BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

10 Tips Ni Bienthoughts Para Sa Maayos Na Pagsusulat. (Ako na may mga Tips, ako na!)


Ikaw, anong mararamdaman mo kung maraming tao ang nakabasa ng isinulat mo at lahat sila ay hindi naging maganda ang comment dito? Matutuwa ka ba o maiirita?

Unang-una, itanong mo muna sa sarili mo kung may sense ba ang isinulat mo. Meron man o wala, dapat mong intindihin na ang lahat ay may karapatang magbigay ng puna dahil ibinahagi mo ito sa lahat para mabasa ng lahat at ng hindi iilan lamang.

Pangalawa, dapat mong malaman na ang pagsusulat ay isang paraan ng pang-iimpluwensya sa iyong kapwa. Kung marami ang hindi natuwa sa iyong isinulat o kung marami din ang nagustuhan ito, ibig sabihin lamang ay naipaabot mo ang mensaheng gusto mong iparating sa lahat. Magaling!

Pangatlo, isipin mo rin kung tama nga ba ang pagkakasulat mo sa iyong sanaysay, tula o maikling kwento o kahit anuman yang isinulat mo. Maaari kasing nakagamit ka ng mga salitang pwede namang hindi mo na ginamit. Sa gayong paraan, mas maiintindihan sana ang mensaheng gusto mong ihatid sa isipan ng iyong mga mambabasa.

Pang-apat, hangga’t maaari, kung may mababasa kang comments na hindi kanais-nais na pakinggan, huwag mo nang patulan at palampasin na lamang. Alalahanin mong anuman ang iyong isinulat ay magre-reflect sa kung anung pagkatao meron ka kahit alam mo naman sa sarili mo na gawa-gawa mo lang minsan ang mga isinusulat mo.

Pang-lima, kung hindi ka handang tumanggap ng mga hindi kanais-nais na mga komento mula sa mga taong nakakabasa ng mga sinusulat mo, huwag mo nang basahin ang kanilang mga komento, o kaya, huwag ka na lang magsulat, o kaya hwag mo na lang ibahagi sa iba. Sa gayong paraan, maiiwasan mong sumama ang loob dahil hindi mo matanggap na hindi nagustuhan ng mga tao ang iyong isinulat.

Pang-anim, lagi mong tatandaan na kung mayroon mga mga taong isinusumpa ang iyong isinulat, sigurado din namang meron ding nagkagusto dito kahit isa. Kahit Nanay mo lang.

Pampito, kung maraming sumeryoso sa iyong isinulat na halos murahin ka na nila dahil hindi nila ito nagustuhan, tumawa ka na lang ng malakas dahil ibig sabihin nun, effective kang writer. Biruin mo, dahil lang dun tumaas ang presyon ng dugo nila? WTF!?

Pang-walo, kung sa tingin mo eh mali ang interpretation ng mga tao sa isinulat mo, dalawang bagay lang yan. Una, tanga ka dahil hindi mo naipahayag ng maayos ang gusto mong sabihin, marahil nagmadali ka lang magsulat. Pangalawa, ayoko na magsalita. haha.

Pang-siyam, kung sa tingin mo eh kailangan mong magpaliwanag, nagkakamali ka. Huwag na huwag kang magpapaliwanag. Let them figure it out. Mahirap mag-explain. Ano, paulit-ulit? Unli ka? Shabu-shabu? Tokyo-Tokyo? Brazil-Brazil? Market-Market? Wag ganun. It’s for them to find out kung anuman ang ibig mong sabihin dun.

Pang-sampu, ito ang advice ko sa sarili ko. Bienthoughts. Okay lang yan! LOL.

___________________________

At dahil gusto kong mema-post lang, ito na lang pagdidiskitahan ko! hahaha. Narito ang ilan sa mga comments sa tula kong Ang Sumpa Ni Pacquiao na na-publish sa DefinitelyFilipino.com. Don’t get me wrong, I’m not mad at all. I’m actually amazed, seriously. Nakakatawa lang na ibang aspeto ng tula ang nakita at hindi yung aspetong gusto kong ipakita. Anyway,  here it goes:

Submitted on 2011/05/23 at 7:12 PM

Sorry to say but this is a piece of crap. Really. Maraming bagay na dapat pag-isipan at pag-usapan, hindi nararapat ipaskil at pagkabalahan ang mga ganitong sulatin na walang batayan. Kung Pacquiao hater ka, ayus lang yun dahil yung ang kagustuhan mo pero yung gumawa ka pa ng mga artikulong ganito ay hindi na tama. senseless. a waste of time.

Submitted on 2011/05/23 at 6:28 PM

sabi sa statistics: “1.8 people die every second” bat mo naman nasabi na xa ung dahilan sa pagkamatay ng mga artista? eh natural namang namamatay ang tao

Submitted on 2011/05/23 at 6:25 PM

…sure kaba jan tol…. paninira oh wala kalang magawa…weeeww peace

Submitted on 2011/05/23 at 6:06 PM

bobo naman nito… mali pa spelling ng “PACQUIAO”

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

BOGART!! dats all i can say haha

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

anong kagaguhan na nmn to

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

Sobrang taba ng utak ng sumulat neto… Sobra dami ng alam…

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

e-associate ba naman si pacquiao bilang member ng “ILLUMINATI” eh maka diyos yon!

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

Grabe naman,nagkataon lang naman lahat yun.Hindi naman siguro ginusto ni Manny na matigok yang mga yan sa panahon na may laban sya.

Submitted on 2011/05/23 at 4:23 PM

Tama ba isisi sa gumagawa ng mabuti ang masamang nangyari.. Wala na maisip na topic? Ganun lang? Peace!

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

Cguro nga!

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

cguro. pero pg my nama2tay may bgong snsilang. bka nman tlgang swerte cya pg my nkakalban at ntatalo nya.

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

crap!!! kagaguhan!!!

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

READY? READY? PACQUIAO*

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

nagkakataon lang naman,palibhasa hater ni manny pacquiao

Submitted on 2011/05/23 at 4:22 PM

Who the he’ll is this blogger you need to get off your laptop or pc and get a life…..

Submitted on 2011/05/23 at 4:21 PM

aawwww!

Submitted on 2011/05/23 at 4:21 PM

Guys sino want mag part time/fulltime? 450 a day or 600 a day included taxes, benefits (SSS, GSIS, PAG-IBIG). PM me for info. Lahat ng tanong niyo sasagutin ko basta connect dun sa work. Manila area only. Thanks!

Submitted on 2011/05/23 at 4:21 PM

nyay ano naman koneksyon nun..

Submitted on 2011/05/23 at 4:21 PM

stupido naman nag imbento ni2

___________________________

Pero maninindigan ako, mas magkamukha naman talaga sina Mami Dionisia at Jinky diba? Akala ko nga magnanay sila eh. Haha. Pero sa isang banda, maraming salamat. Haha. Mga adik kayo! Char!😀

2011/05/24 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

4 Comments »

  1. LOL. parang ikaw ang bumali sa sinabi mo sa pang lima mong bullet points.

    at parang expect the unexpected ang pinapahiwatig mo sa mga tips mo. kaw na!

    para sa akin, dalawang klase ang pagbloblog, mayroon personal at mayroon namang kumukuha ka talaga ng audience. sa pangalawa, marahil ay applicable lahat ng sinabi mo pero sa pang una… walang tricks dyan. maging epektib ka man o hindi ang mahalaga nasulat mo ang gusto mo sabihin.

    malabo ba?

    Comment by bulakbolero | 2011/05/25 | Reply

    • Hahaha, malabo ba? di ko pa din alam kung saang category babagsak tong blog ko but it’s more on personal pero since nagsa-submit ako ng mga entries sa mga kung saan-saang websites, I think hindi din ganun ka-personal. At oo, expect the unexpected, sarili ko ang binibigyan ko ng advice! hahaha. Napadaan ka ulet, im glad to see you here pareng bulakbulero!😀

      Comment by bienthoughts | 2011/05/25 | Reply

  2. ganda ng blog mo bro! astig!

    Comment by Vin | 2011/05/25 | Reply

    • Wow! Salamat Vin sa pagbisita ha! Pabasa ng mga posts sa blog mo! See you around!😀

      Comment by bienthoughts | 2011/05/25 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: