BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

50 Shits About Me.


Ayan at dahil sinisipag na ulit akong magsulat, kailangan talaga dalawang posts per day para masaya! Habang nagagawi kasi ako sa bahay ng mga kaibigan kong bloggers eh napansin kong marami sa kanila ang nauto ng nagpauso ng “50 Things About Me” na yan, and since uto-uto din ako, eto ang share kong shits para kung sakali mang may mapadaan dito at magbasa, atleast malalaman nyang hindi pa rin ako outdated sa mga kaganapan sa blogosperyo. Heller, kung sa fashion nga eh super updated ako eh, dito pa kaya?! <teka nasaan na ba yung polkadots kong pants?>. LOL.

And so, eto na, without further adooooo!

1. Panganay ako. Actually, kung hindi kaagad kinuha ni Papa God yung Ate ko, edi sana ako ang pangalawa, but since it’s meant to be, oo, panganay nga ako.

2. Noong elementary ako, pangarap kong mapunta sa Section 1, pero ewan ko ba kung bakit kahit napakatalino ko namang bata noon, mula grade 1 hanggang grade 6 eh Section 2 lang talaga ako.

3. Nagsakristan ako noon kaya ang bait-bait ko. Naawardan pa nga ako noon ng “Altar Boy Of The Year” dahil konting-konti na lang daw eh santo na ako.

4. Noong 10 years old ako (mga 10 years ago, promise!) haha, nangupit ako ng P1000 sa tatay ko para makabili ng cassette tape ni Britney Spears, Anthony Kavana, All Saints, at Backstreetboys, at sangkatutak na mga songhits, tapos syempre nahuli ako pero hanggang ngayon hindi ko pa rin inaamin na ako ang kumuha, unless mabasa ito ng tatay ko, ngayon pa lang mabubunyag ang katotohanan. Bwahaha! (Santong-santo diba?)

5. Noong elementary ulit ako, naalala ko yung comment ng adviser ko sa class card ko: “…Matiyaga sa pag-aaral subalit may kadaldalan, iwasan ang ‘di magandang ugaling ipinakikita, mag-aral ng mabuti…”, at nakatago pa yang class card ko yan hanggang ngayon, souvenir ba? Ang bait kong bata noh?

6. Noong bata pa ako, nakahiligan kong magtago sa ilalim ng mesa habang nagpapapak ng Vetsin. Sarap na sarap ako sa lasa non. Siguro yun ang dahilan kung bakit naging ganito ang itsura ko ngayon, kayo na bahala humusga. Pero I really love Vetsin noon, hanggang sa mahuli ako ni Mama at pagsabihan na lason daw ang vetsin at hindi dapat pinapapak.

7. Noong elementary din ako, binato ako ng baso ng teacher ko sa English, naalala ko ang name nya, Mrs. Diolola. At sinugod sya ni Mama sa skul para giyerahin. Hindi sana ako magsusumbong non kung hindi pa nakapa ni Mama yung naghuhumindik na bukol sa ulo ko.

8. May bestfriend ako noong elementary, ang pangalan nya ay Zigfredo Garboza, at kung nasaan man sya ngayon, sana ay gwapo rin siyang tulad ko. Ang trip namin noon eh basahin ang mga plate numbers ng mga sasakyang nakakasalubong namin. For example, WGE772 read as weyj772, or XKD116 read as ekskid116, ikaw na bahala kung sa papaanong paraan mo sya gustong basahin at kung sa ilang syllables mo sya gustong hatiin, kanya-kanyang trip yan.

9. Mahilig ako sa spaghetti. Kahit ketchup lang ang sauce, kakainin ko yan. Kaya kung gusto mong makuha ang puso ko at tumagal ang relasyon natin, lagi mo akong ipagluto at pakainin ng ispageti. Ito ang pagkain na kaya kong kainin araw-araw na hindi nagsasawa. Ito ang batayan ko kung tatagal ba ang relasyon natin o hindi – ispageti, bow!

10. Mahilig ako sa fish, galunggong, maya-maya, tambakol, tamban, blue marlin, tuna (sosyalista?), pero hinding-hindi mo ako mapapakain ng bangus, itaga mo yan sa bato. Hindi lang dahil sa matinik ito, kundi dahil meron itong after taste na ewan ko ba kung bakit hindi madaling mawala sa dila ko at kapag nalalasahan at naaamoy ko ito eh sumusuka talaga ako. Yuck!

11. I got my first cellphone when I was in 3rd year college. Ganun ka-late ang technology sa akin. Unang-una wala kaming perang pambili noon at pangalawa, wala akong pambili ng load kaya hindi ko rin magagamit.

12. Ang first love ko ay si Jacqueline Catamio. Kung nasan man sya ngayon, hello, hello! Alam ko may asawa at anak na sya ngayon.

13. Ang first kiss ko ay si May Anne Padilla, ang alam ko may asawa na rin sya ngayon at kung nasaan man sya ngayon, alam ko friends kami sa FB eh, hello, hello din!

14. Ang pinakaunang sweldong natanggap ko noon ay nagkakahalaga ng tumataginting na P675.00. Mayaman na ako ng lagay na yan. Student Assistant kasi ako noon sa library sa school at hindi ako tumagal dahil mas masungit pa ako sa boss ko at mas maingay pa ako sa mga estudyanteng pasaway sa library.

15. Mahilig akong kumanta. Sa katunayan, sinubukan kong mag-audition noon sa Star in a Million at syempre pa, dahil isa akong gifted singer na sobrang angelic ng boses eh ayun, hindi ako natanggap. Kasabayan kong mag-audition noon si Frenchie Dy. I’m sure naman mas magaling ako sa kanya, nagkataon lang na mas mataba sya! LOL. Sumasali din ako noon sa mga singing contests sa school, minsan panalo, minsan talo – that’s life.

16. Noong college ako, naging Editor-in-Chief ako ng aming school publication. Mahilig kasi talaga ako magsulat. Mabuti na lang at hindi na nag-enroll yung former EIC kaya sa akin napunta yung position, pero hindi ko naman winish na hindi na sya makapag-enroll, nagkataon lang, promise.

17. Balik tayo noong bata ako, may naalala lang ako. Mahilig kasi ako mamulot ng batong-buhay noon, yung kulay puting bato na maliliit. Tapos ipapakita ko sa mga kalaro ko at ikukuwento ko na pag ininom nila iyon eh magiging superhero sila parang si Darna at Captain Barbel. Kaya ayun, lahat sila napainum ko ng batong buhay at kapag hindi nila kayang lunukin, binibili ko pa sila ng ice-tubig para lang malunok nila. Tapos pinapasigaw ko sila ng Darna! o kaya, Superman! At kapag hindi nagbabago yung damit nila, sinasabi ko medyo delayed lang yung effect, try ulit nila mamaya. Ewan ko lang kung ano na nangyari after, siguro nailabas na nila yun.

18. Oh well, kung kilala mo ako, syempre alam mo na dapat na mahilig akong umakyat ng bundok da ba?! Pero kung hindi mo pa alam, ayan, sinasabi ko na sa’yo. I love the mountains. Sobrang mahal na mahal ko ang bundok to the point na kung magreretire na ako bukas, sa kabundukan talaga ako maninirahan. Ganun.

19. Kung papasok ka ng kwarto ko ngayon, dalawang bagay lang ang sobrang mapapansin mo, ang sangkatutak na mga libro ko at mga alikabok nito. Mahilig ako magbasa, need i say more?

20. Kumakain ako ng Spicy Caldereta habang sinusulat ko ito. Mahilig din ako sa spicy food, like, guess what? Spicy Spaghetti! LOL. Basta gusto ko yung kinakain ko may thrill kaya dapat maanghang. Buti na lang at nagpauso ang jabee ng Spicy Chicken Joy at Spicy Chicken Bbq. dahil yun lang kinakain ko sa Jabee bukod sa Ispagetti. Ayun.

21. May pagka-sentimental akong tao. Lahat ng bagay na binibigay sa akin eh tinatago ko talaga. Kaya kapag papasok ka sa kwarto ko, may mapapansin kang isang malaking baul doon at kapag binuksan mo ito ay tatambad sa iyo ang lahat ng ala-ala ng aking buhay. Ultimo mga test papers ko noong elementary at mga notebooks ko noon hanggang college eh nakatago. Kaya kapag trip ko mag-emote at mag-reminisce, bubuksan ko lang ang mahiwagang baul and in an instant, I’m back to my past na! (Tama ba preposition?) *wink.

22. Mahilig akong mang-okray pero lahat yun sa isip ko lang, dahil ayoko rin maokray, haha. Nagkakaroon lang ako ng lakas ng loob kapag nakakainum ng nyalak o kaya eto, nagba-blog! Haha. Mostly constructive criticisms lang naman, promise!

23. Polite ako. Kung meron mang mga magagandang katangian pa ang natitira sa aking katawang lupa, siguro ito ay ang aking pagiging polite. I’ll do my best para hindi ma-offend ang isang tao dahil hindi ako comfortable sa feeling na may nao-offend ako, unless someone deserves it. But generally, I’m polite and I know that for sure.

24. Pero minsan, I think highly of myself. Hindi ako mahilig makisali sa mga crowd na alam ko eh sobrang cheap at shallow. May mga pamamaraan ako kung papaano ko maitataboy ang isang taong hindi ko masyadong type ang manners. Ayoko ng mga chipipay na chismisan. Ito kasi ang prinsipyo ko sa buhay, isinulat ito ni Eleanor Roosevelt kung hindi ako nagkakamali: “…poor minds talk about people, average minds talk about events, great minds talk about ideas…” at totoo yan. Totoong-totoo. Maraming beses na pagkakataong napatunayan kong ang mga taong mahilig mag-chismis ng kapwa nila ay sila palang mga superficial and hypocrites.

25. Sobrang mapili ako sa mga kinakaibigan ko. Hindi ako madaling magtiwala. Kaya nga madalas akong mag-isa dahil maraming naiilang sa akin. Mahirap akong mabasa. Talent yan. I can mingle and be polite to everyone but it’s gonna take a lot of perseverance and patience to gain my trust. Mahilig ako magduda. Unless you can prove me wrong about my hypothesis, I will never believe you. Ayun lang.

 

Hanggang dito muna kasi nahihirapan na akong mag-isip. Pigang-piga na ang kukote ko. Baka hindi na ako makapag-isip ng mga bagay na dapat kong iniisip bukod dito. haha. Itutuloy ko na lang kapag nakapag-charge na ang aking brains! For now, yan na lang muna. Sana hindi ka na-bored magbasa. LOL.

To be continued, like you care?! LOL.

2011/04/05 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

2 Comments »

  1. dami kong tawa dito.

    1. parehas tayong panganay.
    3. tawa ko ng tawa dun sa Altar Boy Of The Year
    4. ang laki ng kinupit mo. takte. ako mamiso lang, guilty pa ko nun.
    5. dami ko ulet tawa dun sa comment ng titser mo sayo.
    9. trip ko din istapageti.
    10. at isda.
    17. kawawa naman yung mga napagtripan mo.
    18. mamumundok din ako, kaso parang 1ng taon na mula nung huli kong akyat ng bundok.
    20. spicy foods din trip ko
    25. bihira lang din ako makipagkaibigan at mahirap din ako basahin sabi nila. pero madali akong maging kaibigan, basta alam ko na nagkakausap na tayo at nagkakasama sa mga gimik, tropa na ang turing ko sayo. ang masaklap nyan, hindi pala lahat sila kaibigan ang turing sa akin.

    at ang pinakanatawa ko talagang 50 facts about you ang title pero kalahati lang muna. piz out.

    Comment by bulakbolero | 2011/04/06 | Reply

  2. maraming salamat sa pagdalaw ginoo! hahaha. Ispageti din ba ang batayan mo kung magtatagal kayo ng GF mo?! peace! At totoo yan, hindi lahat ng taong tinuturing mong friend eh friend din ang turing sa iyo, that’s one sad truth in life we must face. I’m glad napadaan ka dito, lagi ko kasi binibisita ang page mo, idol! Keep up the good work! Luv you pare! LOL😀

    Comment by bienthoughts | 2011/04/06 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: