BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Let Me Be The One.


Hindi ako naniniwala sa mga signs at wala akong pakialam sa kanila kung totoo man sila o hindi. Para sa akin, ang lahat ay isang pagkakataon lamang in this small world after all at hindi maaaring maging basehan ito ng aking mga desisyon sa buhay. Palaging sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko kapag mayroon akong isang malaking desisyong kailangang gawin, humingi daw ako ng signs para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin. Pero hindi ko ito kailanman sinunod dahil hindi nga buo ang paniniwala ko dito.

 

Yun bang tipong “kapag may nakasalubong kang itim na pusa habang naglalakad pauwi ng bahay, ibig sabihin non matutupad ang wish mo”. O kaya naman “kailangan may makita kang isang babaeng naka-puti na may t-shit na may tatak na Tazmanian Devil, ibig sabihin non tama ang gagawin mong desisyon” At kung anu-ano pang signs. Well, when you think about it, it’s really fun. Kasi maraming pagkakataon na nagkakataong nangyayari ang mga signs na yun – out of nowhere – bigla na lang bubulalas sa harapan mo. Amazing in a way.

 

Katulad nitong nangyari sa akin. OMG. Bigla ko na lang naisipang humingi ng sign out of the blue. Kasi naman gustong-gusto ko siya. I mean, physically, attracted ako sa kanya and this is the kind of attraction that you would really wanna take to a higher level. So ganun.

 

Nagkita kami isang araw sa SM-Bacoor. I got fascinated sa itsura niya and all that shit. We went to Quantum para mag-arcade and after that nag-decide kaming mag-videoke.

 

Sa Quantum kasi, we had to choose our songs to sing muna bago makapasok sa videoke room, and so we did. Namili kami ng songs. Katabi ko siya. Out of nowhere, naibulong ko na lang “Lord, give me a sign. Kung meron mang isang song dito sa libo-libong songs na ito na pareho naming mapipili, I’m sure na, I’ll pursue this”.

 

And so we went to the videoke room to sing.

 

Hinulog ang mga tokens sa videoke machine and then we started singing. After a few songs, there it came, that one freakin song we both chose unconsciously. Nanginig ang aking kalamnan, tumibok ang aking puso, kinabahan ako, hindi ko alam ang gagawin – napatunganga sa kawalan. Nangyari ang sign na hinihingi ko in an instant.

 

You know what that song was? LET ME BE THE ONE by Jimmy Bondoc. Medyo hindi sya fit sa “in-love” status ko pero keber!

 

Ayaw kong maniwala pero hindi ko alam kung bakit sa libo-libong mga kanta na nasa song book na iyon, nagkataon pang napili namin yung nag-iisang kantang iyon. Na-amaze lang ako. Sobra.

 

And so, ayun. Yun na. I’m pursuing it. Wish me luck. It’s something to hold on to I guess. I disregarded the fact na nagkatotoo yung hinihingi kong sign. Wala talaga akong pakialam dun. Siguro dagdag na lang yun and I’m doing this not because of the sign but because I feel that it’s worth a try. Sana lang maging okay ang lahat.

 

And so help me God!😀

2011/03/09 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

1 Comment »

  1. para sakin, totoo ang mga signs.. lagi ako nahingi ng ulan kung may gusto ako malaman na maganda.. aun bigla nalang umuulan eheeheh!

    Comment by patryckOH | 2011/03/10 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: