BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Hanapin Mo Ako.


Napanaginipan kita noong isang gabi…

Nakatayo ka sa gitna ng isang dagsa ng mga tao

tulad ng mga basurang nahuhulog sa aking ulunan

Nakakuyum ang iyong mga kamao, handang sumakop, manakop

Kumikinang ka

Parang tsokolate

Parang kasalanan at kasiyahan

Parang kalungkutan

Papaano ko nalamang ngumiti ka?

Wala ka namang mukha

Marahil, ilang libong ulit na kitang napanaginipan

Kasama sa gitna ng isang milyong mga taong naghihiyawan

O habang katabi ko sa paglubog ng araw sa dalampasigan

O sa mga sandali ng pagluluksa

O pangungulila

O habang nakakatitig sa aking sariling mga mata

Hayaan mong buhatin ka ng mga kamay ko

Isang balahibong nawawala

Nalupig kita.

Katulad ng bawat pagsuntok ko sa buwan, marahil inibig na din kita.

Hinanap kita ngunit ika’y mailap

Hinintay ngunit hindi dumating

Marahil may hinihintay ka ring iba

Sana ay hindi na lang kita napanaginipan

Sana ikaw ay ibang tao na lang

Sana ay mayroon ka ring mukha

Sana ay hindi mo ako hinayaang ibigin ka.

Hindi tayo kailanman magtatagpo

Hindi nagkakatotoo ang mga panaginip

May mga kaluluwang hindi nahahanap ang kanilang makakasama

At kung ako naman ang mawala, maparam

Hanapin mo ako…

2011/05/13 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: