BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Masarap.


Isang gabi. Isang mahabang gabi ng kasiyahan, harutan, halikan, tinginan, kindatan, ulayaw at pagkikipaglandian. Isang gabing inuulit-ulit hanggang sa makasanayan. Isang gabing nangakong hindi na muling babalikan ngunit hinahanap na ng katawan. Ang hangin na nilalanghap at ibinubuga ay mula sa usok ng sigarilyong lumalason sa buong pagkatao, pumapatay sa sistema ng dati’y dalisay na pangangatawan. Barkada, kaibigan, ka-tropa, kakilala, lahat sila ay bahagi ng isang mahabang gabi ng iyong buhay sa saliw ng isang malakas at dumadagundong na musika, habang yumuyugyog ang ulo at ang buong katawan, habang nilalaklak ang San Mig Light at Tanduay Ice, habang ang mga mata ay lumilinga-linga, sinisipat ang bawat sulok, umaasang magtatagpo ang dalawang mata at sa isang simpleng pag-tango at pag-ngiti, magsisimula ang isang mainit na pakikipag-laplapan ng dalawang labing hindi naman magkakilala. Masarap. Nakakapanghina ngunit masarap. Ipokrito lang ang magsasabing hindi masarap, maniwala ka, masarap.

2011/03/28 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

1 Comment »

  1. […] Masarap. […]

    Pingback by Masarap. (Part2) | Bienthoughts Muy Bienthoughts | 2011/04/05 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: