BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Masarap. (Part2)


Hmmm, eto na, napapansin ko na ang unti-unting pagkamatay ng blogsite kong ito na pilit kong binuhay noon. Haha. Inaatake na naman ako ng katamaran at medyo naging busy din ako sa mga kung anu-anong modus operandi nitong mga nakaraang linggo. Malamlam na ang aking bahay na ito, marami nang biyak. LOL. But hey, I am still alive, you know?! Now you know! Napapasarap lang ang pagnamnam ko sa buhay nitong mga huling weekends at Oo, naadik na ako sa kaka-party-party at kaka rakenrol kung saan-saang mga bar na pwede kong mapuntahan. Ewan ko ba, after almost half a lifetime na sobrang boring ng buhay ko, eto ako ngayon at sobrang nag-eenjoy, hindi lang sa mga nature tripping at mountain climbing kundi sa mga night life at occasional drinking. Ang sarap! Hindi ko alam kung paano ie-explain pero for now, dito muna ako sa mundong ito. Madami akong nakakasalamuhang mga tao at madami akong natututunan sa kanila, that’s what life is all about, isn’t it? Kung maaga ko lang sana natutunan ang mga ganitong kasiyahan sa buhay edi sana marami akong maise-share ngayon. But it’s never too late to shine, enjoy life lang muna habang bata ka pa. We are not gonna stay young forever so while we’re at the prime of it, let’s rock on! Just make sure you don’t forget your other responsibilities dahil ibang usapan na yan kapag nagiging irresponsable ka na.

Anyway, may ikukwento pala ako. Tungkol ito sa last update ko dito na Masarap. Hindi ko naman inakala kasi na darating din ako sa ganitong point kung saan medyo magiging liberated ako sa pagdating sa pakikisalamuha ko sa mga tao. Nabuhay ang katawang lupa ko isang gabi habang napaparty-party sa isang bar Maynila. Medyo lango na ako sa dalawang bote ng San Mig Light, madali kasi ako malasheng. At dahil sa nahihilo na ako eh minabuti kong maupo muna doon sa isang sulok ng bar kung saan hindi ako masyadong mapapansin ng mga tao. Yumuyugyog ang ulo ko habang sumasabay sa pagyanig ng music, habang minamasdan ang nakakahilong galaw ng mga ilaw at ang nakaka-suffocate na amoy ng sigarilyo. Nakatunganga lang ako. Tumigil ang mundo ko pero hindi ang ingay sa paligid.

Nang biglang may humawak sa pwet ko! LOL. Napatingin ako sa kanya, pilit na inaaninag ang bawat hulma ng kanyang pagmumukha. W00T! Cute sya kaya hinayaan ko ang kamay nya sa pwet ko! hahaha. Tinitigan ko sya, tinitigan nya ako pero natalo sa ako titigan. Napayuko ako. Napatawa. Kunyari hindi ko alam ang gusto nyang mangyari, kunyari wala akong “hint” kung ano ang dahilan nya sa paghawak sa pwet ko. Tiningnan ko syang muli, nakangiti sya at hindi natinag ang pagkakatitig nya sa akin. At napako muli ang mata ko sa kanya – naging tanda iyon ng pag-sangayon ko sa kung anoman ang binabalak nyang gawin sa mura kong katawan, LOL. Inilapit nya ang kanyang mukha sa akin, ang sarap ng amoy ng hininga nya, nakaka-buhay ng dugo! Nakakawala ng lasing.

At dyan nagtatapos ang kwento ko.

Hanggang sa muli, paalam!😀

2011/04/05 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

2 Comments »

  1. potah. bitin! tuloy mo pa bien! ano nangyari? haahaha

    Comment by froglet | 2011/04/05 | Reply

    • hahaha, secret, ikaw na bahala magdugtong. LOL

      Comment by bienthoughts | 2011/04/06 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: