BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Of Bienthoughts and Erik Santos.


Hindi ito isang promotional write-up para sa kung anumang concert or album ni Erik Santos. Sa totoo lang, hindi pa ako updated sa schedule nya for the month. Ang alam ko lang eh may mga mall shows sya kung saan mang lupalop ng daigdig. Naisipan ko lang sumulat ng isang sanaysay tungkol kay Kuya Erik at dahil blog ko ito, dito ko gustong sabihin kung bakit siya ang paborito kong singer bukod sa iba pa, at sa ayaw mo man o sa gusto, kung napapatambay ka dito sa bahay ko, eh mababasa mo talaga ito. Gusto mo man siya o hindi. Wushu!

Sisimulan ko muna sa isang maikling history ng aking “singing career” (Asus!). Unang-una hindi ako mahilig sa musika at pagkanta, nagkataon lang na ang mga taong nakapaligid sa akin eh mahilig dito kaya in a way eh kinahiligan ko na rin ito. Noong unang panahon, sa isang madilim na sulok ng aming tahanan sa Mandaluyong eh may isang batang mahilig maglulundag sa kama habang hawak ang isang bote ng deodorant na ginagawa niyang mikropono para sa kanyang solo concert. Oo, solo concert dahil nagsosolo siyang kumanta at walang ibang kasama kundi ang isang malaking stuffed toy na Panda na nagsisilbing audience nya. Doon sa sulok ng kwartong iyon nabuo ang kanyang pangarap na maging isang sikat na singer balang-araw. Tawagin na lang natin ang batang ito sa pangalang Billy. Gwapo siya. Yan ang laging nakatatak sa isipan niya. Gwapo siya dahil yan ang sabi ng kanyang nanay at tatay at wala nang makapagpapabago pa ng pananaw nyang iyan.

Isang araw, nagkaroon ng singing contest sa kanilang paaralan at siya ang napiling isali sa contest na iyon. Nagpraktis siya ng maigi dahil gusto niyang maipanalo ang labang iyon. Ang napili niyang kantahin ay “This is The Moment”. Naisip niya kasi na kapag ang kantang iyon ang kanyang ipinanglaban eh tiyak na mananalo siya, walang duda. Iyon ang kanyang winning moment! Aja!

At dumating ang araw ng patimpalak. Para sa kanya, ang papangit ng boses ng mga kalaban nya at tingin nya eh malaki ang lamang niya sa lahat, itsura pa lang. Ganun ka-conceited si Billy. Mataas ang tingin sa sarili. Natapos ang kanyang pag-awit at sa bandang huli ay itinanghal na ang mga nanalo. Walang siyang napanalunan kundi ang tawanan ng mga manonood dahil sa pag-piyok niya. Natalo si Billy at umuwi siyang katawa-tawa. Nasira ang kanyang mga pantasya na maging isang sikat na mang-aawit balang araw.

 

 

***************************

 

Ayun nga ang maikling history ng aking “singing career”. Ang moral lesson, be humble and don’t think highly of yourself and never underestimate other people’s talent and capabilities. Don’t worry gawa-gawa ko lang yan. Hindi naman ako ganyan ka-conceited, medyo lang. LOL. Pero seriously, when I was younger, I tried to join several singing contests lalo na sa school. There were times na nananalo ako kahit papano pero mas madalas siyempre, without a doubt, eh talo ako. Trip-trip lang naman eh. Actually, after nang batch ni Erik Santos sa Star In A Million, eh nag-audition din ako, kasabayan si Frenchie Dy. Oh da ba?! Karir kung karir. Pero syempre – may bago pa ba? Edi talo rin, hindi ako natanggap! Hahaha. Panis! Naalala ko non, nagpunta ako ng ABS-CBN para mag-audition, syempre di ko pinaalam sa parents ko, sabi ko gusto ko surprise na lang pag natanggap ako. Ayun saktong pamasahe na lang ang dala kong pera. Ang init-init sa audience entrance at uhaw na uhaw na ako. Pano ba naman ako makakakanta nyan kung tuyot na tuyot ang lalamunan ko? Wala na rin ako pera pambili ng kahit ice-tubig man lang. Poorita much?! At dahil sa madiskarte akong bata noon, syempre nakaisip ng paraan ang inyong lingkod para mawala ang uhaw ko. Nung pinapasok na kami sa studio, ayun, doon sa restroom, hinintay kong umalis ang mga tao sa loob bago ko namnamin ang mala-bukal na tubig sa gripo ng restroom ng ABS-CBN! Panalo ang lasa! Iyon ang pinakamasarap na tubig na natikman ko! Pang Star In A Million! Rakenrol!

Si Erik Santos noon ang nasa isip ko habang nagjo-journey ako sa mga audition adventures kong ‘yan. Sabi ko kung siya eh natanggal noong una pero nakabalik as wild card contender, syempre ako din dapat kaya ko. At nung nanalo siya as grand champion, hindi na ako tumigil sa pagsubaybay sa kanya. Siyempre nung nagkatrabaho na ako at kumita na ng sarili kong pera, eh binili ko lahat, in bulk, ang kanyang mga albums at nangolekta ng ilang mga posters at collectible items. Sinundan ang kanyang karera at nag-ipon para makapanood ng mga concerts niya. Mabuti na nga lang at nakilala ko ang Erik Santos Friends Online at kahit papano eh nagkakaroon ako ng access sa mga schedules nya at paminsan-minsan eh nakakapanood ng live sa studio ng ASAP Rocks! At syempre nagkaroon din ako ng chance to “rub elbows” with him sa mga meet and greet sessions sa mga concerts nya at mall shows, even sa mga private Christmas Parties with his fans.

Naniniwala kasi ako na ka-boses ko talaga si Erik. Promise! LOL. Mas lamang lang siya ng limang paligo, haha. Kaya oo, siguro isa sa mga dahilan kung bakit sinusundan ko ang musika niya eh dahil sa nakaka-challenge ang kanyang mga kanta. Woooshoo! Hindi naman kasi basta-basta ang quality ng kanyang boses, at dahil diyan wala akong kayang kantahin sa mga kanta niya. Nakaka-frustrate! Char! Sabi ko nga minsan, kapag nakanta ko ng maayos kahit isang beses lang yung song nyang “Pagbigyang Muli”, haynaku, pwedeng-pwede na akong sumakabilang buhay. Pero siguro nga love na love ako ni God at pinili niyang hindi ko makanta ang song na iyan dahil marami pa daw ako dapat gawin sa buhay. Kaya ayun. Haha. Ibaling ko na lang daw sa pagsusulat ang aking frustrations! *wink.

Speaking of frustrations, dito ko lang siguro aaminin, pero one of the reasons why I really admire this guy is because “HE IS LIVING MY DREAM(s)”. Gets mo ba? Lahat ng mga pinagdadaanan niya as “somebody” right now, yan yung mga bagay na gustong-gusto kong mangyari sa akin. Mula sa pagkapanalo sa singing contest, magkaroon ng sariling album, sumikat, yumaman, umarte sa TV at maging sa movies, all of it. Gusto ko yan! But since I can’t live that dream, I mean for all I care, it’s really coooooool to know na may taong nabubuhay sa mga pangarap mo lang dati. It’s like, if I don’t deserve to be in his place, I’m sure there’s nobody else but Erik who does. Gets mo naman siguro. Not that I envy him. Of course we all have our own purpose here on earth and we have to learn to accept that. Naniniwala lang kasi ako na kaya tayo humahanga sa isang tao eh dahil yung mga bagay na wala sa atin eh nakita natin sa kanila. So instead na mainggit tayo, we just support them. Ganun. Ang gulo. Basta alam mo na yan!

He doesn’t know me for sure but I know he loves all his supporters. I’m not even half a wink of the people who supports him all over the globe but I’ve seen him spoke in front of everyone and he never fails to show his sincerity in every thing that he says. Naalala ko isang beses, sinabi niya, in the humblest way he can, and I quote: “…sino ba naman ako, tao lang din naman ako, pero ang sarap sa pakiramdam na ang bawat galaw ko eh napakalaking bagay para sa mga sumusuporta sa akin, kaya sobrang mahal na mahal ko kayo…”. Something to that effect, hindi verbatim yan pero parang ganyan yung sinabi niya, at sobrang natuwa ako sa linyang ‘yan. May ibang tao, biyayaan lang ng kaunting kasikatan eh akala mo kung sino na. Well, siguro nga masusukat mo lang ang sincerity ng isang tao kapag nakasama at nakausap mo siya sa personal. And I’m telling you this hindi dahil sa gusto ko siyang itaas sa lahat dahil idol ko siya. I’m telling you this dahil iyon ang nararamdaman ko sa kanya bilang isang tagahanga and I’m saying this with utmost sincerity. I could be wrong but that’s what I know about him. Isa siyang inspirasyon para sa akin. Isang inspirasyon ng pagpupunyagi para marating ang tagumpay. Hindi man sa pagkanta, marahil sa ibang larangan na gusto kong pasukin sa mga susunod pang mga panahon. Lahat naman siguro tayo may kanya-kanyang mga inspirasyon sa buhay. I may not be that outspoken pagdating sa ganitong mga bagay pero I’m proud to say that Erik Santos has been and will always be my inspiration, lalo na syempre sa pagkanta. Asus! Ipilit talaga ang pagiging singer. Haha.

Ituring mo na lang itong isang simpleng blog entry. Isang maikling kwento. Isang pagbabahagi ng nararamdaman. Alam ko naman na ang ganitong uri ng sulatin ay maaaring i-categorize as a “fan mail” at maaaring husgahan bilang isang sulating naghahanap ng pansin at justification para sa kanyang hinahangaan anuman ang mga kapintasang ibinabato sa kanyang idolo. But I don’t consider myself as a fan, I am a supporter. And given my credibility as a keen observer, hindi ako basta-basta sumusuporta sa isang tao kapag hindi ako naniniwala sa kakayahan nito. Halimbawa na lang ang ginawa kong pagsuporta noong eleksyon kay Sir G1BO Teodoro. Naniniwala ako sa kanyang kakayahan at mga adhikain kaya nagbuhos ako ng panahon para sa kanyang kampanya. Pinag-aralan ko ang kanyang mga plataporma at naglaan ng tiwala at talino para maiparating sa lahat ang kanyang mga balakin. Hindi man sya nanalo, hindi nawala ang aking paghanga at suporta at magpasa-hanggang ngayon ay masugid akong sumusubaybay sa kanyang mga gawain. Ituring mo na lang din ito bilang paninindigan sa isang prinsipyo. Sabi nga nila, hindi mo naman mapipilit ang lahat na gustuhin ang gusto mo, pero maaari mong subukan. Maaari mong ipaglaban – sa salita -sa gawa – o dito, – sa panulat.

Teka, serious much?! Haha. Anyway, this is just another blog entry after all. This time, it’s about Erik Santos, but most of all, it’s about me.

O sya, next time ulit. Naaliw ako magsulat. Moment na moment! LOL ;P

2011/04/07 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

1 Comment »

  1. you are struggling to sing with the range, tempo and timing that you need and you wish to make spectacular improvements within just THREE hrs – read this page now: http://sing.ncsall.org

    Comment by Learn To Sing | 2011/04/08 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: