang tindera ang sungit-sungit. Kasalanan ko bang isa siyang below minimum wage earner at subrang sungit nya? Char!

So in short, hindi ko na binili yung sumbrero sa kanya. Lumipat ako sa kabilang tindahan at buti na lang may kaparehong sumbrero. Pinakita ko talaga sa kanya na dalawa yung binili ko para mainis siya at syempre, hahahaha, meron akong baryang dalawang P100 sa wallet ko, kinuha ko yon at siya kong pinambayad sa sumbrero at sinigurado kong makikita niya na ‘yon ang ibinayad ko sa kabilang tindahan, kumag siya.

Gusto ko lang naman talaga mabaryahan ang pera ko eh kaya yun ang pinilit kong ibayad sa kanya, kung medyo naging mabait sana siya sa pagtatanong, hindi sana umabot sa ganun. Kainis. -The End

Anyway, ganun nga ang nangyari. Wala naman siya kuneksyon sa pagpapahaba ko ng buhok, naikwento ko lang. haha. Oh siya sige, alis na muna ako! Ingat!

2011/02/09 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

7 Comments »

  1. kainis si ateng tindera. grabe lang. nagtataray… feelingera masyado.😀

    Comment by khanto | 2011/02/09 | Reply

  2. hahaha! belat dun sa masungit na tindera. di tuloy nakapag-bwena mano. pag ganyan mamalasin yung tindahan no.

    Comment by sean | 2011/02/10 | Reply

  3. Haha. Ang mean mo. Haha. Nakipagsagutan ka pa at nang-in-yer-peys. Haha. Sabagay, okay lang din. Mapagmataas na nagyon ang mga tindera, hindi na mkuha sa mahinahon na usapan. Haha

    Comment by Yow | 2011/02/10 | Reply

  4. hahaha.. in your peys ate in your peys.. hahaha

    Comment by kikomaxxx | 2011/02/10 | Reply

  5. dapat kasi may customer service kasi customer is always right.. hehe

    Comment by rus | 2011/02/10 | Reply

  6. Naloka ako ng isat kalahati sa kabugan nyong dalawa ng tyendera. Kong ako yun girl! Ang eksena ko.. Okay ate.. Walang panukli? Okay.. SAbay talikod at biglang deadma. Pakak!

    Comment by badet | 2011/02/12 | Reply

  7. hahahahah! sorry aleng tindera… =)

    Comment by docflip | 2011/02/15 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: