BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Tell Me Your Name.


Ilang ulit na kitang nakakasabay sa bus. Kung hindi nga ako nagkakamali, maraming beses na rin kitang nakatabi. Ilang ulit na rin tayong nagkatinginan. Isang beses nga dahil nakatayo ako sa bus, kinalabit mo pa ako para paupuin sa pwesto mo dahil mauuna kang bababa. Pero sa loob ng panahong iyon, hindi tayo nagkausap. Ni hindi ko nga alam kung ano tunog ng boses mo. Palagi lang tayong nagngingitian. Palagi ka lang tumatango. Yun lang ang ating komunikasyon. Wala na.

Matagal ko nang gustong itanong ang pangalan mo kaso nahihiya pa ako. Minsan nga gusto na din kitang kausapin dahil madalas naman mag-isa ka lang bumabyahe. Madalas din, magkatapat lang ang inuupuan natin sa bus, napapalingon ka kapag napapalingon ako. Napapangiti na lang ako minsan, para tayong tanga. At pagkatapos ay ang walang katapusang katahimikan hanggang sa bumaba ka na lang, hanggang sa bumaba na lang ako.

Isang gabi, nagkasabay na naman tayo sa bus. Napansin ko kaagad ang suot mong damit, bagay na bagay sa ayos ng buhok mo. Hindi ko alam kung timigil ba ang oras o bumagal lang ang pagpatak ng bawat sandali dahil nakita kong papalapit ka sa kinauupuan ko. Sa isang sulok ng utak ko, nananalangin ako na tumabi ka sa akin. Pero nung nakita kong nilampasan mo ang kinauupuan ko, nagkasya na lamang ako sa paglanghap sa halimuyak ng iyong pabango. Ang bango-bango. Hindi na kita nilingon pa, sumandal ako at nagpasyang matulog na lang buong byahe.

Wala pang ilang saglit akong napapapikit ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Ikaw pala yun. Bogz, bogz, bogz, ang sumunod na narinig ko mula sa aking dibdib. Kumakabog siya. Pero hindi ako nagpahalata. Kunyari napatingin lang ako saglit kung sino yung tumabi sa akin, pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakasandal at pagkakapikit. Alam kong sapat na sa akin ang maamoy ang iyong presensya.

at umusad ang byahe…

Habang-daan, may kung anong bagay kang hinahalungkat sa dala mong bag. Inagaw ng paghahalungkat mo ang aking atensyon. Iniisip ko kung may nawawala ba sa gamit mo o kung hindi mo lang makapa sa bag mo yung kung anuman yung hinahanap mo. Napatingin ako sa iyo – ganun ka rin. At sa maraming ulit na pagkakataon, nagtinginan at nagngitian lang tayo. Lumapit ang konduktor para maningil ng pamasahe. Nagdadalawang isip ka pang ibigay ang pera mo dahil buong Isang Libong Piso ito at baka walang maipanukli sa iyo si Manong. Barya pala ang hinahalungkat mo sa bag mo at wala kang nakita. Tama ka nga, walang panukli si Manong konduktor sa ibinigay mong bayad, nakasimangot itong nag-salita:

“wala ba kayong barya? ang laki-laki ng pira nyo, trinta pisus lang ang pamasahi”.

“wala na ho akong barya eh” ang sagot mo naman. Narinig ko rin sa unang pagkakataon ang boses mo. Ang lambing.

“sa iba na lang ho kayo somakay, wala akong ibabarya diyan!” ang sabi ni Manong konduktor sabay balik ng Isang Libong Piso mo.

Nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Manong konduktor. Bakit ka magpapababa ng pasahero dahil lang wala kang pambarya. Unang-una, gabi na – diba sabi nyo “Barya Lang Po Sa Umaga”? Pangalawa, ikaw na ang binabayaran ikaw pa galit? Magpapalit ka, pabaryahan mo yan, gago ka ba?. Pangatlo, ngayon nga lang kami magkakatabi pabababain mo pa siya, wag kang adik!

At dahil sa sinabi ni Manong konduktor, nagkusa na akong dumukot sa bulsa ko ng pera para ako na magbayad ng pamasahe mo.

“Manong, ito na po bayad naming dalawa, Ayala lang!”

Napatingin ka sa akin at ngumiti. Parang hindi mo alam ang gagawin mo, kung tatanggihan mo ba ang offer ko o bababa ka na lang para sumakay sa ibang bus. Pero huli na para tumanggi ka, nabigyan na ako ng ticket ni Manong.

“Salamat ha? Babayaran na lang kita bukas lagi naman tayo nagkakasabay eh” Ang nasabi mo na lang.

“Don’t worry ’bout it, okay lang yun.” Sabi ko, medyo pa-demure.

“Kung gusto mo sabay na lang tayong bumaba para makapagpabarya na rin ako, I’ll treat you for coffee?”

Bakit ngayon pa nangyari ito kung kailan kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho. Gustong-gusto ko mang mag-coffee kasama ka, kailangan kong tumanggi.

“‘I’d love to have coffee with you but I have a meeting at 8pm, don’t worry bout it, I’m sure you’d do the same thing if that was me, right?” Sabi ko. English talaga, promise!

“Right! But I still owe you one. Lagi kitang nakakasabay eh, baka nga bukas magkasabay ulit tayo, ako na lang magbabayad ng pamasahe mo, okay?”

Gusto ko sanang i-suggest kung pwede bang mag-coffee na lang tayo instead na bayaran mo ang pamasahe ko pero hindi ko rin nasabi. Kung pwede lang na magpa-late ako sa trabaho for a few hours para lang makasama ka mag-kape, kaso hindi ako sanay ng nale-late, at importante din ang meeting ko nong gabing iyon.

“sure, sige”. ang tangi ko na lang nasambit, puno ng panghihinayang.

Umusad pa ang byahe hanggang makarating ang bus ng Ayala. Bumaba ka at nagpaalam na may kasama pang tapik sa balikat. Ilang saglit pa ay bumaba na rin ako. Kung bakit ba sa tinagal-tagal nating nag-usap sa bus, hindi ko man lang naitanong ang pangalan mo. Sana magkabasay muli tayo.

Tell Me Your Name.

by: Christian Bautista

Tell me your name you’re lovely
Please tell me your name
Just when I thought
This would be one of those boring games
You walked into these feelings
You looked at me and smiled
My heart unfroze and started going wild
Can you imagine this
The confusion of
first love’s kiss
A return to wondering
If the magic of love was this
You merely said hello
And my mind did a stop and go
Can it possibly be
The future for me is you

Tell me your name
I must know
Won’t you tell me your name
I’m not insane
Just frightened that you might go
Don’t go please stay beside me
Wait until I can tell you all my schemes
Chasing rainbows spinning dreams
Finding someone to love like you

I’m not insane
Just frightened that you might go
Don’t go please stay beside me
Wait until I can tell you all my schemes
Chasing rainbows spinning dreams
Tell me please your name
Tell me.

2011/04/27 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

3 Comments »

  1. Is this the thing called serendipity?

    Comment by Midnight Orgasm | 2011/04/28 | Reply

    • Yah I guess this is serendipity, by accident we met, haay, sana malaman ko na ang name nya. hehe😀

      Comment by bienthoughts | 2011/04/28 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: