BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Ang Sumpa Ni Pacquiao.


may sumpa raw ang iyong tagumpay, Manny

at hindi lang ang pagkatalo ng iyong kalaban

ang aking inaabangan

at sinusubaybayan

pati na rin ang pagkawala ng buhay

ng isa na namang bituin

sa tuwing ika’y magwawagi

si Ernie Baron

Si Marky Cielo

si Nida Blanca

si Palito

Si Wyngard Tracy

si Johnny Delgado

ang anak ni Cesar Montano

lahat sila namatay ilang araw o linggo

matapos ang iyong panalo

paano mo maipapaliwanag ito?

sa bawat mong galaw at suntok

sa bawat pagpupunyaging maisahan ang kalaban

sa bawat saglit na ika’y madaplisan

napapatili ang aking puso

isa kang mahirap

dati kang isang kahig

kung minsan walang tuka

ngunit nangarap ka

at sinuntok ang sinumang

nagtangkang humarang sa iyong mga adhika

ngayon nama’y tignan mo ang iyong ina

si Dionisia

at ang iyong asawa

si Jinky

magkamukha na sila

tinatamasa ang iyong kasikatan

ang iyong kayamanan

mga mapapalad

kung totoo mang ang lahat ay may kapalit

panalo ka Manny, panalo ka!

napapasigaw ako sa bawat sapak mo

sa mukha ng iyong kalaban

umaasang ang iyong bawat banat

ay mag-uuwi ng karangalan

sa minamahal kong bayan

umaasang ang bawat sugat

ay mag-aahon sa atin sa kahirapan

saludo ako sa’yo Manny

sa iyong bituing nagniningning

sa nanay mong yumaman na rin

sa asawa mong modelo na ni Belo

at sa iyong Ingles na pang-gago

saludo ako sa’yo.

kung nakipagkasundo ka man sa demonyo

upang makamit mo ang lahat ng ito

kung ang bawat tagumpay mo’y isang kaluluwa ang mawawala

panalo ka Manny, panalo ka!

aabangan ko

sa bawat panalong laban mo

ang susunod na bituin

na mamatay at maglalaho sa dilim

hindi kita sinisisi, Manny

marahil, lahat ng ito ay pagkakataon lamang

ngunit naghahanap ang aking puso

ng kasagutan

sa sumpang ito, Manny

ikaw ang panalo

hanggang sa kongreso

panalo ka, Manny!

saludo ang sambayanang Pilipino

sa iyo…

sa iyo…

sa sumpa mo!

2011/05/08 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

1 Comment »

  1. […] lang, ito na lang pagdidiskitahan ko! hahaha. Narito ang ilan sa mga comments sa tula kong Ang Sumpa Ni Pacquiao na na-publish sa DefinitelyFilipino.com. Don’t get me wrong, I’m not mad at all. […]

    Pingback by 10 Tips Ni Bienthoughts Sa Maayos Na Pagsusulat. (Ako na may mga Tips!) « BienthoughtsMuyBienthoughts | 2011/05/24 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: