BienthoughtsMuyBienthoughts

one stupidity at a time won't hurt, will it?

Kapag Tumibok Ang Puso.


“…Eto na naman naririnig, kumakaba-kaba itong dibdib.

Lagi na lang sinasabi pwede ka bang makatabi, kahit sandali lang…”

-Donna Cruz, Kapag Tumibok Ang Puso, 1992.

Isa ito sa mga perstaym ko. Ang maging tila “obsessed” sa isang tao. Sabi ng kaibigan ko infatuated lang daw ako, sa tingin ko naman, fascinated lang ako pero ang totoo, pakiramdam ko, obsessed na talaga ako. Mahirap pala ang ganito. Yung tipong gustong-gusto mo siya tapos hanggang sulyap ka lang. Inaabangan mo araw-araw na magkita kayo pero kahit na may chance na kausapin mo siya, nababahag ang buntot mo at kinakabahan kang dumikskarte. Tuwing nagkakasalubong kayo, hindi mo alam kung anong klaseng pagpapapansin ang gagawin mo. Tatalbog na parang bola ang puso mo kapag nagkakahulihan kayo ng tingin pero ikaw ang laging nauunang yumuko dahil nahihiya ka. Ang hirap ipakita ang emotions mo na kinikilig ka sa tuwing magtatama ang inyong panignin, para bang gusto mong mawala na lang bigla sa kinatatayuan o kinauupuan mo. Nakakatunaw. Para kang teenager na may crush pero ito yung tipo na kung magkakaroon ka ng pagkakataon eh seseryosohin mo ito.

Maaga akong pumapasok palagi sa opisina dahil alam kong maaga rin syang pumapasok. Nagkakaroon ako ng pagkakataong matitigan sya habang nakatalikod. Sinusulyapan ko ang mukha niya at sa bawat sulyap, gusto kong lumipaaaaad! Ang ganda ng ilong nya, ng mata niya, ng labi niya – perfect! Alam ko kung anong oras ang break schedules nya at sinasabayan ko ito para makasabay ko siyang kumain at magyosi. Pero kahit parang isang dipa lang ang layo namin sa isa’t-isa, pakiramdam ko na langit at lupa ang aming pagitan, ate Charo! lol

Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya hanggang ngayon. magkasama kami sa iisang kumpanya pero ni hindi ko alam kung saang department sya. Nagkakakasya na lamang ako sa mga pagkakataong nagkakasabay kami sa elevator o kaya ay kapag nagkikita kami sa smoking area – hanggang dun na lang siguro ako for now hangga’t torpe pa rin ako. Haha.

Pero I’m sure mawawala din ito- katulad noong mga nakalipas. Katulad ng mga bula. Katulad ng mga halamang tuyot. Katulad ng amoy ng sigarilyo. Katulad ng pananabik. Katulad ng takot. Katulad ng lungkot. Katulad ng pangungulila. Katulad ng Avocado. Katulad ng tighiyawat. Katulad ng buni. Katulad ng muta. Katulad ng pagdaramdam. Katulad ng tampo. Katulad ng busog na baboy. Katulad ng inihaw na bangus. Katulad ng makulit na gamu-gamo. Katulad ng swerte. Katulad ng paulit-ulit na alingawngaw. Katulad ng isang magandang awit. Katulad ng buhay. Katulad ng pagtibok ng puso – mawawala din ito.

At ako ang magwawagi. ;P

2011/06/16 - Posted by | Sari-saring Katangahan.

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: