BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

91st.


Kelan nga ba ako unang nag-blog at bakit ko naisipang magsimula ng isang blogsite? Nung hinalungkat ko ang dati kong bahay, nakita ko ang aking pinakaunang post and it was dated May 20th, 2008, Tuesday. Ayus, halos tatlong taon na pala ang nakararaan. Ayoko nang sabihin kung ano ang laman ng pinakauna kong post dahil natatawa talaga ako, feeling teenager lang talaga. hahaha. But to give you a hint, it’s about love and it’s about my first heartbreak. Ayun.

Pero ngayon, syempre, iba na ang dahilan kung bakit ako nagsusulat. Sa tinanda-tanda ko ba namang ito, hallooo! Kung minsan naisip ko nga kung bakit pa ako nagpapatuloy magsulat, pero may nagtext, sabi niya: “Para hindi ka matuyot”. Hmmm, makes sense. Oo nga, kasi naman sa pagsusulat, gumagana ang utak ko eh. Yung mga bagay na hindi ko kaya at hindi ko maaaring sabihin ay dito ko nailalabas. Nahahasa ang aking imahinasyon at hindi nalalanta ang mga ideyang nasa utak ko lang, kahit kung tutuusin eh hindi naman ganun ka-interesante ang mga isinusulat ko. Parang diary nga eh, haha. But in a way, this blogsite, whether someone reads it or not, makes me feel real good. Nababalikan ko ang mga pangyayari sa buhay ko sa isang click lang. Para nga itong time machine eh. Sabi nga nila, if you want to be immortal, write something. And so I am writing, di bale nang walang sense, di bale nang kung anik-anik lang, basta magsusulat ako. Da ba? Haha.

Naalala ko noong sobrang “into-it” pa ako sa paggawa ng mga maikling kwento, tula, sanaysay at kung anu-ano pa, walang araw na hindi ko dala ang aking notebook at pen. Ayaw ko kasing nalilipasan ako ng idea, kailangan kapag naisip ko siya isulat ko kaagad dahil kapag hindi, nakakalimutan ko siya, sayang lang. Madalas pa naman ang mga idea eh nagsusulputan sa mga hindi inaasahang lugar at panahon. Tulad na lang kapag naglalakad ako sa mall, or sa park. O kapag nagyoyosi ako at nakatunganga sa kawalan. Kapag tumatae at nagcoconcentrate, kung minsan nga kahit may nakasalaksak na earphones sa tenga ko while listening to Frank Sinatra bigla na lang may susulpot na ideya eh. Ganun sya unpredictable. Kaya lagi ako may baong papel at pluma. Pero ngayon, wala na. Kung anu na lang ang pumasok sa kukote habang nagta-type sa kyumputer gaya ngayon. Ganito na lang, impromptu at hindi na ako masyadong maarte sa spelling at grammar, keber na!

Noong simulan ko ulit ang pagsusulat pagkatapos kong mag-hiatus ng ilang taon, nagawa ko nga ang blogsite na ito. May mga pagkakataon pa rin syempre na nakakatamad magsulat pero ngayon, gusto kong ma-maintain ang blogsite na ito na kahit ano basta may mai-post lang. Basta gusto ko ganun lang. Wala me pakialam kung wala dumadalaw, alam ko naman meron kahit isa o dalawa. Keber na. I just wanna have an active website. I’m sure naman paglipas ng panahon at basahin kong isa-isa ulit ang mga isinulat ko, kahit papano matatawa din ako dito. Proven na yan kahit gaano pa ka-non-sense ang post na ito, may mapupulot at mapupulot ako dito pagtagal. Char! haha.

Eto na nga, ayan mahaba-haba na ang nasusulat ko, ayus! Diba? Hahaha. Nakakaasar nga hindi tuloy yung akyat namin sa Mt. Guiting-guiting, pinaghandaan ko pa naman yung ng sobra. Diet, takbo araw-araw, haay, pero sana next time matuloy na. Well, atleast pumayat ako, nakatipid, at pwedeng gumala na lang muna this holyweek kung saan man pwede lumandi. Haha.

This is my 91st post, nakaka-siyam na pu’t isang katangahan na pala ako! ayus!😀

 

2011/04/14 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

2 Comments »

  1. Wow. Congrats on your 91st blog post. Malapit ka na maka100. Ang galing. HAHA. Ako nga di ko inisip na makakabente man lang ako pero nakalagpas ako ah? Haha. Achievement.

    Comment by Yow | 2011/04/14 | Reply

  2. Yey! ako last year nakapag 100th blog sa \blogspot. I was blogging waaay before that pa. Sa livejournal pa ako nagsimula 2005 ata yun. A director/actor friend of mine, Mitoy Sta Ana inspired me to blog. Dami na nangyari sa pagbablog ko, nakasira din minsan sa barkadahan once, at last year, naranasan ko na magaya ng isang kulas kupaloid.

    There can only be one true palakang petot hahaha.

    Well, baka may similar name, but I bet, hindi ko katulad hahaha

    Keep bblogging! I’ll wait for your 100th!

    Comment by Ron Mistica | 2011/04/14 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: