BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Maglaro Tayo.


halika ako ang taya…

hindi ako masyado marunong

hindi ko kabisado ang mga panuntunan

pero madali akong matuto,

lalo na kapag nasasaktan ako,

mas lalo akong tumatapang

parang sundalo…

 

halika, handa ako…

kung nais mong makipaglaro

hindi ako marunong umurong,

at hindi ako madaling sumuko

lalo na kapag hinahamon ako

sa labang hindi ko naman kilala

 

maglaro tayo ng laro mo…

handa akong masaktan

basta handa ka ring masugatan

at sigurado ka sa ginagawa mo

hindi ako magdadalawang isip

na sumali sa iyo, sa laro mo…

 

sabihin mo lang.

 

halika at sayang ang oras

marami pa tayong dapat pag-usapan

tulad

ng

kung ano ang dapat kong maramdaman

at

kung ano ang dapat mong katakutan

naisip ko, siguro sanay ka na

sa ganitong laban, sa ganitong laban

 

pero hindi ako matatakot

na suungin ang iyong kalawakan

dahil matagal ko na rin gustong matutunan

ang larong iyan, ang laro iyan.

salamat sa pagkakataon.

halika, ako ang taya.

 

tignan natin

kung sino

ang unang

mahuhulog,

matutumba,

madadapa…

2011/02/22 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

3 Comments »

  1. hahaha kung pwede lang sana parang laro lang ang pag-ibig ok lang…

    Comment by Kiko Maximillos | 2011/02/23 | Reply

  2. hmm ano kayang laro yan?? hihihi

    sige laro tayo!! ganda ng pics sa taas!!

    Comment by p0ks | 2011/02/23 | Reply

  3. malaman!

    Comment by sean | 2011/02/24 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: