BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

100th.


Dapat daw espesyal ang ika-isangdaang post ko kaya naman nahirapan akong mag-isip ng magandang isulat para naman masaya. Naisip kong ikwento sana ang sexcapade ko last night para masaya pero parang wala namang magiging interesado dahil kahit ako mismo eh hindi nasiyahan. Char! Hahaha. Too much information. LOLOLOL. Naisip ko rin sana ikwento ang mga dahilan kung bakit ko binabalikan ang isang bar sa Imus, Cavite kaso baka mabasa niya ito at mabuking ako kaya ‘wag na lang din. Hahaha. Ngayon habang nagsusulat ako, kakatanggap ko lang ng text mula sa isang long lost friend at naisip kong siya na lang kaya ang maging topic ko kaso I don’t think he’s worth it kasi naman unang-una muntik ko na siyang makalimutan kala ko nga patay na siya, although marami kaming pinagsamahang napakagaganda pero effort much kung iisipin ko lahat yun subrang tagal na nun. Katamad. Naisip ko ring ilagay na lang din ang screenshot ng kauna-unahang blogpost ko kaso wala naman kwenta yun kaya wag na lang. Ngayon gusto ko lang talaga may ma-ipost para lang maging isangdaan na ang aking entries. Mema lang. Mema-post lang.

At pagkatapos ng isang masinsinang pag-iisip at effort much na paghahanap ng topic to write about, hindi ko napansin na nasa loob lang pala ng bahay namin ang dapat kong pag-ukulan ng effort para maisulat. Ayun siya, nasa harap ng kanyang sewing machine, nagtatahi ng kurtina at mga sirang damit, nagpuputol ng pantalon at nagpapalit ng zipper, gumagawa ng punda ng unan at nagsusulsi ng butas kong briefs. Nagluluto ng peborit kong ispageti. Matagal-tagal na rin kaming magkasama sa bahay. Napapansin ko na ngang kumukulubot na ang kanyang balat. Tumatanda na siya, medyo nabibingi na nga eh. Pero palagi lang siyang nandyan at hinihiling ko kay Papa J na sana eh palagi lang talaga siyang nandyan bilang Mama ko. W000O0T! Teka naiiyak na me. Hihi. Anyway, this 100th post is dedicated to her, of course!

Happy Mother’s Day, Mama!😀

Si Machete at si Mama (It's time to take a bath moment)

2011/05/06 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

3 Comments »

  1. Happy Mother’s day.🙂 Ang sipag mo magpost, no wonder naka100 ka na. Haha. Congrats.🙂

    Comment by Yow | 2011/05/06 | Reply

    • Napansin mo ba bago na naman ang itsura ng bahay ko? hahaha. Hindi pa rin ako mapakali – confused pa rin. LOL. Salamat Yow, pinipilit kong maging masipag para sa sambayanang Pilipinong umaasa sa post ko! CHar! Salamat sa blogfriendship, lol. Muwah!😀

      Comment by bienthoughts | 2011/05/06 | Reply

  2. Happy Mother’s Day… Higit nga sa malamang mga nanay natin mga laman ng blog natin ngayong araw na ito, hahahaha

    Comment by Ron Mistica | 2011/05/07 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: