BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

One More Chance on Valentines.


Kumbaga sa buhay, ito ay isang mahabang paglalakbay.

Kinailangan kong mapag-isa noon para makapag-isip. Kinailangan kong lumayo, makalimot at magsimulang muli. Oo, iniwanan kita – at ito ay isang desisyong gusto kong pagsisihan pero hindi, hindi pwede. Dahil ito ay kailangan ko – kailangan mo, para sa akin – para sa iyo.

Nasaktan ka, ako rin, pareho tayo at sa bawat gabing kaulayaw ko ang kadiliman, pinilit kong hindi ka isipin. Pinilit kong makipagkasundo sa kalungkutan at makipagniig sa bawat bukang liwayway na dumarating na wala ka sa tabi ko. Ang bawat araw ay tila isang takip-silim na bumabati sa akin sa tuwing maghahati ang liwanag at dilim, kapiling ang hamog at ang lamig.

Malungkot. Nag-iisa. Lumuluha  – Habang nanonood ng One More Chance.

Sana kaya ko, pero hindi eh. Kasi ang totoo, umaasa pa rin akong sasabihin mo, sana ako pa rin, ako nalang, ako nalang ulit. :[

Wala lang. Balak ko lang itong panoorin sa Valemtayms. Ito na lang. Suggestion lang ito ng isang kaibigan. Happy Valemtayms to all. Spread love not peace! Char!

*hindi ako bitter, ok?! :]

2011/02/11 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

5 Comments »

  1. Abot ang post? Haha. Wag na yan ang panoorin mo para maging masaya ang balemtayms. Hindi porket walang kasama eh dapat ng magpakalungkot. Cheer up. Spread the love, humayo ka at magpakarami. Haha.

    Comment by Yow | 2011/02/11 | Reply

    • haha – sige Yow, anu masa-suggest mong panoorin ko? Yung masaya ha? hahaha. Happy Valentines and Happy Birthday to you!😀

      Comment by bienthoughts | 2011/02/11 | Reply

  2. abah ang daming single sa valentines lol pwede namang aliwin ang sarili kahit ikaw at ikaw lang at ang sarili mo cheers! =D

    Comment by emoterong bulol | 2011/02/11 | Reply

  3. one of my favorite movie.. Happy Independence sa atin..w ahehehe.. pero huwag malungkot kasi di lang naman feb ang valentines araw-araw ay valentines.. wahehhe

    Comment by kikomaxxx | 2011/02/11 | Reply

  4. “Ba’t ba kating-kati kang palitan ako? Putangina naman Bash, ganyan ka ba katigas?” <– Paborito kong linya sa pelikula. Gusto ko ngang hiramin ito noon kay John Lloyd eh. Haha

    Comment by FerBert | 2011/02/11 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: