BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Bayad Muna Bago Tanong, Onli In Da Pilipins.


Habang nakahinto ang bus at ang aking mga mata ay papungay-pungay dahil sa pagkakaidilip ay nasulyapan ko ang karatulang ito na nakakabit sa isang tindahan malapit sa Bacoor, Cavite. Unang dumapo sa isip ko na kunan ito ng litrato dahil natawa naman talaga ako. Hindi ko lang sure kung totoo nga na may bayad talaga ang pagtatanong sa kanila. Ang pinoy nga naman, basta pagkakakitaan, hindi magpapahuli. Haha. Pwedeng business ito lalo na sa mga taong maraming alam at pang-asar naman para sa mga katulad kong walang sense of direction. Goodluck! Anyway, kung ayaw mo magbayad, wag ka magtatanong sa kanila. haha. 😀

Advertisements

2011/05/25 Posted by | Sari-saring Katangahan. | Leave a comment

10 Tips Ni Bienthoughts Para Sa Maayos Na Pagsusulat. (Ako na may mga Tips, ako na!)


Ikaw, anong mararamdaman mo kung maraming tao ang nakabasa ng isinulat mo at lahat sila ay hindi naging maganda ang comment dito? Matutuwa ka ba o maiirita?

Unang-una, itanong mo muna sa sarili mo kung may sense ba ang isinulat mo. Meron man o wala, dapat mong intindihin na ang lahat ay may karapatang magbigay ng puna dahil ibinahagi mo ito sa lahat para mabasa ng lahat at ng hindi iilan lamang.

Pangalawa, dapat mong malaman na ang pagsusulat ay isang paraan ng pang-iimpluwensya sa iyong kapwa. Kung marami ang hindi natuwa sa iyong isinulat o kung marami din ang nagustuhan ito, ibig sabihin lamang ay naipaabot mo ang mensaheng gusto mong iparating sa lahat. Magaling!

Pangatlo, isipin mo rin kung tama nga ba ang pagkakasulat mo sa iyong sanaysay, tula o maikling kwento o kahit anuman yang isinulat mo. Maaari kasing nakagamit ka ng mga salitang pwede namang hindi mo na ginamit. Sa gayong paraan, mas maiintindihan sana ang mensaheng gusto mong ihatid sa isipan ng iyong mga mambabasa.

Pang-apat, hangga’t maaari, kung may mababasa kang comments na hindi kanais-nais na pakinggan, huwag mo nang patulan at palampasin na lamang. Alalahanin mong anuman ang iyong isinulat ay magre-reflect sa kung anung pagkatao meron ka kahit alam mo naman sa sarili mo na gawa-gawa mo lang minsan ang mga isinusulat mo.

Pang-lima, kung hindi ka handang tumanggap ng mga hindi kanais-nais na mga komento mula sa mga taong nakakabasa ng mga sinusulat mo, huwag mo nang basahin ang kanilang mga komento, o kaya, huwag ka na lang magsulat, o kaya hwag mo na lang ibahagi sa iba. Sa gayong paraan, maiiwasan mong sumama ang loob dahil hindi mo matanggap na hindi nagustuhan ng mga tao ang iyong isinulat.

Pang-anim, lagi mong tatandaan na kung mayroon mga mga taong isinusumpa ang iyong isinulat, sigurado din namang meron ding nagkagusto dito kahit isa. Kahit Nanay mo lang.

Pampito, kung maraming sumeryoso sa iyong isinulat na halos murahin ka na nila dahil hindi nila ito nagustuhan, tumawa ka na lang ng malakas dahil ibig sabihin nun, effective kang writer. Biruin mo, dahil lang dun tumaas ang presyon ng dugo nila? WTF!?

Pang-walo, kung sa tingin mo eh mali ang interpretation ng mga tao sa isinulat mo, dalawang bagay lang yan. Una, tanga ka dahil hindi mo naipahayag ng maayos ang gusto mong sabihin, marahil nagmadali ka lang magsulat. Pangalawa, ayoko na magsalita. haha.

Pang-siyam, kung sa tingin mo eh kailangan mong magpaliwanag, nagkakamali ka. Huwag na huwag kang magpapaliwanag. Let them figure it out. Mahirap mag-explain. Ano, paulit-ulit? Unli ka? Shabu-shabu? Tokyo-Tokyo? Brazil-Brazil? Market-Market? Wag ganun. It’s for them to find out kung anuman ang ibig mong sabihin dun.

Pang-sampu, ito ang advice ko sa sarili ko. Bienthoughts. Okay lang yan! LOL.

___________________________

At dahil gusto kong mema-post lang, ito na lang pagdidiskitahan ko! hahaha. Narito ang ilan sa mga comments sa tula kong Ang Sumpa Ni Pacquiao na na-publish sa DefinitelyFilipino.com. Don’t get me wrong, I’m not mad at all. I’m actually amazed, seriously. Nakakatawa lang na ibang aspeto ng tula ang nakita at hindi yung aspetong gusto kong ipakita. Anyway,  here it goes:

Submitted on 2011/05/23 at 7:12 PM

Sorry to say but this is a piece of crap. Really. Maraming bagay na dapat pag-isipan at pag-usapan, hindi nararapat ipaskil at pagkabalahan ang mga ganitong sulatin na walang batayan. Kung Pacquiao hater ka, ayus lang yun dahil yung ang kagustuhan mo pero yung gumawa ka pa ng mga artikulong ganito ay hindi na tama. senseless. a waste of time.

Submitted on 2011/05/23 at 6:28 PM

sabi sa statistics: “1.8 people die every second” bat mo naman nasabi na xa ung dahilan sa pagkamatay ng mga artista? eh natural namang namamatay ang tao

Submitted on 2011/05/23 at 6:25 PM

…sure kaba jan tol…. paninira oh wala kalang magawa…weeeww peace

Submitted on 2011/05/23 at 6:06 PM

bobo naman nito… mali pa spelling ng “PACQUIAO”

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

BOGART!! dats all i can say haha

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

anong kagaguhan na nmn to

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

Sobrang taba ng utak ng sumulat neto… Sobra dami ng alam…

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

e-associate ba naman si pacquiao bilang member ng “ILLUMINATI” eh maka diyos yon!

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

Grabe naman,nagkataon lang naman lahat yun.Hindi naman siguro ginusto ni Manny na matigok yang mga yan sa panahon na may laban sya.

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

Tama ba isisi sa gumagawa ng mabuti ang masamang nangyari.. Wala na maisip na topic? Ganun lang? Peace!

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

Cguro nga!

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

cguro. pero pg my nama2tay may bgong snsilang. bka nman tlgang swerte cya pg my nkakalban at ntatalo nya.

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

crap!!! kagaguhan!!!

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

READY? READY? PACQUIAO*

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

nagkakataon lang naman,palibhasa hater ni manny pacquiao

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

Who the he’ll is this blogger you need to get off your laptop or pc and get a life…..

Submitted on 2011/05/23 at 4:21 PM

aawwww!

Submitted on 2011/05/23 at 4:21 PM

Guys sino want mag part time/fulltime? 450 a day or 600 a day included taxes, benefits (SSS, GSIS, PAG-IBIG). PM me for info. Lahat ng tanong niyo sasagutin ko basta connect dun sa work. Manila area only. Thanks!

Submitted on 2011/05/23 at 4:21 PM

nyay ano naman koneksyon nun..

Submitted on 2011/05/23 at 4:21 PM

stupido naman nag imbento ni2

___________________________

Pero maninindigan ako, mas magkamukha naman talaga sina Mami Dionisia at Jinky diba? Akala ko nga magnanay sila eh. Haha. Pero sa isang banda, maraming salamat. Haha. Mga adik kayo! Char! 😀

2011/05/24 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 4 Comments

Isang “Review” ng Pelikulang “In The Name Of Love”.


Isa sa mga paborito kong past time ay ang panonood ng movies. Pero mas madalas, mas feel ko na manood ng mag-isa lang dahil mainitin ang ulo ko kapag may isang linya sa dialog ng artista na hindi ko naintindihan. Ayoko din ng may kausap habang nanonood. Mas trip ko din yung papasok sa sinehan at matutulog muna saglit bago umpisahan ang sunod na schedule ng movie. Eh wala naman sasama sa akin sa ganong trip kaya ayun, nasanay na rin ako magmovie marathon mag-isa. Masaya din naman kahit papano eh.

Anyway, noong Sunday lang, I went to SM-Bacoor to watch this movie. last full show kaya inexpect ko na kakaunti lang ang taong manonood, umulan din kasi ng malakas. Pero nagkamali ako, naging literal ang “Last Full Show” dahil full of people talaga ang sinehan. Box office!

Kaya eto ang na-gather ko sa pelikula na sobrang baba ng expectations ko. Again, I was wrong. Here.

This is a very beautiful movie.

1. Nagalingan ako kay Jake Cuenca. Super hirap nung character nya ha. Napabilib niya ako, akala ko dati pipitsuging artista lang siya. I mean, keme-keme lang ang pag-arte pero ‘wag ka, panoorin mo siya dito sa movie na ito at maiintindihan mo sinasabi ko. Although hindi masyadong na-highlight yung character niya pero tumatatak sa isip. Palakpak ako eh.

2. Hindi mo talaga pwedeng dayain o iarte na marunong kang sumayaw, di ba Aga? Wala pa rin siyang kupas talaga. Lahat na ata ng babaeng artista na halos anak na niya eh naging leading lady niya. Hindi na ako magugulat kung pagdating ng araw, si Sharlene San Pedro na ang kasama niya sa movie bilang love interest niya. Pero in fairness, magaling siyang magdala.

3. Angel Locsin, never naman ako nagduda, bravo! Medyo mataba siya sa movie. Pero ang pag-arte, haaay nakakaadik, nakakadala. Tingin ko kung hindi si Angel Locsin ang bida, hindi magiging effective ang character niya.

But for me, I think it would’ve been better kung hindi naging happily ever after ang ending. May doubt ako sa latter part ng story pero galing pa rin. Olivia Lamasan is timeless! Medyo hindi lang ako makapaniwala sa timing ng pagdating ni Aga eksakto sa pagputok ng baril. Ang galing ng tyempo, yun lang ang part na hindi masyadong realistic.

May mga magagandang scenes dun sa sobrang artistic ng pagkaka-shoot, aakalain mong stage play. Lalo na yung kuha ng camera from the top while Aga and Jake were lying on the floor, dying. Panalo yun. Si Carmi Martin ay isang legend. No dull moments sa movie na ito. Matanda na si Aga tignan sa screen pero siguro ginawang ganun yung itsura nya doon to fit his role which is really effective.

Nadala ako sa confrontation scene, just flawless! Hindi mo aakalain na ganun pala ang nangyari sa kanila. This is not your typical love story.

Ang negative comment ko lang (na hindi naman kasama sa movie, haha), sana ang mga taong nanonood sa SM-Bacoor ay magkaroon ng disiplina sa loob ng sinehan at maisip nila na hindi palengke ang pinuntahan nila. Hindi rin call center na kung sino-sino ang kinakausap sa phone, at higit sa lahat, hindi isang debate para mag-comment sila sa bawat galaw ng mga artista sa pelikula, goddamnit!

Special mention kay Ate sa unahan ko, na akala yata eh comedy yung movie na tawa ng tawa sa bawat dialog. Perstaym mo teh sa sinehan?

But you don’t wanna miss this movie, it’s worth the ticket price. Kahit nga mas mahal pa, kung alam ko lang na ganun kaganda, I will surely pay. Ngayon lang ako ulit nakuntento sa plot ng isang tagalog movie. Mahirap kasi ako masatisfy. The last movie na medyo na-satisfy ako sa plot ay yung “Nasaan Ka Man” ni Claudine Barreto, Jericho Rosales at Diether Ocampo. Yun na yata yung last.

Minsan kasi sa latter part na ng movie nagkakatalo, hindi siguro malaman ng direktor kung papaano tatapusin yung movie. Laging may sablay. Or it could just be me. I’m ust saying. I’m not an expert pagdating sa pag-critic ng mga pelikula kaya ang mga sinasabi ko dito ay base lang lahat sa pakiramdam ko bilang isang manonood na nagbabayad ng ticket para maaliw.

Anyway, basta panoorin mo na lang. Just make sure don ka manood sa sosyal na sinehan, okay? Kung bakit ba sa SM-Bacoor ako nanood, mga walang pakundangan ang mga tao dun akala mo bahay ang pinuntahan, kwentuhan ng kwentuhan, bulungan ng bulungan eh naririnig ko naman. Mano bang maupo na lang, manood at intindihin ang pelikula, daba? Kaya nga ako nanonood ng sine mag-isa para walang istorbo at makapag-concentrate sa pinapanood.

O siya, yan lang. Bye! 😀

2011/05/23 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 1 Comment

Pencils For The Mountains.


  • Pupunta kami sa Kapangan, Benguet sa susunod sa Byernes upang mamahagi ng mga kagamitang pang-iskwela para sa mga mag-aaral mula Daycare hanggang Grade 3 ng Kapangan Elemtary School sa lalawigan ng Benguet. Sa pagtutulungan ng Thomson Reuters Extreme Adventure Team at Thomson Reuters Manila Volunteer Council kasama ang The Black Pencil Project, nabuo ang proyektong “Pencils For The Mountains” na gaganapin sa ika 27 ng Mayo. Layunin at hangarin ng proyektong ito na magbahagi sa mga batang mag-aaral sa mga kabundukan ng mga kagamitang makatutulong sa kanilang pag-aaral katulad ng mga Bolpen, Lapis, Papel, Kwaderno, Crayola, School Bags at iba pa.
  • Sa mga nais maging bahagi ng proyektong ito, mangyaring mag-donate na lang kayo sa para madagdagan ang mga school supplies na iaakyat namin ng bundok. Malayo ang mararating ng iyong dalawandaang piso. Makakarating to ng Benguet. Email nyo na lang ako sa bienperaltajr@yahoo.com
  • Lumalambot ang puso ko kapag mga batang kapus-palad na ang pinag-uusapan. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil kahit hindi naman kami mayaman ay hindi ko naramdaman ang maging kapos sa mga pangangailangan ko bilang isang batang mag-aaral. Kahit lumang sapatos, o kahit recycled na notebook minsan ang ginagamit ko noon, at least hindi tulad nilang kailangan pang maglakad ng isa – dalawa – tatlo – minsan ay apat na oras para lang makababa ng bundok at makarating sa kanilang paaralan. Kailangang tumawid ng ilog at mangalakyat sa mga talampas sa tanghaling tapat na kung minsan ay wala pang tsinelas. Haaay, sobrang naaawa talaga ako sa kanila. This is the most that I can do.
  • Napanood ko nga minsan sa “Wish Ko Lang” sa GMA7, ewan ko ha, pero hindi naman mababaw ang luha ko pero naiyak talaga ako sa episode na yun. Yung nanay buhat-buhat yung anak niyang may kapansanan pababa ng bundok para ihatid sa school. May ilog sila na kailangan tawirin kaya habang pasan ng nanay yung anak sa likod niya ay nilalangoy naman niya yung kahabaan ng ilog. Waaah. Biruin mo yun, ganun kahirap ang buhay nila. Naiyak me.
  • Sabi ng kaibigan ko, at palagi niya itong ipinapaalala sa akin kapag nag-i-emo ako sa mga ganitong bagay, “We all have our own crosses to bear”. So meaning, kung anumang hirap ang nararanasan nila ngayon, yun ang krus nila at kailangan nilang gumawa ng paraan to cope with their situation.
  • Ang sabi ko naman, “It wouldn’t take much of your strength to sometimes, look down!”. Hindi naman siguro masama kung iisipin mo na maswerte ka kahit papano dahil hindi mo nararanasan yung nararanasan nila. So it would be nice to help kahit sa maliit na paraan lang. Kahit prayer. Sincere prayers will do. (Naks, parang di ako ‘to ha. Seryoso?! LOL)
  • Anyway, kinukusensya ko lang kayo. Effective ba? O, mag-donate na! Hihihi. Kung hindi effective, kfine. We all have our own crosses to bear. Char!
  • Sana maging matagumpay ang proyektong ito. Siyanawa! 😀

2011/05/19 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 1 Comment

Entsanted Kingdem!


This slideshow requires JavaScript.

Oo, promise perstaym kong makatuntong sa lupain ng Entsanted Kingdem at subrang saya ko na parang bata. Maraming pagkakataon na sana ay nakapunta ako dito pero hindi natuloy dahil mas kailangang unahin ang dapat na unahin. Dati sabi ko kung kelan pa ako nagkatrabaho at kumita ng milyon-milyon saka pa ako di makapunta sa EK (char lang yung milyon-milyon!). Pero noong nakatapak na ako ay napuno ng wagas na kaligayahan ang aking puso sa pananabik na makita si Lolo EK saka yung prinsesa nya. Sayang lang at hindi ako nakapagpapiktyur dahil nakakatamad silang habulin – hanghinit-hinit!

Naalala ko nung bata pa ako, may field trip kami sa simbahan sa EK, kaso hindi ako pinayagan ni Mama. Asar na asar ako nun. Kung sana pinayagan lang ako noon eh di dapat hindi ako ignorante sa itsura ng EK. Libre naman din yun eh. Hmmmp! Ayun, after 15 years, saka palang ako nagka-chance ulit makapunta dun. Haaay. LOL.

Unang pagpasok ko pa lang ay para akong kabayong nakawala sa koral. Agad kong sinalubong yung malaking gulong na umiikot. Pangarap ko lang dating makasakay dun kaya yun ang una kong sinakyan! Hangsaraaap sa taas!

Sumunod kong sinakyan yung Engkors Awey! Ewan ko ba kung bakit sila sigaw ng sigaw eh wala naman ako na-feel na thrill sa pagsakay doon. Wala lang, taas-baba. Charlar! Pero masaya dahil perstaym nga. Ganun pala pakiramdam parang tanga.

Ang sunod ko namang pinag-interesan ay yung Space Shettel! Doon ako nakaramdam ng takot, pangamba, panganib, lumbay, lungkot, pangungulila at kawalang pag-asa. Ewan ko. Masarap naman siay sakyan. Actually nag-enjoy ako sa 360 degrees na pag-ikot niya. Sobra. Pero ewan, pakiramdam ko kasi mamamatay na ako. Grabe yun. As in Grabe. Pero inulit ko siya mga 3 times. Ang sarap eh.

Sunod ay yung 4D theater. Si Yosi Bear ang palabas! Ewan pero nakornihan ako! haha. Pero ganda ng effects ng 4D. Nothing much to say.

Doon naman sa Rio Grande, I got really wet. Yun lang.

Salamat na lang sa aking mahal na kaibigan na si Melissa na may kulay blue na buhok dahil binigyan niya ako ng free day pass sa EK with P200 worth of Wizard Money. I lilly, lilly, love you Mel.

At sobrang mahal ng paninda sa loob ng EK! Buti na lang at mayaman ako! Char!

Anyway, wala na akong maikukwento pa basta masaya siya kahit mag-isa lang ako naglibot dun (bukod sa maminsanan kong makakasalubong yung ibang mga kakilala ko para magpa-piktyur) na parang ligaw na anghel! Kung babalik man ako don, I’ll definitely bring my family with me.

May sunburn ako sa mukha, di kasi ako nakapaglagay ng Sunblock, akala ko kasi may cover yung buong EK at fully airconditioed, sobrang init pala. Wala din me payong. Ang skin ko tuloy na-damaged ng kaunti. Hala.

O siya, tiganan na lang ang mga pics, I just wanna share!

Now na nakarating na ako sa EK, not anyone can presume that I was born yesterday. LOL.

2011/05/17 Posted by | Sari-saring Katangahan. | 1 Comment

%d bloggers like this: